quackey :)

234 4 0
                                    

sa bawat isang hello na iyong sinasambit

sa bawat araw na lagi tayong magkausap

sa bawat pag-iibigan natin pinagsasaluhan

Sa bawat gabi na puno nang pagmamahalan

sa bawat minutong hawak ko ang ‘yong kamay

sa bawat pungay ng nangungusap mong mga mata

sa bawat hangin na dumadampi sa ating mga pisngi

Dalawang kaluluwang ligaw, isang pagmamahalan

libong milya man ang namamagitan sa isa’t isa

ilang bagyo, lindol, trahedya man ang humadlang

walang pipigil sa kanilang romantikong pagtitinginan

Wag mangamba sa layo ng kanilang distansya

tiwala’t pagmamahalan sadyang sila’y pinagtibay

kung ang tadhana ma’y magbiro at subukin sila

ang dalawa’y magiging isa’t mas lalong titibay

Sa bawat araw na lilipas sa mundong ibabaw

sa baway awit ng ibong kay laying lumilipad

may pag-ibig na wagas, totoo’t malakas

na handang humarap sa hamon ng bukas

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

quackey :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon