Si Mr. torpe at si Ms. manhid (One Shot)

111 2 8
                                    

Oo nga pala,

Hindi nga pala tayo.

Hanggang dito lang ako.

Nangangarap na mapa-sayo.

Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko.

Asan nga ba ako?

ANDYAN PA BA SA IYO?

Naranasan niyo na ba ung feeling na kapag dadaan ka aasarin ka ng mga kaibigan niya

at sasabihin nila "uy! ayan na pala si insan! Kyle ayan na crush mo!" Tapos kapag titingin ka naman sa kanya parang wala lang reaksyon yung mukha niya kaya ikaw naman kunwari snob patay malisya.

Ganon ako. Ganon kami ni Kyle. Halos araw-araw inaasar kami ng mga pinsan ko na kaibigan din niya pero siya walang reaksyon ako naman patay malisya. Kelan kaya dadating yung time na ngingiti siya sa akin at sasabihin na totoo yung sinasabi ng mga pinsan ko? Na crush talaga niya ako?

Hay nako! Kyle! Nahihilo na ako sa kaka-isip kung kelan dadating yung time na yun! Nalilito na ako sa kakahanap ng paraan para masolusyonan pa tong puso ko na patay na patay na sayo! Kasalanan mo to eh! Asan ba talaga ako? Nasa puso mo pa ba? Aasa pa ba ako sayo? Aasa pa ba ako na may tayo din in the future?

“Uy Kyle! Ayan na si insan oh! Anjan na crush mo! Lapitan mo na bilis! Wag ka nang matorpe!” narinig kong sabi ng pinsan ko na si Christian. 

Nang tignan ko si Kyle wala, gaya ng dati walang reaksyon ang mukha niya kaya ako naman kunwari patay malisya. Ayokong magpakita na kinikilig ako kasi baka mamaya mapahiya lang ako >’<

“Lapitan mo na pre! Takte! Ilang taon ka nang torpe!” Sabi naman ng pinsan ko na si Emil. Gusto kong maniwala sa mga sinasabi ng mga pinsan ko pero anchura lang baka pagtawanan lang nila ako baka mamaya sabihin nila sakin “Na WOW mali ka insan!” Eh di napahiya pa ako ng bongga.

“Cheska!” Tawag sa akin ni Christian. “Si Kyle oh! Kanina ka pa nito hinintay na dumaan! Inaabangan ka!” Binatukan siya bigla ni Kyle. Hay nako! Bahala na nga kayo.

“Ewan ko sayo Christian. Ako na naman ang napag trip-an niyo!” sigaw ko sa kanila,

“Uy insan! Di ka naming pinagti-trip-an ah! Kanina ka pa talaga hinahanp nitong si Kyle! Kyle pare mag-confess ka na kasi!” Tinutulak tulak ni Emil si Kyle palapit sa akin.

“Tsk. Ewan. Maka-alis na nga” Yan lang narinig ko kay Kyle tapos umalis na siya. Sabi ko na nga ba eh . Malabo, asa pa kasi ako. Tsk!

Halos araw-araw ganon ang eksena namin kapag papa-uwi na ako galing sa school. Makikita ko sila na nakatambay sa daan papasok sa gate ng looban namin. Yung mga pinsan ko aasarin ako tapos si Kyle naman titingin lang sakin. Walang reaksyon.

“Justin. Salamat talaga sa paghatid sa akin ha?”Sabi ko kay Justin. Kaklase ko siya. Sabihin na natin na medyo nagpapa-pansin siya sakin pero wala naman akong gusto sa kanya hindi naman kasi siya sa Kyle. Hays. Speaking of Kyle, Ayun na naman sila nakatingin sa akin. Iba lang ngayon kasi kung dati walang reaksyon ang mukha ni Kyle ngayon naman mahahalata mo na, galit siya. Bakit kaya? Yung dalawa kong pinsan naka-simangot din. Problema ng mga to? Parang namatayan lang?

“Ok lang yon! Ihahatid na kita sa looban niyo.” Sabi ni Justin.

“Sige. Hehe” (^o^) pumasok na kami sa gate ng compound naming. Pagpasok namin...

“Pinsan” tawag sakin ni kuya Christian. Mukhang bad trip siya kasi ang serious ng face niya. 

“Oh? Problema niyo? Mga naka-simangot kayo?” tanong ko sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Mr. torpe at si Ms. manhid (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon