18

1.1K 13 1
                                    

Chapter Eighteen

It's been a week since the issue about the famous actor having a non-showbiz girlfriend. Hindi parin humuhupa kaya nagaalala ako sa kaibigan ko.

"You okay?" Bulong na tanong ko.

"Seriously, Hanie. I appreciate your concern, but you don't have to ask me that every time." Natatawang sabi nito.

"When are you going to tell them?" Tanong ko pa.

"Pagkatapos ng midterms."

Pinaguusapan nila ang tungkol sa artista. Natatawa ako dahil todo isip sila kung sino ang babae. Kung puwede ko lang talaga unahan si Missy ay ginawa ko na.

"Mukhang familiar nga, e," sabi ni Jacob.

Nagkatinginan kami ni Missy. Napainom ako sa cola na nasa harap ko.

"Malakas ang pakiramdaman ko na artista rin 'yon! Ang kinis, e! Baka naman model?"

"Itanong mo kaya sa boyfriend mo, Hanie? Magkaibigan yata, e," Gera suggested.

"Mamaya pa darating, e. Pero itatanong ko. Curious din ako." Napakagat ako ng labi.

***

Captain 🧑‍✈️:
Sweetie, just done talking with my family.

Harleigh:
Okay na? Okay lang naman kung d'yan ka lang muna sa casa niyo. We can talk tomorrow.

Captain🧑‍✈️:
Palabas na ako ng casa, Nins. Wait me there, okay?

Minutes passed, and I heard beeps downstairs.

Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa tsaka bumaba.

"Hoy, sabihin mo magkapote 'yon!"

"Jenna! Bwisit ka talaga!" Hinampas siya ni Ate Fiona na tumatawa dahil sa sinabi nito.

Tinignan ko siya ng masama at tinalikuran sila.

I ran to Luke and hugged him immediately.

"I missed you!"

"I know," pilyong sabi niya.

We went to his condo. Nagulat ako nang makitang buo pa ang cake!

"Ilang linggo na 'yan!" tumawa ako.

Kumuha naman siya ng tinidor at platito. He cut a piece and put on my plate.

Sinubuan ko muna siya at tinanong kung okay ba.

He thumbs up.

"Thank you for making this, sweetie," he kissed my cheeks!

"Luke! May icing pa!" Hinampas ko siya.

Tumawa ito. Imbes na tumigil ay hinalikan pa ulit ako!

"Nakakainis ka talaga!" Tinignan ko siya ng masama.

"Can I ask you something?"

Sumubo ito sa cake at tumango.

"Do you know Alrico? 'Yung artista?"

"What about him, sweetie?"

"Wala lang. Kilala mo?"

Sana naman sagutin niya na. Ayokong umabot pa na kailangan kong sabihing girlfriend niya ang kaibigan ko.

"He's my friend. So, you're one of his fans?" He squinted his eyes.

Umiling ako.

"Hindi. Pero napapanood ko siya. Alam mo 'yung tungkol sa non-showbiz girlfriend niya?" Tanong ko pa.

Almost Everything Where stories live. Discover now