This is a work of Fiction.
Everything that is written here is purely made out of the writer's imagination otherwise stated. Please learn to separate fiction from reality. Nothing that is here is based on actual events.
swn,
© All rights reserved 2024.
PROLOGUE
"Wala talaga kayong kwenta! Hindi manlang kayo makapag ayos dito sa bahay! Ayan na nga lang ang gagawin niyo hindi niyo pa magawa! Ano pang silbi niyo? Magsi-layas na lang kayo kung magiging palamunin lang kayo rito!"
Pagka-bukas ko ng gate boses agad ni mama ang bumugad sakin. Siguro'y naabutan na naman niyang magulo ang bahay. Ano pa nga bang bago? Halos gabi gabi naman ay ganito rito sa amin. Magulo at maingay.
Napa buntong hininga na lang ako bago tuluyang pumasok sa loob.
"Ma," sasabihin ko pa lang na naka uwi na ako ay masama na agad ang tingin niya sa akin nang makita niya ako sa pintuan.
"Isa ka pa! Anong oras ka na umuuwi! Puro ka pag gagala! Hindi mo iniisip ang mga kapatid mo rito sa bahay! Kung ganyan lang ang gagawin mo mas mabuti pang 'wag ka na lang mag aral at mag trabaho ka na lang at nang may silbi ka!"
Imbes na sumagot ako sa kaniya ay pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Ano pa nga bang magagawa ng pagra-rason ko kung ang iisipin niya lang ay sinasagot ko siya at wala akong respeto diba?
Dumiretso na ako sa kusina at tsaka nag simulang mag ligpit. Naka uniform pa ako at suot ko pa ang bag ko pero hindi ko na inalintana iyon dahil hindi titigil si mama hanggat may mga nakikita siyang mga kalat.
"Nakaka inis si mama, ate. Sigaw nang sigaw, hindi manlang nahiya sa mga kapitbahay." ani Elena, ang kapatid ko na sumunod sa akin.
Nagwa-walis ito at isinasalansan ang mga basahan sa sahig. Katulad ko'y naka uniporme 'rin ito at may suot pa na ID. Mukhang kakauwi lang 'rin.
"Kanina pa 'yan siya nagtatalak. Ito naman kasi si Eman hindi 'rin nakikinig at panay lang ang computer. Kanina pa ako linis nang linis dito sa baba hindi manlang ako tinutulungan." inis na giit niya gamit ang mahinang boses. Natatakot na marinig ni mama.
"Ano ba kasi ang nangyari?" pinagpag ko ang basahan na ginamit kong pamunas sa lababo at tsaka siya hinarap.
"Hindi ko nga 'rin alam. Basta pag uwi niya nagtatatalak na! Minsan hindi ko 'rin siya maintindihan." aniya habang itinatabi na ang hawak niyang walis.
YOU ARE READING
It's okay, it's you
Roman pour Adolescents"Let me at least show you... that I can love you properly this time." Elysien was never selfish. She will offer whatever she can, even the things she don't have for the people she holds dear in heart. But life isn't always as forgiving. At every mo...