Chapter 1

33 0 0
                                    

BULLET'S POV

"Who are they?"

"Transferees yata."

"They look familiar. Saan ko na nga ba sila nakita noon?"

"AH! I think sila yung tinaguriang Femme Fatale ng Oasis Academy!"

"Oo nga! Sila nga yun!"

Hay. Nakakabagot nang pakinggan yung mga bulung bulungan nilang pasigaw. We've heard them before. It's starting to sound so cliche.

Yep, we were considered the Femme Fatale of our former school although we never thought like that about ourselves. The students there just called us that.

And yes, we transferred to NorthCrest High, our new school. For one unbelievable reason: our parents want us to be totally independent before we start college next year. Fourth year high school na kami kaya our parents urged us--wait, I think FORCED is the right word--to move out from our comfort zones and be independent. Para raw hindi na kami mahirapang mag-adjust next year. And maganda na raw yung may first-hand experience kami about being independent.

Totally absurd right? But well, we're here na kaya it's not like we can back out.

Ako nga pala si Bullet Ember Ceno. Nagtataka siguro kayo kung bakit Bullet ang pangalan ko. Itanong niyo na lang sa mga magulang ko kasi maski ako hindi ko rin maintindihan. Parang panlalaki ang dating. Pero okay lang yun. I'm living up to my name naman kasi. Ako kasi ang pinakamalakas sa aming magbebest friends. Black belter ako sa taekwondo, 9th degree red belt naman ako sa jujitsu, at kasalukuyang nag-aaral ng kendo. Imbes kasi na sa sports ko ibuhos ang energy ko, mas gusto ko sa martial arts kasi ang sarap sa feeling. May kaya ang pamilya ko, si papa eh may ari ng isa sa mga multinational chains of restaurants sa food industry dito sa Pilipinas. Si Mama naman eh Real Estate Broker na perfect partner para kay papa dahil nakakatulong yun sa pagpapatayo niya ng retail outlets sa buong bansa.

But physical strength isn't all I got. Kung iniisip niyong boyish ang style ko, that's a big NO NO dears. Mahilig din naman akong magshopping and mag-apply ng make up and magpakikay. And before you guys imagine that I have beefy arms and legs, that's again another big NO NO. I kinda have a slender body, visible S-line curves, and one would never think I can fight.

With regards to my personality, I have a bad temperament. Konti lang ang pasensya ko and sometimes I have problems controlling my anger. But don't get me wrong, I'm not a war-freak nor do I seek fights. Palaban ako, but only when I feel injustice.

"So noisy." bulong ni Page, isa sa mga best friends ko. Page Taylor ang buo niyang pangalan. Siya naman ang pinakamatalino sa aming magkakaibigan. Mataray siya kadalasan at ayaw magpatalo. Masyadong competitive lalo na pagdating sa academics. Mahirap kalaban sa debate kasi nga dahil sa lawak ng vocabulary niya at sa verbal prowess niya. Mayaman din ang pamilya niya kasi ang papa niya eh sikat na sikat na author ng bestselling novels habang ang mama niya eh may-ari ng isa sa 50 largest hotel groups worldwide.

"We can't blame them, can we? After all, mukhang hindi lang sa Oasis Academy tayo sikat. Looks like we'll be popular here as well." sagot ko.

"Fine. Pero kung gusto nila tayong pag-usapan, sana naman sa tahimik na paraan. Magbubulungan eh naririnig naman ng karamihan." reklamo niya.

"They were born with vocal cords and mouths, Page. And besides, let's not make a big deal out of them. We're just transferees." sagot naman ni Kensie, isa rin sa best friends ko. Kensie Zane Williams ang buo niyang name. Ang mapang-okray kong best friend. Bukod sa pang-ookray niya kadalasan eh talented naman siya. Magaling na ngang kumanta, magaling pang sumayaw. At huwag niyo nang tanungin kung magaling siyang umarte dahil kayang kaya rin niya yun. Anak siya ng mayamang pamilya na respetado at kilalang kilala sa Clothing Industry. May sarili nga silang clothing factory at brand na ipinangalan pa sa kanya.

Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon