PROLOGUE

6 0 0
                                    

"Magandang umaga ho, Architect!"

Bati sa akin ng mga trabahador pag-pasok ko ng site. Araw ng sabado ngayon at andito ako para inspeksyunin ang progress ng project namin dito sa Cavite. Kinuha ko ang hard hat para isuot at para maumpisahan na rin ang paglilibot sa bahay.

"Kumusta naman ho?" Tanong ko sa foreman.

"Okay naman po, ma'am. Halos patapos na rin ho ang pag-pipintura at baka sa susunod na linggo rin po ay tapos na po talaga ito," nginitian ko naman ito ng marinig iyon.

It all went good. Lahat ng nasa plano, nasundan and thankfully hindi nagkaroon ng aberya kaya hindi rin na delay ang trabaho. Satisfied naman ako sa gawa, dahil nasundan ang gusto ng kliyente, malinis at maayos din ang kinalabasan ng bahay kahit finisihing pa lang ito.

I always want what's the best for my clients kaya I always make sure na tama at nasusundan ang naka plano. Of course, it's what my clients deserve, pera at comfort nila ang nakasalalay sa pag plano at pagtayo ng bahay nila.

"Oh, I didn't know you're here," napalingon ako sa boses na narinig ko, there I saw one of my Senior Architect, si Dan.

Dan is the one who I assigned to lead this project. Dahil sa dami na rin ng commitments ko outside sa firm ko, sakaniya ko pinahandle ang everyday inspection ng project na 'to.

"Ahh yep, just passing by. May meeting din ako mamaya sa Tagaytay kaya dumaan na muna rin ako rito para i-check," sagot ko naman sakaniya.

Dan is one of my best Architect in our firm, kaya hindi na rin kataka-taka bakit halos walang naging problema ang project. Bago pa makarating sa akin ang problema, alam kong mareresolba na niya kaagad iyon.

"Alis ka ba agad? Papunta ngayon ang owner," napatingin ako sa orasan ko para siguraduhin kung may sapat na oras ba ako bago tumuloy sa susunod na schedule ko. Malapit na lang din naman ang Tagaytay dito sa Imus, aabot naman siguro ako.

"Yeah sure, para makita ko na rin sila Ate," sagot ko naman dito.

"Alam mo Drei, up until now hindi ko maintindihan bakit tinanggap mo pa rin itong offer na 'to," biglang sabi ni Dan sa akin, which made me smile kasi alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak niya, "you're a big shot now, usually, buildings na ang kinokontrata mo pre at kung residential man, ipapahandle mo ito sa mga Juniors mo. Considering na may business ka pa outside sa construction, sobrang jam packed ng sched mo. Gaano ba ka special ang client na 'to para ikaw mismo ang maging in-charge rito?"

Napangiti na lang ako ng marinig ko ang mga sinabi ni Dan. Tama naman siya, matagal na rin noong huli akong tumanggap ng Residential project dahil naging busy at napunta na rin ang atensyon ko sa mga big projects. Pero itong client ko ngayon ay hindi lang siya basta client, it's also because they hold a special place in my life.

Kaya kahit gaano pa karami ang schedule ko, sinigurado ko na ako ang mag hahandle rito at tututukan ang project na ito.

"I just really know them personally," iyon na lang ang naging sagot ko sakaniya at nginitian ko siya.

Lumabas naman si Dan ng room saglit para mag-simula na rin mag libot sa ibang parte ng bahay at para samahan ang foreman sa pagbabantay. Habang ako naman ay naiwan pa rin dito sa loob ng guest room para i-check ito.

Lumipas ang ilang minuto e napag desisyonan ko na rin umalis dahil naisip kong baka traffic ang daan sa Dasma, kaya naman lumabas na ako para mag-paalam. Saktong pag-labas ko ng guest room nakita ko si Dan na may kausap na babae sa living room.

By looking from where they are, may parte sa akin na nagsasabing parang kilala ko ang babaeng ito. Sa tindig ng katawan niya, sa tangkad niya, sa buhok niya, malakas ang kutob ko na kilalang kilala ko kung sino ito.

Dahan-dahan akong lumapit papunta sakanila, bumibilis tibok ng puso ko sa 'di malaman na dahilan. Who would have thought that after 5 years makikita ko ulit siya ngayon?

Pero sabagay, bago ko tinanggap ang project na 'to, pinag-isipan ko muna rin mabuti. Dahil alam ko na kapag tinanggap ko ito, malaki ang chance na makakaharap ko ulit siya.

Hindi ko lang ineexpect na mame-meet ko ulit siya agad. Sa ilang sabado na dumaan sa pagdalaw ko sa site, never nagtagpo ang mga landas namin.

"Oh, andito na pala si Architect. Pakilala ko po kayo Ma'am," natigil ang pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni Dan at pagkasabi niyang iyon, humarap na ang babaeng kausap niya sa akin.

Humarap ito sa akin ng nakangiti pero bakas din sa mukha niya ang pagkagulat. Parang hindi niya inaasahan na ako ang makikita niya ngayong araw na 'to.

"Good morning, Ma'am," bati ko sakaniya at nginitian ito, inabot ko ang kamay ko sakaniya pero hindi niya ito agad kinuha.

"G-good morning, Architect," sagot nito sa akin at kinamayan niya na rin ako. Mula sa pagkagulat, binigyan niya na rin ako ng isang ngiti. Ngiti na matagal ko ng hindi nakita.

Limang taon pagkatapos niya akong iniwan. Limang taon pagkatapos ng bigla na lang siyang nawala.




She just left me like that.. like as if I didn't matter.. like as if she didn't really love me at all.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon