The Downside of Falling

5 0 0
                                    

The Downside of Falling

"Lucid dreaming is a type of dream where the dreamer becomes aware that they are dreaming. During a lucid dream, the dreamer may gain some amount of control over the dream characters, narrative, and environment."

Nagsiayos ng upo ang mga kaklase ko nang marinig ang sinabi ni Miss Acebeda. Halata sa mga mata nilang nakatutok rito ang interes sa leksyon ngayong araw. Habang ako ay titig na titig kay Altair na nasa harap rin ang atensyon.

Ang sinag ng papalubog na araw sa salaming bintana ay hinahalikan ang kulay abo niyang buhok gayundin ang mata niyang kahit kailan ay hindi nagawi sa akin. Sobrang gwapo niya talaga. Manhid nga lang.

"Hoy Gaga! Makinig ka naman! Kaya ang baba ng grades mo e!" pabulong ngunit mariing sabi ng kaibigan kong si Dyle.

Isang malupit na pag-irap lang naman mula sa akin ang nakuha niya. Hindi ko naman na kailangang makinig pa.

I know everything about lucid dreaming already! The definition, benefits, dangers and the triggers! Kahit ako pa magturo sa kaniya.

Buong klase ay prente lamang akong nakaupo at nakatitig kay Altair, sinasaulo ang bawat anggulo ng kaniyang mukha at suot niyang damit ngayong araw. Hanggang sa mag-uwian ay sinundan ko siya kagaya ng lagi kong ginagawa.

Dali-dali akong nagtago ng lumingon siya. Saglit pa niyang sinuri ang direksyon ng pinagtataguan ko bago naglakad patungo sa pwesto ng girlfriend niya.

Mariing naipikit ko ang mata ng maghalikan sila roon kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Araw-araw namang ganito ang senaryo...pero bakit? Bakit hindi pa rin ako nasanay?

Isang beses pa ay sinaulo ko ang porma niya bago pumara ng tricycle. Nakita ko ang family driver namin sa tapat ng gate pero nilagpasan ko siya. Si Eris nalang ang sunduin niya. Kailangan kong matulog agad.

When I reached our house, I made my bedroom as dark, cool, and quiet as possible and hospitable to dreaming. I used blackout curtains and an eye mask to block out any ambient light. I used ear plugs or a white noise machine to do the same with noise. I also set the thermostat to a cool mid-60 degrees Fahrenheit.

Before I go to bed, I did a calming bedtime routine and took a warm bath. I read my dream journal for the night thrice before I drifted into sleep.

"Baby..." malambing na boses ni Altair ang gumising sa akin.

Agad akong bumangon at nakita siyang nakaupo sa kama. Parehong damit pa rin ang suot niya gayundin ang ayos ng buhok kagaya ng sinaulo ko kanina. All in all--- gwapo. Perpekto.

"Hindi mo na naman ako pinansin kahapon," I frowned. "Nakita ko pa kayong naghahalikan."

He shifted on his seat and leaned closer to me.

"Awww...nagseselos ang baby ko." Ngumisi siya at kinurot ang magkabila kong pisngi. "Don't worry. Sa inyong dalawa...ikaw naman ang mahal ko. Kahit may muta ka pa!"

Tinaliman ko siya ng tingin kahit ang totoo ay para na akong nakalutang sa ulap sa sobrang kilig na nararamdaman.

"Talaga? Mahal mo 'ko?" paniniguro ko, ngayon ay abot-tenga na ang ngiti.

Hinigit niya ako sa isang mahigpit na yakap. Halos maiyak pa ako ng maramdaman ang malakas na tibok ng puso niya kagaya ng sa akin. Ang panlalaki niyang pabango ay nanuot kaagad sa ilong ko.

"Mahal na mahal kita," madamdamin niya iyong sinabi, ang mata ay puno ng pagmamahal at sinseridad.

"Sure na iyan ha?"

Parang bata siyang tumango dahilan para kinikilig akong tumili. Sa sobrang lakas ay alam kong naririnig ng mga echoserang kapitbahay namin.

"Hoy! Ang aga-aga pa pero ang lakas ng bunganga mo!" busangot ang mukhang pumasok si Eris sa aking kwarto.

Nakangising itinaas ni Altair ang magkasalikop na kamay namin. Habang ako ay halos naestatwa na sa sobrang lungkot na unti-unting lumalamon na naman sa akin.

Bakit siya pumasok? Hindi dapat ito nangyari. Hanggang dito ba naman, hahadlangan niya kami?

"Mahal namin ang isa't isa," buong pagmamalaki iyong sinabi ni Altair kay Eris.

Napatili rin siya sa sobrang saya dahilan para mabura ang ngiti ko.

Talaga ba Eris? Ganiyan ba talaga ang reaksyon mo kapag nalaman mo?

Isang malakas na hampas sa balikat ang nagpagising muli sa akin. Nag-aagaw man ang kamalayan ay agad akong naupo sa kama. Unlike the first, ang kakambal kong si Eris ang bumungad sa akin.

"You're lucid dreaming again!" iritado iyong sinabi ng kakambal kong si Eris pero naroon ang pag-aalala. "It's dangerous for you, Erin!"

Sasagot pa sana ako ngunit namataan ko si Altair sa tabi niya. Magkasalikop ang kanilang mga kamay dahilan para ginusto ko nalang na matulog ulit. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay sinampal ako ng katotohanan.

"You are losing touch of reality already!" muli ay sabi ni Erin at bahagyang niyugyog ang aking braso.

Wala sa sariling tinitigan ko ang mukha niya. Halos wala naman kaming pinagkaiba pero bakit? Bakit siya palagi ang pinipili? Bakit nasa kanya ang reyalidad na sa panaginip ko lang nararanasan?

"You gotta stop that, Erin." Eris said with finality.

Nanatili akong tahimik. Kahit kailan ay hindi nila ako maiintindihan. Yes, I always result to lucid dreaming. Lucid dreaming blurred the line of what's real and what's imagined for me. Kahit sa panaginip man lang maranasan ko ang mahalin ni Altair kagaya ng tinatamasa niya ngayon.

I know it's stupidity in my part but this is my last straw. My damn last straw.

I researched enough possible ways on how to trigger lucid dreams and since time immemorial I've been doing it in more ways than one.

Through lucid dreaming, I can manipulate how the action unfolds as if I am directing a movie in my sleep. Of course, with me and Altair as the main characters.

"Miss Acebeda said it's dangerous, Erin. You'll have less sleep quality." sabat ni Altair na siyang dahilan kung bakit ko ito ginagawa sa sarili.

Inilipat ko ang tingin sa kaniya. His eyes that bore into mine no longer show love and affection like how it did in my dreams. All I can see is his concern for me as a friend and future sister-in-law.

Staring at their intertwined fingers once again, I can feel my heart breaking. It's been years...but here I am imprisoned by this unrequited love.

I watched him fall for someone else. I watched him fall for my other half.

This is the reality I've always wanted to escape.

Altair is the dream I can never attain. Altair is the dream I will achingly give up.

Altair is literally the man of my dreams.

Sa mundo ng panaginip kami ang nakatadhana.

Kami hanggang dulo.

Kabaliktaran sa totoong mundo.

The Downside of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon