°°°
Napakunot ang noo ko ng may marinig na ingay sa sala, pagkatapos kong uminom ng tubig ay nag tungo ako doon para alamin kung saan nag mumula ang ingay.
Peru ganon nalang ang mas pagkunot ng noo ko ng makita mula sa sala si Atticus na nakapatong sa mataas na bench ng terrace, ang kaliwang katawan lang nito ang tangi kong nakikita dahil tila may inaabot ito na kung gamit ang braso nito sa kanang katawan.
Narinig niya itong bumuntong hininga kaya napaayos siya ng tindig sa kaniyang kinatatayuan at hinintay ang pag ikot nito.
Inihanda niya rin ang matamis na ngiti sa kaniyang labi para salubungin ito niyon sa pag ikot.
At ng umikot ito ay hindi niya inaasahan ang mangyayari. Nawala ang ngiti na ipinaskil niya sa kaniyang labi at nanlalaki ang kaniyang mga mata habang sinusundan ang isang bagay na lumilipad sa ere.
“Damn!”
“Ahhhhh!!!”
Nakaramdam ako ng may kalakasang puwersa na tumabon sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano iyon dahil nakapikit ako at ininda ang sakit ng pagtama ng likod ko sa di-tiles na sahig.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa tuwing gagalaw ako ay ang siya namang pag sidhi ng sakit ng likod ko na tumama sa sahig ng bumagsak ako.
“W-what the... What did just happened?” naguguluhan at hindi malaman ang gagawing boses ni Atticus.
Unti-unti kong iminulat ang mata ko, iniiwasan ang pag galaw para 'di makaramdam ng sakit. Wala akong makita. Wala akong maaninag-
Napatigil ako sa pag iisip ng may mapagtanto. Kahit sumisidhi ang sakit sa kaniyang likod ay iginalaw niya ang kaniyang mga braso. Iniabot ng kaniyang mga kamay ang bagay na nasa kaniyang mukha...
Makapal... Mabango... Magaspang.
Wala sa sariling pag lalarawan niya sa bagay na nasa kaniyang mukha. Napapikit-pikit pa siya dahil sa paghapong araw na tumama sa mata niya at ng maayos na ang pananaw niya ay ibinalik niya sa hawak ang tingin.
Ngunit ganon nalang ang gulat na nanlalaki muli ang kaniya mga mata sa nakita!
Boxer!!!???
____
Habol ko ang hinanga ng magising ako mula sa panaginip.
Napakurap-kurap ako at napalunok.
Boxer? Wala sa sariling saad ng utak ko.
Muli akong napalunok at naihilamos ang mga kamay sa mukha.
Kinapa ko ang gilid ng kama at hinanap ang nag iisang bagay na alam niyang pagpapakalama sa kaniya sa mga oras na iyon.
“B-bro...” utal na banggit niya bago mahigpit na niyakap ang kaniyang teddy bear.
Hinihingal parin siya habang iniisip ang napanaginipan, iyon ang mga tagpo nila ni Atticus. Napabuntong hininga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/370501285-288-k496557.jpg)
BINABASA MO ANG
MU SERIES #1: Crush'n You
RandomThe stubborn, adorable Eliana Lofranco approaches the crafty top student Atticus Montenegro on purpose. Throughout their "opportunistic" friendship, feelings bloom between two as they are always there for each other. Not only do they make friends, b...