Read at your own risk.
• • •
Exhausted. That's the best description of what Seokmin felt after his first day of school. Energetic naman sya pero today, lobat na lobat na sya.
Pagod na agad sya sa huling taon nya sa kulehiyo. Maybe napagod sya kasi hindi na nya nakikita sa campus nila si Joshua.
Ahead kasi ang binata sakanya ng isang taon, kung last year nakakakasama nya ito sa school, ngayon hindi na kaya siguro wala syang masyadong energy.
Given na magkasintahan sila ng dalawang taon na din. At ito ang unang araw na hindi nya kasama si Joshua most of the time.
Busy rin kasi ito sa paghahanap ng trabaho matapos nitong maka-graduate.
Dalawang sakay lang mula sa school nila Seokmin ang unit ni Joshua, at dahil namimiss na nya ito, kahit pagod at mas malayo kesa sa unit nya, dun sya agad dumiretso.
Sa sobrang kapaguran ay hindi na nya nagawang mag chat o tanungin si Joshua kung nandon ba ang binata o nasa labas padin at nag a-apply ng work.
Pag dating nya sa building kung saan nandon ang unit ng binata, dumiretso na sya sa elevator roon at pinindot sa buton ang floor number ni Joshua.
Bungad naman agad ang pintuan ng unit ni Joshua sa 5th floor kaya kaunting lakad lang ay maari na syang kumatok sa pintuan ng nobyo.
He decided na kung hindi magbubukas ang pintuan sa ikatlong katok nya, uuwi nalang sya sa unit nya.
But before the third knock happen, bumukas ang pintuan at sumalubong sakanya ang bagong ligo na si Joshua at bakas pa sa mukha nitong nagulat ito sa pagpunta nya roon.
• • •
Nagulat naman si Joshua nang makita nya na si Seokmin ang kumakatok, kanina pa sya nakauwi matapos ang paghahanap ng trabaho. Umidlip sya kanina at nang magising ay naligo.
Nang buksan nya ang pintuan, his boyfriend looked tired and stressed, maybe because of his first day in his last year sa Alexander U.
Agad naman na dumantay ang mabigat nitong katawan sa kanya. Dumukdok ito sa balikat nya, he knew that his boyfriend need him right now.
Mahirap din kasi mag adjust lalo na at wala na sya sa tabi nito ngayon.
Hinapit nya ito papasok at sinarado nya ang pintuan. Ang kanina'y dukdok lang sa balikat, naging isang mahigpit na yakap nang ibalot ni Seokmin ang braso nito sa beywang nya at hapitin sya para paglapatin ang katawan nila.
“Pagod na po ako baby.” bulong nito sa bandang tainga.
“Awww, first day mo palang ngayon baby.”
“Nang wala ka at hindi ko na ata kaya pa bukas.”
“Do you want me to help you?”
“Naghahanap kana ng work right?”
“Yes, but I can still help you padin.”
“Sige, help me.”
“Saan ka nahihirapan?”
“Mamiss ka.”
Joshua chuckled lightly. “Not that one.”
“Pa-baby ako.”
“Oum oum, tell me about your day.” Joshua stated, he also felt him, guiding him paatras sa sofa sa sala.
And the next thing he knew, he was sitting on Seokmin's lap, his boyfriend's arms wrapped around his waist as he sniffed his neck from the back.