16

24 5 0
                                    

Sa loob ng saradong opisina, walang ibang maririnig kung hindi ang tahimik na pag hinga ni Sakura.

Mahimbing siyang natutulog sa malapad na dibdib ni Zyon. Nakakandong siya sa professor. Kinalimutan ang lahat ng matagal niyang pinag-isipan.

Her whole body seemed to know that she's at peace. Mabilis siyang inantok. Hindi naman problema kay Zyon 'yon, kaya imbis na pumasok ay hinayaan na lang niya ang dalaga.

Halos isang oras din sigurong tulog si Sakura bago tumunog ang alarm ni Zyon. It was supposed to be the end of his class with Sakura's section. But here he is, carefully tucking the girl's hair behind her ears as she slowly woke up.

Halatang bahagyang nagulat si Sakura dahil hindi niya inaasahan na nakaupo siya kay Zyon. Ngunit nang tuluyan na siyang magising, siya pa mismo ang kumapit sa batok ng lalaki.

She buried her face on his neck and whispered, "Ngayon lang."

"Hmm," the man nodded. Mahigpit siyang ikinulong sa mga bisig at sumagot, "Ngayon lang."

After a minute, Zyon broke the silence.

"Umuwi ka muna, Sakura," bulong niya. "Magpahinga ka na muna. Naiintindihan naman ng mga teacher mo. Tutal,nagsisimula pa lang ang klase."

"Mhm," she murmured. "Salamat nga pala."

"I only did what I should have done."

"Kung hindi dahil sa'yo, siguradong pati si Kenji mapaparusahan." She sweetly snuggled. "Thank you, Zyon."

"Always," he exhaled. "Puwede kitang ihatid."

"Hindi na, Zyon. May kailangan ka pang gawin dito... kaya ko naman."

"You did not do anything wrong. Please remember that for me. Can you?"

Sakura nodded like a good kid.

"Don't blame yourself, got it?"

"Yeah."

"Very good." Zyon kissed the top of her head. "Take care of yourself, please," he whispered.

"I will."

"Thank you."

Maagang umuwi si Sakura. Hindi niya muna pinagod ang utak sa kung anu-anong mga walang kwentang bagay. Kahit pa ramdam niya ang mga matang sumusunod sa kan'ya sa bawat hakbang, wala siyang pakialam. Taas noo siyang naglakad.Mabilis na gumaan ang pakiramdam niya nang makalabas na sa kulungan.

Paulit-ulit niyang iniisip kung ano ang sinabi ni Zyon. Wala siyang kasalanan. Hindi niya kailangan na manliit.

Kung palagi niyang hahayaan na matalo ng mga ibinabato sa kan'ya, wala ng mangyayari sa buhay niya. She won't be able to go places and that would suck. She shall never let herself get trapped.

She has to break free from those shackles of fear.

Malaki ang pasasalamat ni Sakura na pag-uwi niya ay wala siyang nakitang tao sa sala. Kung naroon man si Chad, mabuti na lang at hindi na ito nakadagdag sa masasamang nangyari ngayong araw.

Sakura realized that she still had her shoes on as she stood by her door. Quickly, she freed herself from them, pulled the door behind her and threw her body on her bed with her uniform on. She opened up a few buttons to allow herself to breathe and immediately closed her eyes.

Pahinga, kaunting pahinga lang. Baka sakaling sa pag-gising niya'y kusang maayos ang lahat.

Habang mahimbing ang tulog ni Sakura, hindi niya namalayan na umuwi rin pala si Chad. Suot pa nito ang basketball shorts at pawis na pawis habang nakangising tinitignan ang phone.

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon