19th

106 5 0
                                    

Chapter 19

"How are you?" he asked while holding a can of beer while we were still here on his balcony. "I've been away for a month. So how's life?" he asked.

Isinandal ko ang likod ko sa barandilya na halos nasa kalahati ng likod ko ang taas. Nakatalikod ako sa harap habang siya naman ang nakaharap.

"Nakakapagod na kaagad, sir. Grabe pala."

Ginaya na niya ang posisyon ko kaya pareho kaming nakatalikod na sa labas at nakaharap sa harap ng kwarto niya.

"That's what the education students really like, Palm."

Bahagya ako nabigla sa paraan ng pagtawag niya ng pangalan ko.

"Hindi naman iyan ang tawag mo sa akin."

Nagtama ang mga mata namin sa isa't-isa pero kaagad siyang nag-iwas tingin.

"I like it when you call me Rain, sir."

Nilagok niya lang ang iniinom niya na beer kaya ganoon din ang ginawa ko.

"So ano pinagkakaabalahan mo, sir?"

Ilang buwan ko talaga siyang hindi nakikita. Wala rin naikik'wento sa akin si Jayda. Akala ko nga noon nasa Thailand siya kasama ni ma'am Kristin. Malay ko ba. Wala akong alam. Hindi naman siya pala-soc med kaya wala akong mapapala.

"Busy lang. Napa-parank ako eh."

Napatayo ako ng tuwid at humarap sa gawi niya. Natawa siya sa naging reaksiyon ko.

"I also attended some seminars and training. "

"So kumusta?"

Nakangiti siyang yumuko at saglit na sinulyapan ako bago humarap sa harapan ng bahay. Madilim naman na kasi ang paligid lalo na at gabi na.

"Inaayos ko na lang ang mga iilan pang papel. Nakapasok na ako. Malapit lang din dito."

Nanlaki ang mga mata ko sabay taas ko ng kamao ko. Nagulohan pa siya noong una pero kaagad din niyang nakuha iyon.

Goosebumps!

"Congrats, sir. Galing naman. Pakain ka naman."

Umiling siya saka ako tinawanan.

"Saka na before ko magstart siguro. Tsaka kaunting tumbling na lang din ikaw na ang sunod. Goodluck, Rain. I know you'll make it."

"Lakas naman ng bilib mo sa akin."

"Ramdam ko lang."

"Thank you, sir. Tama lang iyan para may backer na ako pagkatapos ko."

"Sira!"

Matapos ang pag-uusap namin ay bumalik na ako sa k'warto ko na nakangiti. Mag-istay pa siya ng ilang araw at aalis ulit dahil marami pa siyang inaasikaso.

Pumasok ako sa cooperating school na masaya habang kabaliktaran naman ang lagay ni Kia. Dahil kami lang dalawa ay ako na lang ang sumama sa kaniya.

"I hate him."

Napabutonghininga ako dahil sa sama ng tingin niya kay Bryce na katapat ni Kir. Tamad na nakikinig si Kir sa kung ano man ang pinagsasasabi ni Bryce.

"Huwag kang bitter, Kia. Accept your defeat. Una pa lang may iba na sa dalawang iyan. Hindi natin mapipilit ang mga taong ayaw sa atin. Ayusin mo ang sarili mo."

Kapag ikaw ang mahal ng isang tao wala iyang pakialam kung makasakit sila ng iba dahil isang tao lang ang nakikita nila.

Ipagpapalit nila lahat huwag lang ang taong mahal nila. Kaya nilang talikuran kahit ang napakalaking responsibilidad para lang sa t*nginang pag-ibig na iyan.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon