Kabanata 44: News
I hugged myself as the wind blew.
“Ang lalim yata ng iniisip mo?” napabaling ako sa likuran ko nang may magsalita mula roon.
Si nanay Flor.
“Hindi po, nagpapahangin lang” sagot ko habang nakatanaw sa malawak na asul na dagat.
I heaved a sigh as I felt nanay's presence beside me, sinasabayan akong maglakad.
“Kumusta kayo?” biglang tanong nito after a long silence.
“Nino po 'nay?” nagtatakang tanong ko as I crossed my arms together.
“Ni Xander? Kanino pa ba?” balik na tanong ni nanay kaya bahagya akong napangiwi.
“Hindi ko po alam, wala na po kaming naging komunikasyon after noong graduation” tugon ko and I saw her nodded through my peripheral vision.
“Magiging maayos rin ang lahat 'nak” ani ni nanay at tinapik ang balikat ko na ikinangiti ko lang.
“Oh sya, bumalik ka lang doon mamaya ha? Baka darating na iyong ilang bisitang hinihintay natin” dagdag na ani ni nanay na tinanguan ko naman.
“Opo, susunod po ako” sambit ko at ngumiti naman si nanay saka siya umalis.
I heaved a sigh as I take off my slipper at inilagay iyon sa buhangin.
Nakabestida ako na hanggang paa ko kaya ang komportable kahiy na off shoulder siya.
Inupuan ko ang tsinelas na hinubad ko habang nakaharap sa nag-aagaw kukay kahel at dilaw na kalangitan.
Kailan ma'y hindi ako magsasawang pagmasdan ang kalangitan lalo na kung magtatakipsilim na.
“Ang ganda...” I amazingly muttered as I let myself be mesmerized by the beauty that the sunset is bringing.
“Yeah, sobra”
Kaagad akong natigilan nang marinig ko ang boses mula sa likuran ko at makaramdam ako ng braso na pumulupot sa bewang ko.
My eyes widened as he started kissing my revealed shoulder.
“I miss you” malambing na bulong nya.
“X-xander?” nauutal kong pagtawag at napasinghap ako ng iniharap niya ako bigla sa kanya.
“Hey, don't cry” nakangiting ani nito but I just rolled my eyes at pabiro siyang hinampas sa dibdib at patuloy na pinipigilan ang sariling ngumawa sa harapan niya.
“I'm sorry for leaving without telling you, okay? Promise, I won't do that again, mahal ko.” he muttered sweetly but no. I won't make it easy for him! Hindi siya nagpakita ng isang buwan tapos tatanggapin ko kaagad siya? Swerte niya naman!
Namimiss ko siya, oo! Pero hindi! Dapat rin siyang mahirapan 'no!
Kaagad kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa pisnge ko at tumayo saka siya iniwang mag-isa roon. Ang lala ng topak ko.
Nakasimangot akong bumalik sa bahay nina nanay kung saan may salo-salo nanaman para sa hapunan.
“Oh kayong dalawa, hali na kayo para makakain na tayo” pagtawag ni tita Amanda na ikinagulat ko.
I roamed my eyes around just to see their whole family blending with us.
Si Ada na nakikipag-usap sa bunsong anak nina Nanay Lourdes at tatay Roman, habang si Xander ay kausap si Nathan, and tito's talking with papa, and what amazed me is to see my mother looking so happy talking with tita Amanda. Hindi ko iyon napansin kanina.
BINABASA MO ANG
I Have Found the Almond Eyes (COMPLETED)
RomanceFelize Jaelyn Villegas has a childhood boy best friend whom she lost after her parents encounter a car accident when she was still eight years old. She grew up to an orphanage and got adopted by a regular visitor, Florenda. Growing up, lize is very...