17

28 5 0
                                    

 S A K U R A

It was weird for me. Para akong nananaginip. 


Paano kung hindi ako agad na nagising? Paano kung huli na ang lahat bago ko nalaman na nakapasok si Chad sa kuwarto ko?

 Paano kung... hay, ayaw ko.

 Hindi ko na dapat iniisip ang mga 'to. Wala rin namang patutunguhan. Mas matatakot lang ako.

Hindi naman natuloy. Hindi naman siya nag tagumpay sa binabalak niya. Hindi ko na dapat katakutan pa 'yon.

I can't believe it. Talagang may mga tao pala na ganoon kasama ang budhi.

Paanong nag-e-exist sa parehong mundo ang mga taong katulad ni Chad at Zyon?

He doesn't even know what happened, to the full extent, pero heto siya, hawak-hawak lang ang kamay ko habang nakahiga kami sa kama niya.

Alam ko na hindi siya komportable na suot ang suit niya, pero dahil ayaw ko siyang bitawan, tinitiis pa rin niya.

Marahil ay pansin niya kung gaano kalala ang takot ko. Kung anu-ano na ang sinubukan niyang i-offer sa akin. Nandyan na ang magpunta sa ospital para magpa-check up, tumawag ng abugado, pati mag-sumbong sa pulis. Pero wala akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi huminga.

At basta nand'yan siya, madali ito para sa akin.

Para siyang portal. Sa tuwing nararamdaman ko ang init ng yakap niya, tila ba alam ng katawan ko na okay lang ako.

Whenever I smell his scent, my mind will slowly be at peace.

He is a stranger, if I think about it. But it's so weird how my being knows him differently. Hindi lang basta palagay ang loob ko. Panatag ako.

"It's almost lunch," he whispered. Naramdaman ko ang pag galaw ng labi niya sa may bandang pisngi ko. "Do you want to order at a specific place?"

He moved, pero kaagad akong yumakap nang mas mahigpit. Alam ko na kukunin lang niya ang phone niya, pero natakot ako. Mukhang naintindihan niya rin ako, kaya bumalik lang siya sa puwesto niya kanina at ipinatong nanaman ang kamay niya sa bewang ko.

"Alam ko na," he slightly chuckled. "We should cook."

"Ha?"

"Tara, may naka marinate ako na chicken," he casually said before lifting me up to sit. Tumango naman ako bago sumunod sa bawat hakbang niya.

He's gripping my hands, guiding me to his closet. Naglakad kami lampas sa nakahilera niyang suits. Mukhang normal na talaga sa kan'yang mag suot no'n. Kaya siguro mukha siyang laging a-attend ng awards show.

"Wear this muna," he said, before handing me a huge shirt. "Baka madumihan 'yang uniform mo."

Tumango lang ako. Siya naman ay kumuha ng tshirt pamalit at jogging pants. Mag lalakad na sana siya papunta sa banyo, pero napansin niyang magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

"Mauna ka na," he said, pushing me a little. "Dito lang ako."

Sa tuwing tinitignan ko ang mga mata ni Zyon, palagi kong nakikita kung ano ang tunay niyang nararamdaman. I could tell that he's genuinely worried for me. I'm not the type to enjoy being pitied, but from him, it was comforting.

Sa loob ng banyo na hindi ko inakalang mababalikan ko pa, hawak ang damit na may kaunting bahid pa ng amoy niya, gumagaan ang pakiramdam ko.

Hala?

"Zyon?"

"Hmm?"

"Tinanggal mo talaga 'yong sliding door?"

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon