Gyo's pov
Nang mabuksan ko ang pinto ng vip room ay bumungad sa akin si Manao na nakaupo sa kama, habang karga nito ang sanggol na isinilang ng kapatid ko. Pinapadede nito iyon gamit ang maliit lang na feeding bottle. Na touch ako sa itsura nilang dalawa at hindi ko maiwasan ang maluha. Sigurado ako na kung nasaan man si Ate Tan ay tiyak na natutuwa ito na inaalagaan ni Manao ang anak nila.
"Hi." Bati sa akin ni Nao. Nakangiti itong tumayo at naglakad palapit sa akin. "Gusto mo ba siyang hawakan?"
Mabilis kung pinunasan ang luha ko atsaka ako tumango. Inilipat nga nito sa bisig ko ang sanggol. Tapos na itong dumede pero nag uut-ot pa din. Tinitigan ko ito at masasabi ko na kahit walang DNA test. Hindi maipagkakaila na anak ito ni Manao. Ganitong ganito ang itsura noon ni Noe ng ipanganak ko.
"Kamukha siya ni Noe noong baby pa." Sabi ko.
"Pansin ko nga. Maganda silang pareho."
"May ipapangalan ka na ba sa kanya." Tinalikuran ko ito at pumunta ako sa may kama. Inihiga ko na ang mahimbing na baby sa bassinet. Tumingin ako kay Nao ng hindi ito sumagot.
"Wala pa akong naiisip." Sagot nito atsaka naupo sa couch doon.
Ako naman ay naupo sa kama na katabi ng Bassinet.
"Anong balak mo?" Tanong ko.
"Saan?"
"Sa buhay mo?"
"Tatanggapin mo pa ba ako? Kasama ang sanggol na iyan?"
"Kailan ba daw pwedeng ilabas si baby?" Ang tanong ko din sa halip na sagutin ko ang tanong nito.
"Pwede naman na ngayon. Iniintay ko lang sina Ate Lada para may makatulong ako sa pag aayos ng bills."
"Ako na lang ang mag aayos ng bills para makauwi na tayo."
"Sigurado ka? Pwede naman na ikaw na lang ang magbantay dito at ako na ang mag aasikaso sa ibaba."
"Dito ka na lang. Ako na ang bahala."
Tinitigan ako nito at tinanguan ko lang naman ito atsaka nginitian ko na din ng tipid. Saka lumabas na nga ako. Habang naglalakad ako sa hallway ay may tinawagan pa muna ako. At bago ako sumakay sa elevator ay na end ko na din ang call. Tapos ko ng ayusin ang bills ng pamangkin ko. Hinihintay ko na lang sina Dad na pinaghahatid ko dito kina Noe at Gino.
"What are you doing here?" Tanong sa akin ni Daddy.
"Nanganak po ako."
Walang alam sina Daddy sa nangyari kina Nao at Ate Tan. Kaya ang plano ko ay ilihim nalang sa partido ko ang totoong katauhan ng sanggol na isinilang ni Ate. At ipapakilala ko ang baby na iyon na anak namin ni Manao. Kikilalanin nina Noe at Gino ang baby na iyon bilang kapatid nila. Nag send ako ng message kay Nao na ang laman ay 'sumakay ka na lang.' Bago kami sumakay nina Daddy sa elevator paakyat sa vip room na inuukopa ni baby.
"Love, nandito na sina Daddy at Aunt Letty pati ang mga bata para sunduin tayo." Sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto.
Lumipat ang tingin nito sa akin mula sa cellphone na hawak nito. Tingin ko ay ang message ko ang tinitingnan nito.
Nilapitan ko ito at saka binulungan ko pa din ng "mamaya na ako magpapaliwanag."
Ready naman na pala ang mga gamit na nandoon. Kaya nakaalis din kami agad. Ang comment nina Daddy at Aunt Letty kay baby ay kamukhang-kamuka daw ito ni Ate Noe. Nag pout naman ang panganay ko na lalo lang nagiging kamukha ng Momma niya. 9 years old na ito. At dalaga na kung magkikilos. Si Gino naman ay mag si 6 pa lang pero matured na mag isip at magsalita. Genius kasi ito, his IQ is 153.
