KABANATA 20
Sandra wasn't aware that she was humming a children's song while walking out from their house. May dala siyang isang itim na timbang walang laman.
Walang tulo ng tubig sa kanilang gripo. Inaayos raw ang tubo at sira naman ang daluyan ng poso. Ang natatanging solusyon ay mag-igib muna mula sa balon.
She stopped humming when she realized she was doing it. Sandra usually sings and hums unconsciously when she's happy. Napailing-iling siya. She pressed her lips tightly and went straight to the deep well quietly.
Saan banda masaya ang mag-igib ng tubig?
Bakit siya masaya? Anong karapatan niya?
Estefan's image and words came inside her head. Napakurap-kurap siya na para bang isa muling maginhawang paghagod ang dala-dala niyon sa kaibuturan niya.
Tila kay sarap paniwalaan na pagkatapos ng lahat, liligaya siyang muli.
Napalunok si Sandra at hinayaan na lang ang sarili kung muling mapapahuni o mapapakanta man. Nasa tapat na siya ng balon at agad na kinuha ang lubid.
As she stared at the pulley, she also remembered how Estefan told her she almost tried to jump and drown herself there...
Napalunok siya. Kinilabutan. Patuloy siyang walang maalalang nangyari iyon.
Maingat siyang sumilip sa ilalim ng balon. It's a cube-shaped water well made of hollow blocks.
Maliwanag ang umagang iyon subalit sa lalim ng balon, madilim na ang ibaba para malaman kung hanggang saan nga ba iyon umaabot.
Kung nagtagumpay nga siyang ihulog ang sarili roon, ilang araw pa bago matagpuan ang kanyang bangkay?
She swallowed hard and for a moment, she was in trance while looking down the well.
Bigla-biglang naglumikot ang imahinasyon niya. Ano pa kayang nasa ilalim niyon maliban sa tubig?
Are their supernatural creatures living under? O isa iyong portal sa isang mundong puno ng mahika? Hindi kaya't kung tuluyan siyang tumalon doon ay hindi naman siya mamamatay? Bagkus ay mapupunta lamang sa ibang mundo?
O sa malayong oras? Paano kung madadala pala siya ng balon na iyon sa panahon pa ng mga Kastila? O sa malayong hinaharap?
What does Monte Amor looked like 70 years from now? That's in the year 2024! Ngunit aabot pa kaya ang mundo ng ganoon katagal? Paano kung magunaw na?
Noong isang araw lang, may prusisyon ang grupo ng isang relihiyon. Lahat daw ay mangumpisal na't magbalik-loob sa Diyos. Paparating na raw muli si Hesus!
It's the end of the world! A-woo!
Muli, hindi namalayan ni Sandra na napapangiti na siya sa mga naiisip.
"Sandra! Sandra!"
Napasinghap siya at biglang napatuwid ng likod.
"Sandra!" patuloy ang tarantang pagtawag sa kanya.
Lumingon siya. "Estefan!" Nanlaki ang kanyang mga mata sa bilis nitong tumakbo!
"Huwag kang tatalon!" sigaw pa nito.
Napalayo siya sa balon at agad na sinalubong ito. "Hindi! Hindi, Estefan! Hindi ako tatalon!" Umiling-iling pa siya, natataranta na ring bigla dahil sa pagkataranta nito.
Napahinto ito eksakto sa tapat niya. Tumingala siya rito. "Nag-iigib lang ako ng tubig! Binabalak kong maligo!"
Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib nito at paghahabol ng hangin. "H-Hindi... ka... t-tatalon?"
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.