Kabanata 21

3.2K 226 68
                                    

KABANATA 21

Hindi pa man sigurado kung sino ang bagong dating, sapat na ang biglaang pagbilis ng tahip ng puso ni Sandra para malaman kung sino ang sinalubong na bisita ng ama.

Nagmamadali siyang lumabas mula sa silid, deretso hanggang sa sala.

"Estefan!"

He met her gaze and smiled lazily. "Sandra."

"Nakabisita ka nang muli." Lumunok siya bago hinakbang ang mga paa hanggang sa makalapit na rito.

Nang nasa harap na siya nito, wala na siyang masabi pa. Tumingala na lang siya sa binata. Bahagya namang niyuko ni Estefan ang ulo upang hindi magbitiw ang kanilang mga mata.

His face softened. "You're looking good."

Napalabi siya. "You're not looking good."

He chuckled a bit. "Halata pala..."

"Umupo ka muna, hijo," paanyaya ng ama ni Sandra. "Ikukuha kita ng kape at mukhang magtatagal ka rito."

"Daghang salamat, Tiyo Laurencio."

Sinabayan niya ito sa pag-upo pagkatungo ng Papa niya sa kusina. Magkatapat sila ni Estefan kaya't magkahanay pa rin ang kanilang mga mata.

"Ang tagal mong hindi nagawi rito. Batid kong abala ka pagkatapos ng mga nangyari..." Napahawak sa dibdib si Sandra. "Hindi ko inaasahan na ganoon ang kahahantungan ng pamilya ni Uriah..."

Napalunok ulit siya dahil kahit mabilis na lumipas ang dalawang linggo mula nang umamin at makulong si Tiyo Manolo, hindi pa rin magawa ni Sandra ang mapanatag.

She truly wanted justice for Uriah, but the things that happened to his whole family were pitiful. Masama man ang loob niya sa mga ito, hindi iyon ang nais niyang kahantungan ng lahat.

Imbes na maging maluwag sa paghinga ang paglabas ng katotohanan, tila kabaliktaran pa ang hatid niyon.

"Hindi ko rin inaasahan. Hanggang sa ngayon ay pinangangatawanan ni Tiyo Manolo na siya ang may pakana sa lahat," ani Estefan, nakatukod ang mga siko nito sa sariling mga tuhod at nasa baba ang mga tingin.

Sandra noticed from his posture how stressed and worried he was. He also became thinner from the last time she saw him.

Kahit ilang beses niyang balak sanang puntahan ito, bawal pa rin siyang lumabas at pinigilan din siya ng ama. Mas makabubuti raw kung hindi nakikita ng kahit sinong pumupunta pa siya kay Estefan dahil baka isipin pa rin ng mga taong may relasyon sila at may posibilidad pang matuloy ang kasal.

Hindi rin daw maganda para sa reputasyon ni Estefan kung makikita siyang kasama nito. Masama pa rin ang tingin ng mga tao kay Sandra dahil sa "pakikipagrelasyon" niya sa binata habang sariwa pa ang pagkamatay ni Uriah noon.

She was seen as a tramp and the majority of Monte Amor hated a woman like her.

"His narrative was very consistent and flawless. Yet, it didn't sound truthful. Mas nagmumukha pang kinabisado niya lamang ang mga pahayag upang maging makatotohanan." Napailing-iling si Estefan at bahagyang napakunot-noo.

Napakurap-kurap naman si Sandra. "H-Hindi ka rin kumbinsido kay Tiyo Manolo, Estefan?"

Napaangat ito ng mga mata sa kanya. Muling nagtama ang mga mata nila. "Hindi ka rin kumbinsido?"

Maingat siyang tumango. "Ilang beses kong narinig mula sa balita sa radyo ang salaysay ni Tiyo Manolo. Bagaman isa siya sa pangunahing pinaghihinalaan ko, nang marinig ko na ang salaysay niya... tila may hindi tama."  Napabuga siya ng hangin. "Ang buong akala ko'y ako lamang ang nakapansin."

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon