11

31 4 0
                                    

"Cherry naman, maniwala ka na sa akin. Pinag-isipan ko talaga nang mabuti 'yon." Jaizen nudged her shoulder.

Nasa gitna sila ng campus, nakaupo sa may bench, sa ilalim ng puno. Hindi pa rin makapag-isip nang tuwid si Sakura dahil sa pag yanig ni Zyon sa mundo niya.

Niyayakap siya ni Jaizen, nanlalambing dahil malaki ang tampo ng dalaga sa panlalaglag nito.

"Paano mo naman naisipan 'yong desisyon na 'yon?" Sakura sighed. "Kasi parang gusto mo lang akong mapahiya eh."

"Hoy, bruha ka. Alam mong hindi ko gagawin 'yon kahit kailan." Jaizen softly patted her head. "Kasi napansin ko kanina, hindi naman mukhang takot or galit si Sir," he whispered. "Feeling ko, parang kinilig pa nga siya no'ng nakita ka n'ya."

"Tignan mo, mang aasar ka pa. Malapit na mamatay 'yong tao rito, Jai," Sakura sighed. "Awa nalang sana."

"Hindi, seryoso nga kasi," Jai sighed. "Feeling ko kasi magiging mas mabuti sa'yo kung ikaw ang monitor ulit. Alam mo naman na paborito ng mga professor ang mga monitor, 'di natin tatanggihan ang extra points, girl!"

"Jai, 'yong kahihiyan ko naman."

"Isipin mo, kung mag a-assist ka kay Sir, mas makakapag-usap kayo. Hindi nakakapagtaka kung madalas kayong magkasama."

"As if naman kakausapin niya pa ako after niyang malaman na estudyante niya ako."

"Ay, kakausapin ka niya. Maniwala ka sa akin," ngumisi si Jaizen habang tumatango-tango pa. "Nasa damage control na lang ang utak ko. 'Wag sana kayong mahuli."

"Sa tingin mo ba makikipag relasyon ako sa teacher?"

"Kung gano'n naman kagwapo, aarte ka pa?" Jaizen chuckled. "Kung nagkataon na teacher ko si Kenji, nako baka kung ano pa ang gawin ko para machukchak niya."

"Anong machukchak nanaman, Jaizen!"

"Alam mo na 'yon," kinikilig pang tumawa si Jai.

"Hay, ano ba namang klaseng first day 'to," nanlulumong sumandal si Sakura sa bench. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or matatakot."

"Akala ko ba crush na crush mo?"

"Oo, pero professor natin."

"Kausapin mo."

"Ha?"

"Be brave, girl!" Jaizen tapped her shoulder. "Dapat linawin n'yo kung ano ang gagawin niyo. Pareho niyong problema 'yan. 'Wag mong solohin. Tanungin mo siya kung anong balak niya sa  in'yo."

"Paano kung sabihin niyang 'wag nalang namin ipaalam sa iba at 'wag na ituloy?"

"Edi stop," Jai gave her a bright smile. "Mas magandang alam mo na kaagad kaysa araw-araw mong iniisip at hinuhulaan."

May punto naman si Jaizen. Kapag talaga nagseseryoso itong kaibigan niya, hindi niya maikakaila na nakakatulong talaga siya. Kaya lang, hindi niya mapigilan na matakot.

"Kinakabhan ako, anong oras na ba?"

"It's one," Jai responded. "Wala naman tayong laboratory classes ngayon kasi nga 1st day pa lang. Kung gusto mong makauwi agad, puntahan mo na siya."

"Hoy, hindi ka sasama?"

"Cherry, kailangan niyong mag usap."

"Hala, ngayon na ba agad? Akala ko kakausapin ko lang siya about sa bilin niya for class."

Umiiling na tinignan siya ng kaibigan, "Do it. 'Wag ka na magpatagal sa palaisipan stage. Owkie?"

"Uuwi ka na ba?"

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon