30

1.8K 19 1
                                    

Chapter Thirty

After naming maligo sa dagat ay dumiretso na kami sa bahay. Wala kaming balak na rito matulog pero sabi ni Luke ay pagod daw siya sa maghapong pakikipaglaro sa anak.

Hindi pa niya sabihing timatamad siya magdrive.

"Let's sleep here, sweetie."

He told me that Lucas and I have clothes here. Nang pumunta ako sa kwarto raw namin para tignan ang mga 'yon, nagulat ako nang bumungad sa akin ang walk in closet na puno ng pangbabaeng damit. May mga dress din!

Kumunot ang noo at napailing.

I heard the bedroom door open.

"Baby, the dinner is ready. What's wrong?" Tanong niya nang makitang nakakunot ang noo ko.

"Bakit ang daming damit ng babae rito?" I squinted my eyes.

Nanlaki amg mga mata at nilapitan ako.

"Nins, it's not whatever you think! Last week ko lang pinabili sa secretary ko 'yan— guy secretary! At hindi niya alam ang size, nakalimutan kong sabihin, bumili siya ng mga dress na mula small hanggang large! Don't think bad about those, sweetie," hinawakan nito ang braso ko at hinaplos 'yon.

"Defensive."

Umiling ako at pumili ng oversized shirt at cycling shorts. Patuloy ako sa pag-iling hanggang makalabas ng walk in closet. Ngumisi ako nang maestatwa siya ro'n.

After I change, I saw him on the bed. Nakasimangot itong sinusundan ako ng tingin.

"Mama! Look!"

Pumasok ang anal namin at ipinakita ang laruang eroplano at bond paper na drawing niya.

"Wow! Kuhang-kuha, oh!"

Lumaki ang ngiti nito at tumungo sa ama niya.

Kinabuksan ay uuwi muna kami sa condo bago pumasok sa eskwela.

It was 5 pm, nakabihis na kaming tatlo. Nang nasa daan kami ay hindi ko maiwasang isipin kung ano'ng mangyayari mamaya.

May parte sa aking... gusto nang ayusin kung ano man ang nangyari noon. I know I don't have the right to hate her. I was just... hurt when my brother lost himself when he lost her.

Kung may tampo man ako sa kaniya ay 'yun ang pag-alis niya ng walang paalam. Iniwan niya sa ere ang Kuya ko. At kaibigan niya ako, she should've at least told me. Kasi 'yon ang ayaw niya noon na ginagawa ko. Ang umuuwi sa probinsiya namin nang hindi sinasabi sa kaniya.

Nang makapasok sa bahay ni Kuya ay sinalubong kami ni Mama.

"Mamita!" My son ran to her grandmother.

Matapos kumustahin ni Mama ang anak namin ni Luke ay lumapit siya sa amin.

Nagmano ako at gano'n din ang ginawa ni Luke.

"Nasa kusina sila, patapos na siguro sa pagluluto," sabi ni Mama.

Mukhang nabasa niya kung ano'ng ang iniisip ko.

I nodded and went to the kitchen. There, I saw them laughing together. May sinasabi si Kuya pero parang hindi ko siya maintindihan.

I see. They are now okay.

I bit my lip and flashed a smile.

"Kuya."

They stopped laughing and looked at me. Malaki ang ngiti ni Kuya nang makita ako. Ang ngiting 'yon... ngayon ko nalang ulit nakita. He must be really happy. Kung masaya siyang nakabalik na si Eloisa, wala akong dapat na ipagalala kung gano'n.

Almost Everything Where stories live. Discover now