Chapter 11

15 4 0
                                    

Back at home, I could still feel so much disappointment from Derek, but the only thing he could do was accept it and move on

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Back at home, I could still feel so much disappointment from Derek, but the only thing he could do was accept it and move on. Dinadamayan ko na lamang siya. I knew it was a big fight for him and losing it was heartbreaking. When we were in the hospital, gustong-gusto niyang bumalik sa Arena dahil ipagpapatuloy niya ang laban, but for his safety, hindi siya pinayagan.

Ayoko rin namang lumala ang kalagayan niya habang nasa court siya. His life was more important than winning that game.

Pumasok din naman kami kinabukasan. Sinabihan ko si Derek na magpahinga na lang dahil kailangan niyang bawiin ang lakas niya. Pero ang sagot nito sa akin, Allergy lang 'yon. Wala 'yon.

Hindi ko siya mapipilit kaya pumasok pa rin siya. It was like everything went back to normal. Pagkapasok namin sa campus ay pansin ko ang tingin ng ibang estudyante nang makita kami. I knew what their stares was all about. Sinisilip ko naman ang mukha ng boyfriend ko, but it seemed like it didn't affect him.

Habang patungo kami sa mga klase namin, may ilan kaming nakasalubong na estudyante at ilan ay nagbigay pa ng regalo kay Derek at iyong iba ay inabutan ako ng bracelet. Hindi ko alam kung bakit, pero tinanggap ko na lang.

All those students who came to us checked on him and still congratulated him for his performance in the game's first two quarters. It warmed his heart, even though he could've done a different outcome from the game. Kahit ako, proud pa rin naman sa naging performance niya sa game. They could easily win the game dahil umarangkada talaga sila after the second quarter. Hindi lang nahabol after the third quarter at natabunan na sila during the fourth quarter leading to their big loss.

"Are you okay?" tanong ko kay Derek.

Nilingon ako nito at saka ibinaba ang tingin sa akin. Sometimes, I was scared to ask him if he was okay dahil parati siyang pagod mula sa training, but his smile slowly shone on his face and that was enough for me to know that this wasn't a bad day for him.

He nodded his head. "Yeah, I'm good. You?"

I put a thin smile on my lips and nodded. "Yes, I'm feeling good!"

Later on, dumating si Danny at kinuha nito ang atensyon naming dalawa. Kumaripas naman ito ng takbo papunta sa amin. Pansin namin na hinahabol nito ang hininga niya at pinilit na ngumiti kahit na lumalaki ang butas ng ilong niya sa bawat paghinga.

"Ayos ka lang, Danny?" nag-aalala kong tanong.

"Ah, yes!" Tatango-tango nitong sagot sa akin. 

"You sure? It doesn't seem like you are," pagpuna pa ni Derek sa kanya.

"Ayos lang ako, Derek! Ano ka ba! Anyway, I'll be taking your girlfriend away for the meantime." Pinalibot nito ang kamay sa braso ko.

"Fine. I'll see you later at lunch, babe," ani Derek at hinalikan ako sa ulohan ko.

Lovesick Wonders (A Palawan Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon