After kong maayos ang mga gamit ko ay agad naman akong lumabas para puntahan yung huling student ko kanina sa harap ng chapel. Sana harapan ko sya ngayon, ngunit di naman sya umiimik kaya napilitan akong tanungin sya...."Anong pangalan mo?" tanong ko dito. "Ako po si Lorelai" sagot naman nya na halos di ko marinig sa sobrang hina, "Alam mo ba na ang ibig-sabihin ng pangalan mo ay enticing?" tango lamang ang isinagot nito sakin, "Siguro nagugutom kana, kaya kung ako sayo bumili ka na ng snacks mo, ok?" pagkumbinsi ko sakanya. "Babye po" yun ang huling sinabi nya bago sya umalis at tumungo sa canteen ng school. "Huy sinong kausap mo?" tanong nga isang teacher, "Ahh si Lorelai, transferee yata masyadong tahimik e" sagot ko sa kanya, "Huh?! Eh wala naman e!."
"Kakaalis lang bumili yata ng recess, ikaw praning kana naman" iritang sagot ko dito.It was 6 pm na nang naisipan kong ayusin ang mga gamit at lumabas na ng school.
Pauwi na ako....and I decided to just walk dahil walking distance lang naman ang condo ko mula sa school at gusto ko din munang dumaan sa park para magpahangin. Habang naglalakad ako ay may na pansin akong pamilyar na pigura na nakaupo sa isang bench....At kung hindi ako nagkakamali ay si Lorelai yun, kaya agad ko naman siyang pinuntahan.
"Lorelai, gabi na bat kapa nandito?" tanong ko sakanya, "Kayo po pala....wala po nagpapahangin lang" sagot nya bago tumahimik ang paligid., kaya umupo ako sa tabi nya......"Binibini masaya po ba kayo ngayon?" tanong nya na bumasag sa katahimikan, "Masaya naman...di mawawala ang problema pero kahit paano nakakaraos padin, bakit mo na tanong?" I confusingly asked her. "Wala naman po, basta binibini wag mo pong hayaang malunod ka sa kalungkutan ha, hindi magiging masaya ang batang ikaw" sabi nya......Anong ibig-sabihin nya?!Tatanungin ko na sana sya nang biglang....."Sige po aalis na po ako, baka po kasi hinahanap nako samin e" sabi nya sabay sa pagtayo nya at umalis.
YOU ARE READING
Amidst the World's Cruelty
Misterio / SuspensoIn the hush of twilight, a tale unfolds, A student's spirit in a teacher's mold, Lessons learned in lives long past, Reborn anew, destiny amassed.