PROLOGUE

11 2 0
                                    

"To be the best among the rest" isang katagang aking pinanghahawakan upang makamtan ang pagiging isang magna cum laude ng aking paaralan, Pero worth it nga ba?

"Mr. President!" Sigaw ni Martin sa akin upang matauhan sa mga nangyayari. "What do you think? Passable na ba yung proposal para sa upcoming buwan ng wika?". Knowing him alam kong satisfied na siya sa kung ano lang ang kaya niya and I can't blame him, some people are blinded by the limit of their abilities. "It's feasible pero need pa ng kaunting polishing and brainstorm ng possible threats ng activities sa program natin" kumento ko sa presentation nila. Si Martin ang Public Relations Officer ng aming organization, and he is known for being playful yet serious sa task niya. Although hindi siya ganon ka galing in reading social cues, marami naman siyang naambag para maging smooth ang flow ng projects namin.

After the meeting, kailangan ko pang icheck yung classroom if properly locked ba ng mga cleaners. Seeing other people na sinusundo ng mga jowa nila, I feel sorry sakanila wasting their energy sa taong iiwan lang din naman sila. Call me bitter but it's the hard truth na madaming tao ang mas pipiliin pang magpakatanga sa partners nila kaysa magfocus sa pag aaral. "Mr. Salvador, hindi ka pa ba uuwi?" Bigkas ng aming class adviser na si Ma'am Villegas habang kami ay pasalubong. "Not yet ma'am, minimake sure ko lang po na wala ng naiwang student sa class." Wika ko sakanya habang naglalakad papunta sa aming building. "Well then, ingat ka pag uwi" sabay sabi habang papunta siya sa kanyang dinadaanan at ako'y yumoko nalang sa pagsang-ayon.

Pagdating ko sa aming classroom ay may natira pang studyanteng tulog na akala mo bahay niya yung paaralan. "Mr. Mark Chester Romualdez, Gising!!" Sigaw ko upang magising siya. "Aray! Naka headphones ako pero hindi ako bingi!" Sagot niya sa akin. "Eh bakit ba sa lahat ng pede mong tulugan sa classroom pa?!" Pagalit kong tanong. "Bakit hindi moko tabihan matulog para manahimik ka?" Sagot nya sa pinaka nakakapang asar na boses niya. Haaaysst, kumpleto na sana araw ko kaso kailangan pang mangyari to. Syempre upang mailock ang classroom kailangan ko pa siyang kaladkarin palabas. Siya kasi yung tipo ng tao na sa sobrang bagal kumilos baka next year ko pa malock yung pinto. "Minsan na nga lang tayo mag usap galit kapa?" Pabirong tanong nya sakin habang kami ay naglalakad. Kung legal lang ang pumatay mag-isa sana akong mapayapang naglalakad kaso mapag-biro ang tadhana. "Lagi naman kitang nakikita, nakakasawa na." Sagot ko sakaniya. "Ito naman hindi mabiro- Hindi ba doon ang daan mo?" Sabay turo sa overpass. Siguro super powers niya ang mambwesit at malasin ang iba. Sa sobrang pagsusubok ko na hindi siya pansinin, pati yung daan pauwi nakalimutan ko na din. "Bye love!" Sigaw niya habang ako'y lumiko upang makauwi. "Neknek mo!!" Galit kong sigaw habang nagmamadaling tumawid. Bakit ba kasi na sa lahat ng taong maabutan ko ay siya pa? Anlaking malas naman.

Taken AbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon