26

1.8K 18 0
                                    

Chapter Twenty-six

"Mama, good morning!"

I woke up because my son was giving me wet kisses.

"Mama! Let's eat na po! Papa already cooked us breakfast!"

"Okay, baby. Susunod ako, anak."

Nang sabihin ko 'yon ay tsaka lang niya ako tinantanan.

Matapos ko sa banyo ay palabas na sana nang makita ang painting na regalo ko noon kay Luke. Nilapitan ko 'yon at tinitigan.

I bit my lower lip. I could feel something in my heart.

"Good morning," bati ng lalaki nang makarating ako sa dining area.

"G-good morning."

He smiled at me and pointed to the chair.

"Mama, can we sleep again tonight, here? Please, Mama..."

Binalingan ko ang anak. Hindi naman ako makakatanggi sa kaniya.

"You can sleep here, anak."

Masayang kumain ng agahan ang anak ko dahil do'n. Ang dami talaga niyang kwento. Naikwento pa niya ang kaibigan daw sa klase na madalas kumain. Nang itanong ko kung kumakain siya ulit ng matatamis nang hindi sinasabi sa akin ay tumanggi naman siya.

Luke drove us to the school again. Parang gusto yatang araw-arawin. Pabor naman sa anak niya at tuwang-tuwa pa.

"Puwede naman sigurong ihatid mo siya araw-araw. Gagamitin ko nalang 'yong kotse ko." Sabi ko sa lalaki nang maihatid ang anak namin sa room niya.

"Ihahatid ko na kayong dalawa, mahal ang gas ngayon, Nins."

Umiling ako at tinignan siya. Tulad kahapon, sinundan niya ako hanggang dito sa classroom ko.

"Ayoko namang ma-stuck lang ang kotse ko ro'n, Luke. Kaya ko namang bayaran ang mahal na gasolina."

I heard him groan.

"Then, we can use your car every other day, Niña."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit? May trabaho ka, hindi araw-araw maihahatid mo kami."

"That's why I'll drive you as long as I don't have work, sweetie."

I felt myself startled because he just called me with his endearment! Mas namula ako nang ngumisi siya dahil sa reaksiyon ko.

"O-oo na. Salamat sa paghatid."

He nodded, a smirk was still visible on his lips.

"Have a nice day, Teacher Niña."

"Bakit parang ang laki ng ngiti ng maestra na 'yan?"

"Missy!" Nagulat ako dahil bigla itong nagsalita sa likod ko!

"Akala mo siguro palalampasin ko 'yung paghatid sainyo no'ng huli, 'no? That's a big no, beshy ko." Missy was teasingly smiled at me.

"H-hinatid lang naman niya ang anak namin," sagot ko.

Akala ko'y tatantanan niya ako kapag nakapasok na ako sa classroom, pero sinundan pa niya ako!

"Good morning, teachers!" Bati ng mga bata.

Binati ko sila pabalik. Gano'n din ang ginawa ni Missy.

"Ano na, Hans? Makikinig ako. May fifteen minutes pa."

Umupo ito sa lamesa ng mga bata kaya sinamaan ko siya ng tingin. Agad naman itong tumayo at humalukipkip sa harap gilid ko.

"Ano na, besbes?"

Almost Everything Where stories live. Discover now