"Wala ka bang balak maligo?"
Unti-unti na 'kong nasasanay na marinig ang bigla-biglang katanungan ng multong laging nakamasid sa'kin dito sa loob ng apartment na kinaroroonan ngayon.
"Wala kang planong lumabas?" Tanong na naman niya. "Puro ka pa-deliver ng pagkain. That's unhealthy. Tapos di mo pa maitapon man lang yang mga pinagkainan mo."
Ano ba kasing nangyayari bakit deretso na siyang nandito? Bakit hindi na siya nawawalang bigla gaya ng dati?
"Don't you have any thing to do or else where to go?" Narinig ko pa pati pag-snap niya ng mga daliri. " Hey, I have a great book by Thaddeus Golas, ba't di ka na lang magbasa para malibang? Ako nabo-bored sayo pag nakikita kang nakahilata lang e."
Kaya pala lagi siyang nagbubukas ng usapan na parang gustong makipagkuwentuhan. Nabo-bored din pala ang multo? Nadi-depressed din kaya sila? Meron silang emosyon? Hay, nakakabaliw mag-isip.
"Why don't you speak Uriel?" May pagtataka na ngayon sa tanong niya. "Hindi mo na rin ba 'ko naririnig?"
Tumayo ako at nilisan ang kama. Nagtungo sa kinaroroonan ng couch at dito naman ngayon sumalampak. Idi-distract ko na lang ang sarili sa panonood ng palabas sa TV.
"Hey, look at me. Talk to me!" Sigaw niya pero di ko pa rin pinapansin. Nilakasan ko na lang ang volume ng TV para hindi siya gaanong marinig. Pero mas nakakabingi kasi kumanta siya bigla ng Smurf's song. Hindi ko alam kung sinasadya niyang i-distract ako para sapawan ang volume ng pinapanood ko at mapilitang pansinin siya.
Umabot na sa 100 'yong volume pero di rin siya nagpadaig sa paggawa ng ingay. Wala akong nagawa kun'di ang patayin na lang ang telebisyon. Kung pwede lang sanang pumatay ng multo e. Double dead?
Tumingin ako sa kanya. "Kelan mo ba talaga ako titigilan?"
"I told you," Bumagsak ang mga balikat niya. "Hindi na 'ko magpapakita sayo basta tulungan mo lang ako kung pa'no makabalik."
"Makabalik saan?"
"Uhm...sa consciousness ko?" Alanganing sagot niya. Halatang hindi rin naiintindihan ang nangyayari. "'Cause maybe this is just some sort of...hallucination or dream. Hindi ko alam. Or maybe I'm a spirit in a state of limbo? Ugh! Basta tulungan mo 'ko."
"Ni hindi ko nga alam kung alin talaga ang totoo. Na baka ako dito ang nababaliw at hallucination lang kita. Kasi kung totoong multo ka, bakit ako lang nakakakita sayo? At wala din akong ibang multong nakikita maliban sayo."
"Kaya nga tulungan mo na 'ko." Pagpupumilit niya. "It's like rolling the dice."
Tama siya. Hindi ko malalaman ang kalalabasan kung di ko ito ihahagis. Hindi masasagot ang katanungan ko kung hindi ko aalamin.
"I am Mikaela, a med-student and I live here. Yan lang ilan sa mga naalala ko."
Lumingon ako sa kanya. "Yung dorm na sinabi mo dati, naalala mo na ba kung sa'n 'yon?"
BINABASA MO ANG
Divine Dramedy
Nouvelles"This story will make you feel sane because you'll either feel less alone in your crazyness or you'll realize how crazy I actually am and you'll suddenly feel normal." ―Nobody said this in the book, but somebody should have