CHAPTER 2

1 0 0
                                    

Nasa harapan kami ngayun ng gate ng
vacation house nina Adam. Pag pasok
na pag pasok ko agad akong
nakaramdam ng kaba, iwan ko
madilim ang paligid alas otso pa lang
pero parang alas dose na ng gabi,
wala kang makikitang ilaw gamit ang
bombilya at ni isang kapit bahay
parang wala akong makita o sadyang
gabi lang talaga kaya hindi ko makita,
hindi ko rin makita yung kabuoan ng
bahay dahil sa gabi na din. This
house, idk pero iba akong kutob ko.

Nang makapasok kami sa loob agad
bumungad sakin ang lumang disenyo
ng bahay pero hindi maipag kakaila
na maganda parin ito pero ang creepy
tignan parang nasa haunted house
kami.. dagdagan pa nang ilaw ng
gasera parang nasa isang horror
movie kami.

"Iho, gusto nyo bang ihatid ko na kayo
sa itaas" sabi ng isang matandang
babae, bigla na lamang itong
sumulpot sa harapan namin.

"Huwag na po manang Nita kabisado
ko naman, nga pala nasaan po sila?"
Tanung naman ni Adam.

"Nasa kusina iho nag luluto sila
iniwan ko muna sila doon" sagot
naman nito sabay tingin sakin.

"Girlfriend mo iho?"

"Ahm.. hindi po manang, Sige po sa
taas muna kami" sagot naman nito

"Ganun ba, Sige iho hinay hinay lang
kayu diyan" tango na lamang ang
isinagot ni Adam.

Habang ako naman tahimik lang na
nag mamasid sa matanda, hindi ko
alam kung napapansin din ba ni
Adam ang titig nito sakin na kakaiba o
ako lang. Bago namin tuluyan
talikuran ang matanda ngumite muna
ito samin bago tumalikod paalis.

"Hindi ko pala naipakilala sayu si
manang nita siguradong nagulat ka sa
kanya kanina, sya yung care taker ng
casa namin" pag papakilala nito sakin
sa matanda kanina.

"Ah ganun ba... Buti naman may nag
aalaga dito sa casa nyo, kahit luma na
hindi maipag kakailang maganda
padin ito" sagot ko naman

"Yes, though it looks like a horror
house maganda pa din ito" sagot
naman nito na ikinatawa ko akala ko
ako lang ang nag iisip nyan

"Andito na tayu, mag katabi lang yung
kwarto nyong mga babae sa amin, if
you need anything just knock. Go get
inside na"

"Salamat, Adam." Sagot ko habang
nangiti

"Walang anuman, kakatok lang ako
dito later if baba na tayu for dinner"
ngumite na lamang ako at tumango
bago tuluyang isara ang pintuan

Pagpihit ko patalikod nakita ko
namang ayus na ang lahat sa lapag
lang kami hihiga merun namang
isang higaan doon pero parang
walang hihiga doon, I know these
girls. Malaki Ang kwarto merung
dalawang bintana pero hindi kagaya
ng bintana ngayun, yung bintanag ito
ay kailangan mo pang lagyan ng
kahoy para mabuksan, merun ding
closet dalawa sure akong doon
nilagay yung mga gamit namin kaya
agad ko namang pinuntahan iyun at
binuksan, pero agad naman akong
napaubo ng bumungad sakin ang
alikabok.

"Akala ko ba may care taker dito pero
bakit ang dumi dumi naman ng closet
nato kulang na lang bahayan ng daga"
sabi ko, matapos kung masilayan iyun
ay agaran ko naman isinara at nilibot
ang paningin ko para hagilapin yung
mga gamit ko. Nang makita ko ito
katabi ng higaan namin agad ko
namang nilapitan habang nakakunot
ang noo ko.

"It's not here earlier, or Hindi ko lang
napansin?" Sabi ko sa aking isipan

Maybe baka hindi ko lang namalayan
agad ko namang binuksan ito at nag
hanap ng damit para makapag hugas
na ako ng aking katawan, nang
makahanap ng damit ay agad naman
akong pumasok sa banyo saka nag
simulang mag hugas ng katawan,
malinis naman ang tubig kahit na
nasa malaking balde ito may bawas
na din dahil siguro nag ligo or nag
half bath muna sila bago bumaba.
Nang matapos akong mag hugas ng
katawan agad naman akong lumabas
at nagbihis. Hihiga muna ako dito
hindi pa naman kumakatok si Adam
nang biglang...

Tok! Tok! Tok!

Siya na siguro yan walang pag
dadalawang isip akong bumangon at
binuksan ito at bumungad sakin ang
kadiliman walang tao?

"Adam?" Tawag ko pero walang
sumasagot. It's not a good joke kung
sino man ang kumatok.

"Adam? Eya? Ally? Guys?" Pero ni isa
walang sumagot, agad akong
nakaramdam ng kaba o baka pinag
lalaruan lang ako ng isipan ko.
Sisiraduhan ko na sana ito nang
biglang bumukas ang kwarto sa
kabila at iniluwa nito si Adam.

"Oh andyan kana pala, I'm sorry
ngayun lang, hindi ko alam na mas
nauna kapa sakin matapos" sabi nito,
ako naman nakakunot lang ang noo.

"You didn't knock?" Tanong ko

"Huh? Kakalabas ko lang rae" sagot
naman nito habang nakakunot din
ang noo.

"I just heard a knock 3 times and I
thought it's you kaya binuksan ko
pero walang tao, I called your name
and the other people pero walang
sumagot" sabi ko

Habang sya naman halatang walang
alam sa sinasabi ko.

"Or maybe I was just hallucinating or
dahil din sa byahe kanina siguro"
dagdag ko pa

"Maybe yes or maybe merun talagang
kumatok" seryosong sabi nito kaya
napatingin naman ako sa kanya

"Kidding, siguro you're just tired" sabi
nito

"Maybe" sagot ko naman habang
nakikibit balikat

at tumango na lamang ito

"Ey andito na sila ang tagal nyo naman gutom na kami" bungad samin ni Cedric habang nakangisi.

"Kamusta quality time nyo?" Dagdag pa ni Jai

"Oh shut up" sagot naman ni adam, hindi maipinta ang muka, tinawalan lamang sya.

"Tsk mag si kain na lang tayu gutom na gutom na ako, ang sarap pa naman nang ulam natin ngayun, ikaw kuya kumain na tayu, dito ka sa tabi ko Rae" dadag pa ni eya, tinawnan ko lamang ito habang Lumalapit sa kanya.

"Okay guys let's eat" sabi ni Cedric.

"Stop!!!" Napatingin naman silang lahat sakin "let's pray" dagdag ko napailing naman sila.

"Heavenly Father, thank you for this wonderful day that you've given to us, thank you for ahm keeping us safe and sound til we arrived here Lord. May you continue to bless each of us Lord. May you keep us safe and secure Lord, away from evil spirit-" naputol ang pag dadasal namin ng may narinig kaming nalaglag at nawasak but instead of stopping I continue "wag nyong pansinin" .

"Away from the evil spirit Lord, away from danger, accident and death, away from bad people Lord, thank you for the blessings here in front of us Lord. May you forgive our sins. I bring back all the highest glory and praises. In Jesus name we pray. Amen." "Let's eat" dagdag ko

"What was that?" Tanong ni sha
"You heard it?" Tanong ni Kai
"Yes, I think we heard it, na may nalaglag at nabasag while Rae is praying, and then I felt different coldness and shivers" dagdag pa ni ally

"Don't mind it guys, baka may naka sagi lang ma pusa" sabi ko

"Siguro" sagot naman ni eya

"Let's eat" pag kasabi ko nun kumain na kaming lahat, kutsara at tinidor lamang ang naririnig naming umiingay Hanggang matapos kaming kumain at pag huhugas ng pinggan.

"So guys? I think we should go tomorrow, lilibutin natin ang Lugar" sabi ni eya, she breaks the silence.

"Sure hahaha excited na din ako" dagdag pa ni ally
"Yes! Ito yung pinunta natin dito" dagdag pa ni Kai
"We need to freshen our minds mag unwind tayu" dagdag pa ni cedric
"We'll enjoy this vacation" sha and Jai
"Truth para walang stress enjoy natin to" dagdag pa ni kat napailing na lamang ako

Pag katapos namin sabihin iyun ay agad naman kaming pumaetaas para matulog mahimbing.

CASA DE FAMILIA (HOUSE OF FAMILY)Where stories live. Discover now