CHAPTER TWENTY-THREE

1K 41 5
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satania Pov:

"So alam niyo rin pong may anak na si papa sa ona niyang asawa?" I asked her.

"Oo,wala namang problem sakin at isa pa kawawa naman yung mga kuya mo kasi maagang kinuha yung ina nila sa kanila dahil may sakit ito 'tsaka matagal narin namang byudo iyong ama mo bago ako dumating. Pero hindi naman sila naikasal dahil hindi na ito umabot sa pinag-usapan nilang araw sa kasalan," sagot niya sakin.

Nga'yon alam kona ang katotohanan saming magkakapatid. Stella, pano yan kabet ka naman pala eh! Makapal rin mukha mo para sumama at tumira sa palasyo kahit alam mong nandun ang totoong asawang nilandi mo. Tignan lang talaga natin hangga't saan iyang pagaaktong mong reyna-reynahan sa palasyo kung kukunin ko yang kasiyahan mo at pagbabayaran ko ang ginawa ng mga anak mo kay satania.

"Satania" sambit niya sakin.

Agad ko naman itong nilingon at ngumiti.

"Bakit po ina?"

"You're a special one," sambit nito.

Mukhang nabasa niya naman sa expression ko sa mukha na nagugulohan ako sa sinabi niya. She touched my cheeks and smiled.

"Protect yourself from people who only want your power for their own benefit. You're a special one, Satania. They will use you against your uncle," said Aniya Sakin.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Special one? So, ibig sabihin may angking kakayahan talaga itong si satania?

"Yes, you have, my dear," she said, standing up and walking towards her cabinet.

May kinuha siyang box na kulay pula at hindi naman ito kalakihan. Lumapit siya sakin at tumayo sa harap ko. Naramdaman ko ang malamig na bagay na pumulupot sa leeg ko ko na agad ko namang kinapa kung ano ito.

"A necklace," she said.

Agad akong tumayo at naglakad patungo sa malaking salamin. Hindi ko maiwasang hawakan ito habang manghang tinitigan ang napakaganda at kumikinang na kwentas.

 Hindi ko maiwasang hawakan ito habang manghang tinitigan ang napakaganda at kumikinang na kwentas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Credit to the pinterest)

"Thats my gift for you, Satania. Tinago ko yan dahil alam kong darating ang araw na magkikita tayo muli. This necklace will help you also to hide your full power at hindi agad maramdaman ang presensya mo ni draco," seryoso niyang ani.

Nice, mararanasan kona rin ang gumamit ng kapangyarihan. Ano kaya pakiramdam ng katawan mo kapag may mahika kang inilabas sa katawan mo? Ay, basta darating din tayo sa exciting part na'yan. Maypa mysterious effect kapa mareng satania, eh! It turns out that you're a special one, na kailangang ingatan.

Tumakbo ako sa kaniya tsaka ito niyakap.

"Maraming salamat po, Ina," I sweetly said.

She giggled and kissed my forehead.

"I love you, my daughter. I'll do everything just to protect you and your freedom," she said softly towards me.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at napakamot sa ulo.

"I-Ina, buong akala ko wala talaga akong kapangyarihan dahil wala naman po akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko," I ask her confusedly.

Weee...atat ka lang talaga, Lauranie.

"I sealed your power, Satania. Alam kong itatago ka ng iyong ama sa lahat ng tao, and the only people who know about your existence are the king of three kingdoms and the council," tinignan niya ako." Your power was supposed to be awakened on your coming of age, but dahil nga ay naka seal ito, kaya ang buong akala nila ay wala ka talagang kapangyarihan at hindi mo ito namana sakin kahit sa ama mo. They think that you are a useless person, but kapag malaman nila ang kakayahan na nakakubli sa katawan mo at kong ano ang kaya mong gawin.........maraming maghahabol sa'yo, Satania."

I sighed. Mukhang mapapasubok ata ako sa mundong ito, 'eh. Binabawi kona! Hindi nakaka-excite magkaroon ng kapangyarihan lalo't ng marami naman palang magkakainteres sayo.

"How did you know all about that?"

"Malayo man ako at wala sa tabi mo, nakasubaybay naman ako sayo hangga't sa paglaki mo anak. Kita ko lahat na pinagdaraanan mo sa loob ng palasyo." Malungkot niyang saad sakin.

Hindi naman agad ako nakapagsalita. Ibig sabihin alam niya rin ang pagkahulog ni satania sa hagdanan at......p-pagkamatay nito? Alam niya rin kaya ang tungkol sakin?

"But when you turn 18...nawala lahat ng koneksyon ko sayo. Kaya labis ang pag-alala ko dahil baka napano kana sa palasyo, kaya naghanap ako ng paraan.

Para naman akong nabunotan ng tinik, pagkalaman ko na wala siyang alam tungkol sa reincarnation na nangyari at pagkawala ng totoo niyang anak. Nakaligtas rin.
"So, iyong boses na naririnig ko ay ikaw ang may gawa nun?"

"It's me, Satania." She smiled.

Napakamot naman ako sa ulo dahil sinong hindi matatakot kong makakarinig ka nalang bigla ng mga boses sa isip mo, diba? Masasabi ko talagang nababaliw na ako kong ganun nga. Hayst....ang daming ganap na talaga sa buhay ko simula ng magising ako sa mundong ito wala namang pa break! Mukhang binago kona talaga ng tuluyan ang takbo sa buhay ni Satania.

Sabagay, like what she said, this is my life now, or should I say a new life of mine, kaya nasa sakin na ang desisyon sa lahat. Dahil kong hindi naman ako kikilos at hahayaan nalang ang sarili kong magtago nang pang habang buhay sa manor 'edi kawawa ako.

Because after all of this... Lalayo ako sa lugar na ito kasama si ina at mamuhay ng tahimig iyong walang mga salot na bubwesit samin, malayo sa gulo. Halimbawa iyong bruha na mag-ina at traydor kong kapatid tapos samahan mo sa ama kong walang kwenta. Isasama ko sila sa underworld! Bwesit.

"Are you ready?" Agad niyang tanong sakin.

I raise my eyebrows.

"To find out why you're a... special one."

Makahulogan niya akong nginitian at huli na ang lahat para makapag react ako dahil agad niyang itinapat ang isa niyang palad sa noo ko at may sinambit siya na ibang lenggwahe na hindi ko maintindihan.

"Ego regina Eythora et inferorum regina, tandem veram identitatem meam patefacio, sigillum in filiae meae potentia aperiendo. -

(I, the queen of Eythora and Queen of the Underworld, have at last revealed my true identity by opening the seal on my daughter's power.)

Naglabas ng itim at pula na liwanag ang kaniyang kamay na nakahawak sa noo ko at rinig ko ang malakas na kulog sa labas at nagwawala na mga hangin.

"Ahhhhhh!"

Napasigaw ako sa hapdi ng aking noo at pananakit ng buo kong katawan. A-Anong nangyayari? Ba't namamanhid ang buo kong katawan.

-Tandem potestatem eius resignavi et mundum monstrare quae vere est!"

(I've finally unsealed her power and show the world who she really is.)

Kasabay nito ang pagsigaw ko at may kung anong enerhiya ang pumasok saking katawan na hindi ko malaman kong ano ito dahil sa sakit at init na dulot nito saking katawan.

Sh*t!

"I will wait for you, my dear Satania."

Bago ako nilamon ng kadiliman ay ang nakangiting mukha ni ina ang huli kong nakita na may sinabi ito ngunit hindi kona ito narinig dahil tuloyan na ako nilamon ng dilim.

"Bunso! Bunso!"

"Satania!"


The Hidden Daughter (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon