Invite
"Hindi ka ba nagpapalipas ng gutom?" Seryosong tanong sa akin ng nurse.
Umiling ako at nanatiling nakapikit habang nakahiga sa isang medical bed sa loob ng school clinic. Paanong nagpapalipas ng gutom, e, kakatapos ko nga lang mananghalian?
"Medyo nahihilo lang po ako kaya nagdesisyon akong pumunta na rito..." I said lazily as I remember how my head spun and my sight became a bit blurry a while ago.
"Too much hunger can cause dizziness..." Paliwanag nito sa akin.
"Pero busog naman po ako." I stubbornly countered.
Kinapa ko ang dibdib ko. What if side effect 'to ng aksidente ko? What if my brain tumor pala ako at may taning na ang buhay? What if kung meron nga dalhin ako ng parents ko sa ibang bansa para ipagamot at maoperahan?
What if magka-amnesia ako?
The nurse sighed. Bahagya akong dumilat at nakita itong abala sa pagsusulat ng datos tungkol sa akin. Muli akong pumikit at humalukipkip. Now that I'm already lying in bed, I'm finally feeling fine. Siguro ay dahil din umepekto na ang gamot na ipinainom sa akin kanina.
Tumunog ang upuan, isang hudyat na tumayo na ang nurse. Sunod kong narinig ay ang pagsarado ng cubicle curtain sa palibot ko. I sighed. Nandito na rin lang ako, lulubos-lubusin ko na ito.
Might as well skip classes and sleep here.
Kaya lang, mukhang napasarap yata ang tulog ko. Nang magising ako ay magdadapit-hapon na. Napabalikwas tuloy ako ng bangon at dali-daling sinuot ang bag ko. Halos tumakbo ako palabas ng clinic, walang pakialam kahit na tinawag pa ako ng nurse. Mahirap na. Bali-balita pa namang may multo doon sa clinic kapag gabi.
Bahagya kong inaayos ang magulo kong buhok habang naglalakad ako palabas ng school. Hindi makuntento, nilabas ko pa ang cellphone ko para gawing salamin. I smirked when I saw my flawless face. Tanginang kagwapuhan 'to.
Sa sobrang abala ko ay hindi ko napansin ang estudyanteng nakasalubong ko at nagkabanggaan kami. Sa laki ng katawan ko ay nabuwal ito at bumagsak sa sahig.
"Hala, sorry Miss!" I said as I hurriedly went to her to help her get up. Sumabog ang mahaba niyang buhok sa kanyang mukha kaya tinulungan ko pa siyang ayusin iyon. Huli na nang mapansin kong umiiyak ito. At matagal bago rumehistro sa akin na ito 'yong babaeng hinila ni Rael kanina!
Nanatili siyang tahimik na umiiyak kahit na nakatayo na siya at maayos na rin ang buhok. Thinking about the possibility that she might be hurt somewhere because of the impact of our collision made me feel guilty.
"Sorry, ano, may masakit ba sa'yo?" Kinakabahang tanong ko. Hindi alam kung hahawakan ba siya o ano.
Iginala ko ang paningin ko para sana manghingi ng tulong pero wala na akong makitang ibang tao maliban sa aming dalawa.
I paused.
Don't tell me na baka ito 'yong multo?
Nag-iisip na akong tumakbo pero bigla itong nagsalita sa garalgal at umiiyak pa ring boses.
"A-Ano pa bang kulang sa akin? B-Bakit ayaw niya pa rin sa akin?" She cried, looking so broken. Tears streaming down her face. Napangiwi ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
At sino bang tinutukoy niya? Si Rael ba?
Napailing ako. Malamang! Eh magkasama pa lang sila kanina! Pero ano raw? Ayaw sa kanya?
So, hindi siya 'yong babaeng gusto or should I say, mahal ni Rael?
I pursed my lips. Well... hindi naman natin mapipilit si Rael kung... talagang ayaw sa kanya, di'ba?
BINABASA MO ANG
Double Take
RomanceEverything started when the notorious troublemaker Benj Ferrera came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met his number one hater, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor for the school...