Chapter Fifteen
Magkahawak kami ng kamay ni Luke habang naglalakad pauwi. It was golden hour. Buhat niya parin si Snow. Hindi ko alam kung bakit ayaw na sa'kin ng pusa kapag si Luke na ang kay hawak sa kaniya. Favoritism.
"Hanie!"
Lumingon ako sa pamilyar na boses.
"Liam!"
Lumapit ito sa amin. Nagtitigan sila ni Luke kaya naman pinakilala ko na sila sa isa't isa.
"Ikaw 'yung jowa nitong si Hanie? Grabe, Hanie, hindi mo naman sinabi na hollywood actor pala," sabi nito.
Napailing nalang ako sa kalokohan niya.
"Punta ka mamaya sa bahay. Sa'min ka na kumain," pagaaya ko sa kaniya.
"Salamat, pero may pupuntahan ako, e. Pero nando'n naman ako bukas! Tutulong ako sa paghahanda."
We bid goodbye after that.
Tinignan ko si Luke dahil kanina pa ito tahimik.
"Okay ka kang?" Tanong ko.
"Yeah. So... that's Liam. Your bestfriend here."
I nodded.
"Bakit?"
He shook his head and smiled.
"Nothing, sweetie. I'm glad to finally meet him. I mean, the one who saved you. I forgot to thank him."
Humawak ako sa kamay niya at nilagay ang ulo sa balikat niya habang naglalakad.
"You don't have to, Captain."
Nang nasa bahay ay nando'n na sila Mama. Tinanong pa nila kung saan kami galing. Nagaalala naman ang tingin nila nang sabihin kong sa talon kami. Ngumiti ako para masigurong okay lang ako.
My bad and traumatic memories of the falls vanished because of good memory. Doon ang first kiss namin ni Luke. I blushed as I remembered it.
Kinabukasan ay maaga kaming pumunta ni Luke sa sementeryo. Pinakilala ko siya kay Papa. Pero ilang minuto lang ay sabi niyang hinatayin ko siya sa labas ng sementeryo. Kakausapin daw niya si Papa. Hindi ko alam kung ano'ng trip niya pero sinunod ko parin siya.
"Let's go?" Tumango ako sa kaniya.
Pagkarating sa bahay ay tumulong kami sa kusina. Kaunting salu-salo lang naman. Kaunti lang ang kapitbahay namin kaya hindi namin masiyadong dinamihan ang niluto.
Magkakasama kami sa isang lamesa nila Mama, Kuya, Luke, at Liam. Panay ang pangangamusta ni Mama kay Liam dahil kahit daw magkapalit kami ng bahay ay hindi niya ito madalas makita.
"Okay lang po ako mag-isa sa bahay, Tita. Sanay naman na ako." Sagot niya kay Mama.
Ang totoo niyan, parang anak na rin ang turing ni Mama sa kaniya. Pati noong buhay pa si Papa, rito niya pinapakain at minsan ay pinapatulog. Lumaki siyang si Ate Marie lang ang kasama. Ulila na sila. Kaya hindi natapos ni Ate Marie ang pag-aaral dahil nang papasok na sana sa kolehiya, nawala ang magulang nila. Naunang namatay ang ina nila. Uuwi sana galing trabaho ngunit nasagasahan ng truck. Nang malaman ng ama nila, inatake ito sa puso.
We were grade six that time. Sa mga araw na nagdaan noon, I was struggling to connect with Liam. Hindi siya makausap. Panay lang ang titig sa kabaong ng mga magulang.
No'ng araw na muntik na ako malunod, inamin ni Liam sa'kin na nanginginig siyang ginawa ang CPR. Natatakot daw ulit mawalan ng mahal sa buhay. Kaya Liam is so precious to me. Kuya narin ang tingin kp sa kaniya kahit mas matanda ako ng ilang linggo.

YOU ARE READING
Almost Everything
RomanceNiña Harleigh del Agustin Date Started: 07/13/24 Date Ended: 08/07/24