Tinulungan ko si Paulo na walisin ang mga damong tinabas namin sa may bakuran. Ito ang palagi naming ginagawa kapag bakasyon o hindi kaya walang pasok ang kapatid ko sa trabaho niya.
"Dalian mo dahil maya-maya lang ay dadating na ang truck na kumukuha ng basura." Sabi nito habang tinatali ang sako.
Inisilid ko na sa sako ang huling kumpol ng mga damo at pasalampak na umupo sa lupa.
"Marumi riyan. Ysa, tumayo ka." Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Hinatak ko ang braso niiay dahilan para mapasalampak din siya sa lupa.
"Ano ba? Hindi oras ng paglalaro, Ysa." Sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko.
May narinig kaming isang busina sa labas ng bahay.
"Basura po!" Sigaw nito. Tinulungan ko siyang buhatin ang iba pang basura sa labas ng gate.
"Anak, Ysa, pumarine ka nga sa sala." Binitawan ko ang dala kong basura bago pumunta sa lababo sa gilid ng bakuran.
"Ano po 'yon?" Tanong ko kay mama habang nagpupunas ng mga kamay gamit ang panyo.
"Anak, nabalitaan mo na ba? Kasama ang pangalan mo sa mga natanggap na skolar ni Gob." Masayang balita ni mama.
Halos mapatalon ako sa tuwa sa narinig.
"Ito anak." Inabot nito sa akin ang dalawang puting envelope. Niyakap ako ni mama habang bumulong. "Napakagaling ng anak ko. Ipinagmamalaki ka ni mama."
Naramdaman kong nag init ang aking mga mata tila may nagbabadyang luha na rin ang mga ito.
"Salamat mama."
"At anong kaguluhan ito?" Sumingit ang kapatid ko sa usapan namin.
"Anak, nakatanggap si Ysa ng skolarsip galing kay Gob." Balita ni mama rito. Lumapit siya sa akin at ginilo ang aking buhok.
"Napakaswerte nga naman ng kapatid ko. Galingan mo sa paparating na pasukan." Nakangiting tumango ako.
Kinikilig kong niyakap ang papel na binigay sa akin ni mama. Agad akong pumasok sa kwarto upang basahin ang liham mula kay Gob.
Mula sa opisina ng Gobernador
Magandang araw,
Isang mainit na pagbati sa iyo, Bb. Ysa Raquel Magnayon! Ikaw ay ginawaran ng isang taong iskolarsip mula sa Iskolar Ng Bayan bilang pagkilala sa iyong kahusayan sa akademya.
Susuportahan ng iskolarsip na ito ang iyong pag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng San Mariano. Hangad namin ang patuloy mong tagumpay sa iyong akademikong paglalakbay.
Taos-puso,
Gobernador ng Quirino, Ponce Salazar.
"Nasasabik na akong magsimula ang pasukan."Napagpasyahan akong magpahangin sa bakuran. Kumuha ako ng biskwit at kape para kahit papaano ay may makain ako habang nagbabasa. Pinagpag ko ang uupuan kong duyan pagkatapos ay huminga ng malalim.
"'Kay ganda nga naman ng araw na ito." Turan ko pagkatapos ay nagsimula nang basahin ang libro na dinala ko.
Kailangan kong basahin ang mga leksyon ng mas maaga para hindi ako mahirapan kapag nagsimula na ang pasukan. Naging hilig ko ang pagbabasa simula noong makapagtapos ako sa elementarya, isa rin ang pagbabasa sa tumulong sa akin para tumaas ang marka ko noong hayskul ako. Ngayon ay papasok ako sa paaralan biglang isang kolehiyala at may dagdag pang iskolarship kaya mas lalo akong ginaganahan.
YOU ARE READING
In his Cold Embrace
VampirosGenre: Vampire Language: Taglish Author: Naikosei_ Cover: Canva