Tuesday and wala kaming pasok. Dahilan para ipagpatuloy ang shooting para sa promotional video namin. Pinapunta ko silang lahat ng maagap upang hindi kami makulangan sa oras pero mahirap mag expect lalo na sa Pilipinas. "8:30, Wow ang galing naman" Sabi ko kay Drian dahil siya ang una nakadating aside sa akin. "Asan na yung iba?" Wika ni Drian. "Malay ko, chat mo sa gc." Sagot ko. Palibhasa ang time na sinet namin ay 8:00am at halatang mga 10am kami makakastart dahil unang una ambabagal nila kumilos at pangalawa Filipino time. "Sabihin mo bilisan nila at naghihintay si Ma'am Villegas." Wika ko habang chinecheck ang mga props and costumes na gagamitin nila para sa araw na to. "Andiyan si Ma'am?!" Gulat na tanong ni Drian. "Oo kaya bilisan na nila." Sabay bunot ng aking phone upang mag announce.
"9:30am, Tama ba yan Mr. Romualdez?" Bungad ni Ma'am Villegas kay Mark habang ito ay papalapit. "Sorry Ma'am napahaba po ng tulog eh." Palusot niya. To see him made mistakes makes my heart flutter, deserve niya kasi. "Asan si Mika?" Tanong pa ni Ma'am sa amin. "Ma'am kakatext palang po ni Mika, hindi daw po siya makakapunta emergency daw po. Si Eunice naman inatake po ng trangkaso." Wika ni Drian kay Ma'am Villegas. Alam kong masasabon kami ng malala nito nakakainis. Kung sino pang kailangan saka naman nawawala. "So wala tayong lead at kahit man lang babaeng magpapalit?" Wika ni Ma'am Villegas. Wala ding babae sa Tech team dahil tropa ni Drian lahat ng nagvolunteer. At tila huminto nanaman ang mundo at ang buong org ay nalugmok sa kalungkutan.
"Aside sa Co-director at Lead, Sino pa may alam ng script at flow ng story?" Tanong ni Ma'am Villegas sa amin. "Si Xylian Ma'am." Wika ni Drian habang nakatingin sa akin. Puny*ta ka Drian! Sa inis ko ay patago kong kinurot ang kaniyang tagiliran niya. "Aray!-" "Hindi ba gusto mo ng modern element Mr. Salvador? Let's make this inclusive and LGBT friendly." Pahinto ni Ma'am kay Drian habang ang buong crew ay nakatingin sakin. "Ok lang ba sayo si Mr. Salvador, Mr. Romualdez?" Tanong ni Ma'am kay Mark habang nakatitig ako ng masama kay Mark ay nakikita ko ang mapang asar na ngiti niya. "Yes Ma'am" sagot nito. Aba bakit hindi ako tinanong ni Ma'am ang unfair huhu. Ngayon need ko maging partner si Mark, hindi ba pwedeng ako nalang yung male lead? Tanda pa naman ni Drian ang story board ko.
"Xylian mag ayos kana." Sabi sakin ni Ma'am Villegas. "Hi babe!" Wika ni Mark sabay sulpot sa likod ko. Sa sobrang inis ko ay hindi ko siya pinansin at dumiretso sa comfort room upang magbihis. Sana naman may katapusan natong kamalasan na ito dahil kunti nalang talaga, ako nalilibing sa sarili ko. Buti nalang talaga nagdala akong extrang barong dahil inexpect kong makakalimutan ni Mark at siya ang magiging dahilan kung bakit kami nakatunganga. "Tapos kana, hanap ka na ni Ma'am!" Sigaw ni Drian sa labas ng comfort room. "Oo papunta na." Sagot ko.
Paglabas ko ay tila andaming mga mata ang nakatingin sakin. Hindi ako sanay na andaming nakatingin sa akin lalo na at nakaka asar ang ngiti at titig ni Mark sakin. Kinakabahan ako sa kakalabasan ng film namin dahil natatakot ako sa mga maaaring mangyari. "OMG nakikita ko na kalalabasan!" Tili ni Ma'am Villegas sakin. "Mark dikit ka nga!" Dagdag pa nito habang pinapicturan kami sa isa sa mga member ni Drian. "Ok start na tayo, dapat makita ko yung chemistry niyo noon katulad noong freshmen pa kayo" Wika ulit ni Ma'am.
Freshmen... Freshman... Katulad ng dati? Ayaw ko na sanang balikan yung mga panahon nayon. Andito nako sa taas oh! Parang bumibigat pakiramdam ko sa noon. Ang salitang dati ay kailangan ng mabaon sa limot dahil sa mga nangyari na ako lang din naman ang may dahilan. Basta ang kailangan ko nalang gawin ay tapusin itong video nato para naman makabawas sa isipin ko. Hindi ko dapat hinahayaan na madistract ako ng ibang tao dahil ito ang magiging dahilam upang mahila pababa. Lalo na kung si Mark ang nakasunod sa linya. Kaya dapat ko pang galingan.
"Lights, Camera, Action!" Sigaw ni Drian habang nakahanda na kaming mag acting ni Mark. Hindi ko ito napansin nung una pero magaling na actor pala si Mark? At nagwowork out pala siya? Habang kunwaring binibiak ni Mark ang kawayan ay napansin ko ang kaniyang katawan. Puno ng muscles ang kanyang biceps at maugat ang kaniyang kamay. Hindi ko halata ito nung una dahil madalas siyang naka jacket o long sleeves, basta ang alam ko lang noon ay malaki siyang tao. "Cut!" Sigaw ni Drian pagkatapos ng scene ni Mark. "Nagustuhan mo ba nakita mo?" Mapang asar na tanong sakin ni Mark. "Chinecheck ko lang kung tama ba acting mo masyado kang assuming?" Sagot ko. "Magaling talaga mag acting to." Wika ni Mark habang finiflex ang kanyang biceps. "Mamaya naman yung iba kain muna kayo." Wika ni Ma'am Villegas habang dala dala ang eco bag na puno ng pagkain.
Habang kumakain kami ay nakita kong nag-uusap ang Teach team tungkol sa film namin. "Anu meron?" Tanong ko sakanila. "Harana at sayaw nalang po yung kulang then tapos na tayo." Masayang sabi ng isa sa mga members ni Drian. Harana at sayaw?!! Isasayaw ako ni Mark?! Kada dikit nga lang ng parte ng katawan niya sa akin gusto ko nang kasuhan ng sexual assault tapos isasayaw niya pa ako huhu. "Ok guys start na tayo para matapos kaagad!" Sigaw ni Drian dahilan para bumalik na kami ni Mark sa pwesto.
"Action!" Sigaw ulit ni Drian upang simulan na ni Mark ang pagkanta. Habang hinihintay ang aking cue ay hindi ko akalain na may malamig na boses pala siya na nakakapang akit at masarap sa tenga. "Xylian." Bulong ng isang member sakin sensya upang ako ay lumabas at makinig. Paglabas ko ay nakita ko ang itsura ni Mark habang kinakanta ang kaniyang harana. Masakit sa dibdib. Ganon pala ang nararanasan nila noon. Unti-unting namuo ang luha saking mga mata ngunit nginiti ko nalang upang maitago. "Cut!" Sigaw ni Drian. "Very good, Xylian!" Puri sakin ni Ma'am Villegas habang dali-dali akong dumiretso ako sa comfort room para alisin ang mga luha ar ayusin ang aking mukha. "Ok kalang?" Tanong ni Mark sakin paglabas ko ng comfort room. "Oo nag aayos lang ako ng mukha pra sa susunod na scene" palusot ko habang tinitignan ang dahilan ng sakit sa puso ko.
"Next scene na tayo." Sabi ko upang matapos na ito. Habang nakahawak ang kamay ni Mark saking baywang ay lagi kaming pinapaulit ni Ma'am Villegas. "Eye contact Xylian! Lagi mong nakakalimutan!" Puna sakin ni Ma'am Villegas. Ok eto na talaga eye contact self. "Action!" Sigaw ni Drian. At sinubukan kong imaintain ang pagtitig sa mga mata ni Mark. Ang mga mata na nais ko na makalimutan. Ngunit hindi ko mapigilan ang sirili ko na ngumiti habang nakatingin siya sa aking mata na para bang nababasa niya ang na sa aking isipin. Ng walang kamalay-malay ay bigla niyang binaba ang aking katawan alalay ang aking likod at dahan dahang hinalikan
Sobrang gulat ko ay ipinikit ko nalang ang aking mga mata habang ang kaniyang malalambot na labi ay dumampi sakin. "Very Good! Cut!" Sigaw ni Ma'am Villegas habang ako ay nakatulala lang sa gulat, sinusubukang iproseso ang mga nangyari."President uwian na." Wika ni Drian habang tinatapik ang likuran dahilan para ako ay matauhan. "Una na ako!" Dagdag pa ni Drian at tuluyan na siyang umalis. Habang inaasikaso ang aking gamit ay nakita akong chocobar sa bag ako. "Hindi ko naman to dala ah" bulong ko sa sarili ko hanggang sa may nakita akong sticky note na nakalagay na "Una na ako". Alam kong galing iyon kay Mark at pinabayaan ko na. Pagkatapos ko magimpake at asikaso ng gamit ay umuwi na din ako. Andaming nangyari ngayon gusto ko na lang lamunin ng lupa.
BINABASA MO ANG
Taken Aback
Novela JuvenilA story of Xylian Salvador who is known to be ruthless and competetive is slowly falling for his classmate from the back. His avoidance to love will lead him to the story of his past that he wish to have happened a long time ago.