Chapter 26

2K 69 0
                                    

After 2 days

Mikhael's POV

Alas-kwatro na ng hapon at ngayon ang araw ng discharge ko sa hospital, si Ayara na ang nag-asikaso nito habang inaantay ko siya sa at nasa loob ako ng sasakyan niya. Mga ilang minuto ay dumating na si Ayara.

"How are you feeling, Mikhael? Okay ka na ba?" Tanong nito sa akin at tumango na lamang ako.

"Alright, let's go home na" dagdag ni Ayara at nagsimulang mag maneho.

Sa buong byahe ay nakatulala lamang ako sa bintana habang taimtim na nagmamaneho si Ayara at walang kibo, ganon na rin ako.

"Pupunta ka ba mamaya?" Tanong ni Ayara sa akin at nagkibit balikat lamang ako. May event na gaganapin ang company namin at ang company nila Ayara at maraming imbitado sa event na iyon.

"Kung pupunta ka, pupunta ako" dagdag ni Ayara kaya napalingon ako sa kaniya.

"Pero mukhang hindi ka pa okay eh, wag na kaya tayong pumunta?" Tanong nito sa akin at sinulyapan ako ng tingin.

"They need us there, kailangan nating pumunta" tugon ko at hingi siya tinignan.

"Edi pupunta ako, pupunta ka naman pala e" tugon ni Ayara sa akin at ngumiti.

Ang event ay magaganap ng ala-syete ng gabi at ala-singko pa lamang ay nakauwi na kami kaya may dalawang oras pa kami para mag-ayos ng sarili. Nauna akong maligo ngunit sa guest bathroom ako naligo dahil nasa kwarto si Ayara at naliligo. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang bathrobe ko at nagtungo sa kwarto ko para magbihis, pagkapasok ko ay nakaupo si Ayara sa vanity desk at naka-bathrobe lang at nagb-blower ito ng buhok. Tumingin si Ayara sa akin mula sa vanity desk at dumeretsong lakad lang ako patungo sa dressing room ko para makapag bihis.

"Don't let your impulsive thoughts win Ayara, nararamdaman kita" sabi ko nang malakas dahil rinig ko ang yapak ni Ayara papunta sa akin.

"H-hoy bastos, may kukunin lang ako diyan, hindi ko alam susuotin ko e" sigaw nito pabalik.

"Mamaya mo na kunin" tugon ko habang nagpatuloy sa pagbibihis at ngumisi.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas kaagad ako ng dressing room ngunit hindi ko nadatnan si Ayara roon, malamang ay nasa banyo iyon. Lumabas ako ng kwarto ako umupo sa sala para intayin siyang matapos at 5:30 pa lamang.

Ala-seis na at kailangan na naming umalis dahil baka ma-traffic kami papunta sa event kaya tumayo ako sa pagkaupo ko. Palapit palang sana ako sa pinto ng kwarto ko nang bigla itong nagbukas.

Tumambad sa akin ang isang maamo at napakagandang mukha. Napakaganda niya sa suot niya puting dress at puting heels na para bang anghel kung tititigan mo ito. Lumakad palapit sa akin si Ayara at napalunok na lamang ako sa hindi malaman na dahilan.

"How do I look?" Tanong nito sa akin at umikot-ikot para ipakita sa akin ang suot niya.

"Y-you look...wonderful, Ayara" tugon ko na nauutal at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"You too Mikhael, you look great" tugon nito sa akin at yumuko ako para itago ang pamumula ng aking mukha.

"Shall we?" Pag-anyaya ko gamit ang kamay ko at malugod niya itong tinanggap.

Arrange Marriage Where stories live. Discover now