AUTHOR'S WARNING⚠️❗❗
As you embark on your writing journey on Wattpad, remember that plagiarism is a serious offense. It involves taking someone else's work or ideas and presenting them as your own, which can lead to severe consequences, including account suspension or legal action. Always strive for originality in your stories. If you draw inspiration from other works, ensure you transform those ideas into something uniquely yours. Respect the creativity of fellow writers and protect your own by avoiding any form of copying.
Please support my story!
♠️Thankyou!!♠️
"Wala kang kwentang anak! Tandaan mo yan! Di kana lang mawala e"
"Ma naman", naluluhang ani ko habang pinapanuod si mama na dinuduro duro lamang ako.
"Bakit? Ha? Sa tingin mo masaya akong pinapalamon kita? Sa tingin mo masaya akong ikaw ang naging anak ko? Tanga, hinde! Nakakahiya kang bata ka, nakakahiya para sa mga kaibigan ko na malamang gaya mo ang pinapalamon ko. Hindi basehan ang dugo para matanggap kita Zariyah!"
"Eh bakit niyo pa po ako niluwal sa mundo?"
"Aba'y yun ang pagkakamali ko!", biglang sumulpot ang step sister ko, my mom married a man na pamilyado ngunit naghiwalay na. Ang mama at papa ko naman ay hindi kasal dahil wala silang pera para pangtustos pa roon.
"Tita mommy, stop that. Don't stress yourself too much", ngumiti si mama kahit alam kung pilit lamang iyon.
"Eto kasing magaling na anak ko, di nalang lumayas sa pamamahay natin", my step sister rolled her eyes on me.
"Ba't nga ba tita mommy hindi pa umaalis ang hampaslupang yan?", yumuko ako. Di ko maiwasang mainggit na ako itong totoong anak, pero mas close pa silang dalawa kesa sa'kin.
"Wag kang mag-alala, dahil aalis din ako"
"Ngayon na!" sigaw sa'kin ni mama. Pigil ang mga luhang umakyat ako sa kwarto upang kunin ang mga gamit ko. Hindi ko na kaya, pagod na pagod na'ko.
Ang sakit lang na ni minsan hindi niya'ko tinuring bilang anak niya, nagawa ko pang isipin na baka ampon ako. Pero ang repleka ni mama ang siyang mukha ko.
Di ko alam kung saan pupulutin, hindi ko alam kung saan titira, 'di ko alam kung saan ako kakain. Dahil kahit may bahay ako, hindi ko na ito kailanman magawang masilungan.
Kung sana buhay pa si papa, titiisin kong makasama si mama dahil alam kung may kakampi ako. Alam kong may poprotekta sa akin. Pero, ngayon wala na siya. Sino? Sino na magiging kakampi ko? Sino na ang poprotekta sa akin?
Lumabas ako ng kwarto at bumaba na, nakita ko si mama at si Loreen sa sala na parehong tumatawa dahil sa kanilang pinapanood. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib, paano nila nagagawang maging masaya, habang may taong nagluluksa ng dahil sakanila.
"Oh? Aalis kana? Sarado mo yung pinto at gate pagkalabas mo ha, ingat kana lang. Ang lumpo mo pa naman", natawa si Loreen dahil sa sinabi ni mama, lumapit siya sa akin at hinila ako papalabas ng bahay.
"Zariyah, hindi ko naranasan na magkaroon ng isang ina", tinignan niya'ko na para bang sa ganoong paraan, maiintindihan ko siya.
"Ano ba'ng ibig mong sabihin?", takhang tanong ko.
"Wag kana sanang babalik pa, masaya na kami kahit wala ka. Ramdam ko na ang magkaroon ng isang ina kahit hindi ko kadugo si tita mommy. Sakaniya ko lang naramdaman ang pagmamahal at pag aaruga ng isang ina. Hindi ko na kasalanan kung hindi mo iyon naranasan sakaniya pero sana ipaubaya mo na ang bagay na ito sa akin Zariyah", hindi ko alam pero lalong namuo ang galit sa dibdib ko.
"Ipaubaya? Edi lamunin mo yang pagiging makasarili mo Loreen. Dahil sainyo nagkakaganito ako, dahil sainyo kailangan kong mamuhay ng mesirable. Para matupad ang hiling mong magkaroon ng isang ina, kinailangan mong sirain ang nag iisang taong meron ako Loreen", bumagsak ang luha ko habang galit na tumingin sakaniya.
"Hindi ko sinira ang pamilya mo Zariyah, dahil ikaw mismo sumira non. Kung sana nagpakabuti kang anak, naging maayos ka. Edi sana ngayon pareho nating ramdam ang pagmamahal ni tita mommy. Hindi yun pagiging makasarili dahil okay lang sa'kin na andiyan ka dahil ikaw ang totoong anak pero sobrang stress at pagod lang binibigay mo sa nanay mo. Anong klaseng anak ka!", sinampal ko siya na eksakto namang paglabas ni mama. Nakita kong umiiyak si Loreen ng dahil sa lakas ng sampal ko.
"Anak! Loreen, ayos ka lang ba? Patingin nga", hindi na kaya ng mata ko ang nakikita ko. Bago ako tumalikod, isang malaking sampal ang naramdaman ko.
"Aalis kana nga lang, ganito pa ang gagawin mo! Bakit ba 'di kana lang umalis ng tahimik ha! Zariya!"
"Ma naman! Ako ho itong anak ninyo pero bakit siya ang kinakampihan mo! Hindi niyo man lang magawang maging isang magulang man lang para sa akin! Ginagawa ko naman lahat para maging isang mabuting anak! Bakit ba hindi niyo man lang iyon makita!"
"Dahil wala kana man talagang pinapakita!"
"Dahil ayaw niyong tignan mama!!", tumahimik siya sandali bago ako hinarap. Nakita ko ang pamumuo ng kaniyang luha na ngayon ko lamang nakita.
"Ako ang nagbihis sayo, ako ang nagpalaki at nagpakain sayo. Alam ko ang bawat parte ng katawan mo dahil ako ang nagpapaligo sayo! Ako ang nagdidisiplina sayo! Ako ang nagpapaaral sayo! Dahil yang magaling mong tatay, iniwan ka sa'kin ng mag-isa!"
"Dahil nakakapagod kang mahalin mama, iniwan tayo noon ni papa para magtrabaho para sa atin. Habang ikaw, lahat ng pinapadala niya, ipinangsusugal mo lamang. Ikaw nga ang nagbibihis sa akin pero di mo man lang matandaan kung ilang beses akong pinagtawanan dahil punit punit ang damit na suot ko. Ikaw nga ang nagpapakain sa akin pero papaluin mo muna ako bago mo isubo sa akin ang pagkain ko. Ikaw nga ang nagpapaligo sa akin pero di mo alam kung ilang beses mo'kong iniwan sa tuwing nalalagyan ng sabon ang mata ko. Ikaw nga ang nagdidisiplina sa akin pero heto ka ngayon at pababayaan ako. Ikaw nga ang nag p-papaaral sa akin pero wala man lang akong dalang lapis at papel. Nakakapagod kang maging ina mama"
Tuluyan na siyang nanahimik, si Loreen ay hindi na rin nakapagsalita. Pero bago ako umalis, niyakap ko muna si mama na siyang ikinabigla niya.
"Kung sa pag alis ko makikita kitang masaya, kakayanin kong iwanan ka. Mahal na mahal kita m-mama ko", tuluyan na'kong napahagulhol at tinalikuran sila hudyat ng paglisan ko. Paalam, mama.
Naglalakad ako sa gilid ng kalsada habang tualala at tila wala sa sarili. Ilang beses pa'kong nabusinahan pero parang wala akong naririnig.
"Ano?! Bingi kaba?! Kung gusto mong mamatay 'wag kang mandamay! Tabi!", nabigla ako sa sumigaw at humingi ng pasensiya kay kuyang driver ng tricy.
Bumuntong hininga ako at umupo sa isang tabi upang makapagpahinga, alam kong malayo na'ko sa bahay namin dahil dumidilim na.
Tumingala ako sa langit ng bumuhos ang napakalakas na ulan. Mapait akong ngumiti at tinignan ang nasa harapan kong babae na yakap yakap ang kaniyang anak upang hindi ito maulanan.
"Hay, ang lakas na ng ulan anak. Diyan muna tayo sa may kelenderya kay Ate Sabel, kakain muna tayo ha habang hindi pa tumitila ang ulan. Gutom kana ba?", tumango naman ang anak kaya natawa ang ina nito at inakay na papunta sa kalenderya.
Nangingilid ang luha ko at pinipigilan ang kumakawalang hikbi. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi ito kumawala pero lalo lamang sumakit ang dibdib ko.
Nawalan na'ko ng pakealam sa kung sino man ang makakakita sa sitwasyon ko ngayon. Alam kong iniisip nilang mahina ako ngayon.
Sana bukas, okay na'ko. Tampo ang tanging nararamdaman ko ngayon sa nanay ko. Bakit hindi ko man lang magawang magalit? Gayong ako itong biktima ng pagiging makasarili nila.
Hindi ko naman hiningi na buhayin ako, pero bakit parang ako pa ang humihingi ng aruga para mabuhay sa mundong 'to.
Ang daya naman.
YOU ARE READING
Pain Before Love (On-going)
RandomIn a world where love should be unconditional, Zariyah Martina Alvarez finds herself trapped in a nightmare. With an abusive mother who sees her as a burden and a cruel stepsister who delights in tormenting her. When her mother finally pushes her ou...