CHAPTER 5

7 1 0
                                    

Thursday na sabog parin ang ferson gawa ng editing and academics kahapon. Nagpa-online class nga yung prof pero akala mo naman siya lang yung subject nmin kung magbigay ng gawain, buti nalang tinapos ko kaagad para sa ngayong araw. Buti nalang din at halfday kami ngayon at pwede kaming magenjoy after class. Ngayon kasi ang unang araw ng celebration ng buwan ng wika at kaming lahat ay excited na puntahan ang mga booth na ginawa kanya kanyang orgs.

After ng klase ay kinaladkad ako ni Julia sa iba't ibang mga booths. "Te look o barbecue!" Wika ni Julia sa excitement habang nakatingin sa booth na may nilulutong takoyaki. "Kuya dalwang betamax nga tas isang isaw!" Sabi ni Julia sa nagluluto. Habang naghihintay ay naririnig namin ang confession sa lakas ng kanilang speaker. "Sa president ng Philssa, crush po kita sana maging close tayo ulit!" Salita ng nasa confession booth. "Huy te may nagkakagusto sayo!" Pangungulit na wika ni Julia sa akin. "Tantanan niyo ko sa mga biro niyo!" Pagpaparinig ko nalang na sigaw sa paligid.

Habang naglalakad kami ni Julia sa campus ay andami naming dinaanang pagkain. Si Julia kasi yung tipo ng tao na basta pagkain hindi nagdadalawang isip. Madalas mas madami pa syang dalang pagkain kesa sa papel. "Dun naman tayo sa sizzling sisig!" Sigaw niya habang hinihinila ang kamay ko. Dali-dalian niya akong dinala sa nagluluto ng sisig at doon namin nakita si Steven kasama ang tropa niya. "Uy Xylian! Masarap ba si Mark?" Biro nito sa akin na ikinakulo ng dugo ko. "Oo nga pala asan si Mark?" Tanong naman ni Julia kay Steven. "Pinatawag ng teacher eh." Sagot nito. Kaya pala antahimik ng buhay ko ngayon walang mokong na gumagambala.

Pagkatapos naming maglakad at kumain ni Julia ay naisipan muna naming magpahinga. Wala na ata kaming booth na hindi hinintuan. Halos lahat nalang ng may naka display na pagkain napuntahan na namin. "Mr. Salvador?" Seryosong tanong sa akin ni Martin. "Sumama ka po sa akin." Wika niya sa seryoso niyang boses. Habang nilagyan ako ng handcuffs sa aking mga kamay ay inilakad sa jailbooth na ginawa nila. "Hoy bakit ako nandito?!!" Sigaw ko kela Martin at Jamilah. "Nakulong kapo sa kasong pangnanakaw ng halik kahapon, kaya isang oras ka diyan" Wika ni Jamilah habang natatawa ang dalawa. Ang lakas ng trip pati ako nadamay, at saka anong halik? Hindi ako nagnanakaw ng halik. "Jamilah kasi pakawalan mo na ako!" Wika ko sa nagmamakaawang asar na tono. "Hindi naman kami ang nagfile niyan." Sagot nito. "Edi sino?" Tanong ko. "Ayan ang dapat sa nagnanakaw ng halik, nasa kulungan!" Sambit ni Mark sa may pinto. Akala ko makakawala na ako sa sumpa, hindi pala. Nakakainis na ipinagkalat niya kaagad sa iba yung gusto ko nang kalimutan! Matapilok sana siya.

"Sino yung naka headcap na kalbo? Si Drian ba yon?" Tanong ko sakanila. "Oo, ginalit si Martin eh. Ngayon siya yung viral meme." Tawang tawa na sagot ni Jamilah. "Ngayon ko lang din natutunan na wag galitin si Martin." Dagdag pa nito sa nagbababalang boses. "Drian, sabihin mo nga "Bakit ako Matatakot?" Pang aasar na wika ni Mark. Habang ang lahat ay masayang nagkwekwentuhan ay biglang dumating si Ma'am Villegas. "Guys need muna isara yung booth dahil ipapakita na ng Teach team yung final video." Excited na wika ni Ma'am Villegas sa amin. "Ikaw din Mark, kasama ka." Dagdag pa nito. Haaayst sa wakas nakawala din huhu. Ganun pala experience makulong tas kasama mo kalbong nakabato haha. Excited na sana ako mapanuod yung video kaso naaalala ko yung mga nangyari ng araw na iyon parang gusto ko nalang lamunin ng lupa ngayon.

Pagdating namin sa classroom ay tumago ako sa likod kasama si Jamilah kaso pinapunta ako ni Ma'am sa harapan katabi si Mark dahil kaming dalawa daw ang main cast at dapat magkasama. Habang naghihintay ay inabutan ako ni Mark ng chocobar. "Para hindi boring habang nanunuod" wika niya habang iniabot ang chocobar. Panginoon ba ito ng chocobar? Bakit araw araw siyang may chocobar? Hindi naman ako makatanggi at reklamo kasi paborito ko naman tala ang chocobar. Kahit nga sa cake chocolate paborito ko eh. "Ok start na" Sabi ng member ni Drian. At ang lahat ay tumahimik upang panuorin ang video na ipapanuod pala mamaya sa lahat kasama ang mga video na gawa ng ibang organizations. Delikado ako nito! Makikita ng buong campus yung nangyari kahapon, hindi pa ako ready.

Habang pinapanuod ay nakikita ko ang ganda at konseptong nabuo namin ni Eunice. Ang kwento ng isang lalaki na gagawin ang lahat para sa kaniyang minamahal sakabila ng kasarian nila. Ang istorya ng pagmamahalan na hindi dapat naaayon sa pinaniniwalaan ngunit ginawan ng paraan upang sila ay magsama. "Parang totoong nangyari" sabi ni Eunice habang paluha na sa pinapanuod. Antahimik ng lahat at halos nakatuon lamang sa video na ginawa namin. Hindi ako makapaniwala na parang kami ito ni Mark noong sinaunang panahon. "Yieeeeah!" Tilian ng lahat sa ending kiss namin ni Mark. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga nangyari. Once na makita ito ng public alam kong isang buong linggo akong aasarin ng buong campus, lalo na si Jamilah.

Ang lahat ay nagpalakpakan pagkatapos pauorin ang video. At napakalaking bahagi ng Tech team sa pag edit nito. "Mananalo tayo bukas guys ramdam ko na!" Wika ni Ma'am Villegas sa tuwa. Naghiyawan ang lahat at bakas ang tuwa ni Mark sa ngiti nito. "Matunaw ako Mr.Salvador!" Sabi sakin ni Mark sa mapang asar niyang tono. Nginitian ko nalang siya at hindi pinansin. Deserve niyang hindi masungitan kahit ngayong araw lang.

Taken AbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon