10

6 2 41
                                    

Chapter 10

Breakfast

"KAYA rin ba siya na-ospital dahil sa ginawa mo?" tanong ko.

"I wish, but no. I heard he fought with some of his inmates there and he's really into alcohols and cigarettes these days." kwento niya.

Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag nang mahinahon niyang sagutin ang mga tanong ko. Tumango-tango ako bago iligaw ang tingin sa labas, para na rin takbuhan at iwanan ang mga negatibong iniisip ko kanina at madama naman ang kapayapaan sa utak ko.

"Wife... let's not fight again just because of that bastard. He's not worth it. How about I buy you something to ease your mind, hmm?" mungkahi niya na agad namang nagpa-udyok sa'kin.

Pakiramdam ko ay namumula na ang mga pisngi ko mula sa side-view window kaya mas lalo lang ako nagkaroon ng rason para hindi siya lingunin, "'Wag nalang... m-mas hahaba lang 'yung biyahe tsaka pareho naman tayong pagod." sagot ko.

"Nah, I'll just purchase some online." pagtanggi niya.

Kaunti nalang talaga ay makaka-iglip na 'ko, hindi nga 'ko sumasandal para hindi maging komportable 'yung katawan ko pero nayuyuko naman ang ulo ko na sinasabayan ng pagsara ng mga mata ko.

Elle, hindi pwede. Ipipilit ko talaga 'to. Hindi pwedeng... matulo...

Bigla kong naidilat ang mga talukap kong nagdidikit na nang marinig ko ang tunog na bukas na ang mga pinto ng sasakyan, wala sa wisyo akong sumimangot at bumaling kay Miguel. Wala pang limang minuto at pinutol na agad niya ang iglip ko! Bangungutin sana 'to!

Kaso 'wag nalang baka hindi niya 'ko mabilhan ng gamit, e.

"We're here. Let's go na, wifey." simpleng paliwanag niya at parang hindi ako nakitang natutulog kanina o baka naman ayaw niya lang pansinin?

Sa pagitan ng irita ko ay nagawa ko pa ring tumango at lumabas hanggang sa tumambad sa'kin ang hindi mabilang na mga kotseng maayos na nakaparada, iba-iba ang kulay noon at masasabi kong racecars ang iba roon. Nang ilipat ko ang paningin ay tsaka ko lang napagtantong nasa garahe niya kami. The entire wall was full of glass and made of dark grey textured walls, the floor were simply black and there are yellow dim headlights above the ceiling.

Tila nawala ang antok ko nang masilayan ang labas mula sa matangkad na glass window, madilim na pero matatanaw mo pa rin ang mahabang-mahabang daanan na may mga malahiganteng puno at sa ilalim noon ay may mga ilaw na 'di gaanong nakakasilaw.

Tsaka lang naalis ang atensyon ko sa lugar nang maramdaman ko ang braso ni Miguel sa bewang ko.

"Let's go? I wanna sleep now..." aniya habang sabay na kaming naglalakad patungo sa elevator.

Hindi na 'ko umimik pa dahil natatanaw ko na ang pagod sa mukha niya, pareho naman kaming napagod pero ni isang reklamo ay wala akong natanggap mula sa kaniya at ngayon niya lang ipinakita iyon kahit alam kong kanina niya pa dama.

Nang umilaw na ang numero sa pangatlong palapag ay tsaka na 'ko nilamon ng magkasamang nerbyos at antok. Nililibang ko nalang ang sarili ko sa paggalugad ng mga mata ko sa mga disenyo at muwebles ng bahay– o mansyon.

"I built all of these for you, wife. We'll be staying here." paliwanag niya habang ang mga daliri niya ay hinahaplos ang gilid ng bewang ko.

It will be deniably gorgeous if he didn't. The whole surrounding was chic and modernized. There were tall and big windows around that has black linings surrounding it, dim lights, beige walls, polished floor and stylish chandeliers above. Did he really constructed this in just a month? It didn't smell new paint and all the coigns of the mansion were tidy and fine.

To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon