Habang minamaneho ko ang scooter ng ate ko, nakita ko si Pacho na nakatayo sa ilalim ng streetlight na nasa harap ng gate nila. Ang kanyang malalaking braso ay lumikha ng napakagandang anino sa likod niya. Umiling ako para burahin ang naiisip ko.
May problema na naman siguro sa bahay nila; biglang nag-aayang magmotor e.
Syempre, as best boy, ako na ang tutulong sa talunan na 'to. Napangiti ako sa naisip ko.
Nasa harapan niya na ako pero hindi parin siya sumasakay. Nakatulala parin siya sa sahig ng kalsada. May problema nga! Ginulat ko siya at d'on niya lang ako napansin.
"Sumakay ka na kaya, Boss?" saad ko kasi tinitigan niya lang ako. Nung sinabi ko 'yon, dali-dali siyang sumakay sa scooter ko. Napangiti ako bago ko hinarurot ang motor.
"Bili muna tayo ng pagkain sa tindahan ni Aling Biera" sabi niya. Hindi ko mabasa sa boses niya kung ano ang iniisip niya ngayon. Hindi parin siya nagsasalita.
Ganyan 'yan siya. Kapag may problema, mag-aayang iikot sa isla kung saan kami nakatira ngayon. Maliit lang ang lugar namin, halos magkakakilala na nga kaming mga nakatira rito e.
Pagkatapos naming bumili bigla niya akong hinarangan para hindi tuluyang makasakay sa motor. Ngumiti siya bago sumipsip sa straw niya para uminom ng softdrinks. Kumunot ang noo ko at nakapamewang na tinititigan siyang kumakain sa harapan ko.
"Pogi mo talaga kapag gabi." Sabi niya at nauna nang sumakay sa motor. Minsan talaga hindi ko na alam sa lalaking 'to. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pabilisin ang tibok ng puso ko.
(play Ikot by Over October while reading this part for better experience)
Sumakay na ako sa motor at sinimulan na ang ritual namin kapag may problema siya. Nag drive lang ako nang nagdrive habang yung ulo niya ay naka sandal sa balikat ko. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kaya hinayaan ko nalang siya.
"Okay ka lang ba, Rau?" pabulong na tanong niya. Hindi ko masabing nakikiliti ako sa ginagawa niya. Mahirap na.
"Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa'yo niyan?" balik ko sa kanya. Naramdaman kong gumalaw ang panga niya at nung tinignan ko siya sa side mirror, nakangiti na siya ngayon.
"Okay lang naman ako. Na-miss lang kita." sabi niya. Again, wala akong makuhang emosyon sa boses niya.
"Kinakabahan ako sa mga ganyan mo. Tsaka, halos araw-araw tayong magkasama sa office. Ano ba!" saad ko nalang. Simula nung high school, magkakakilala na kami. Hanggang ngayong nagtatrabaho na kami. Nasa iisang firm lang kami at ngayon lang kami naka-uwi ulit rito sa isla for our vacation leave.
"'Wag." Ito nalang ang huling salita na narinig ko sa kanya. Naramdaman kong inangat niya ang ulo niya at tinaas ang kamay at sumigaw sa kalawakan. Napangiti ako sa ginawa niya. Ang sarap maging malaya. Ang sarap maging masaya.
Simula nung ginagawa namin itong ritual na 'to nung kami ay nasa grade 8 pa lang, alam kong kakaiba ako. Alam kong kakaiba ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo, alam niyang kakaiba ako ngunit hindi ko pinaalam sa kanya ang nararamdaman ko. Sa islang ito, hindi tanggap ang isang tulad ko. Ngunit kahit alam kong alam niya kung ano ako, hindi ko naramdaman na nandiri siya sa akin ni isang beses.
Nagpatuloy lang ang pagtawa niya sa kalawakan at sinulit ang sariwang hangin na dumadampi sa pisngi namin. Nung ibinaba na niya ang kamay niya, diniretso niya ito sa bewang ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya medyo nailag ko ang manubela. Buti nalang at kontrolado ko parin ito.
He smirked with my reaction and never even bothered to remove his hand away from my waist. I just let him. Napangiti ako nung nakita ko ang favorite place namin.
Pinark ko ang motor namin at bumaba. Pagbaba namin, biglang sumalubong sa amin ang mga ilaw na kulay dilaw, ang hampas ng alon, ang tibok ng puso ko o mga puso namin.
Hinarap niya ako matapos ang ilang minutong pagtitig sa dagat. Yumuko muna ako bago ko siya tuluyang hinarap din. Sinubukan kong ngumiti pero nung nakita ko ang ngiti niya, bahagya akong natawa.
"Ano?!" Pasigaw niyang tanong. Umiling ako.
"Wala. Ang cute mo talaga kapag gabi" Sabi ko nalang at ginaya ang tono niya kanina. Wala akong narinig na sagot galing sa kanya kaya tumingin ako sa kanya. Nakatitig parin siya sa akin ngunit 'di gaya kaninang walang emosyon, ngayong, ang mga mata niya ay nangugusap, ang mga bibig niya ay parang may gustong isigaw.
"Sinabi ko na kila mama." Biglan niyang sinabi. Kumunot ang noo ko. May ideya na ako pero ayokong mag assume.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ko. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.
Kinagat niya lang ang ibabang labi niya at mariing pumikit. Hinayaan ko lang siya at hinintay siyang makasagot. "Bakla ako, Rau" nakapikit niyang sinabi. Nung sinabi niya yun bigla akong ngumiti at nung pagngiti ko ay siyang pagbukas ng mga mata niya.
Inabot ko ang mga kamay niya at tuluyan siyang niyakap. Yumakap siya pabalik.
"Hindi lang yun ang sinabi ko sa kanila" biglang bulong niya... this time, kakaibang kaba na ang naramdaman ko. Ibang iba. Kumawala siya sa yakap ngunit hawak-hawak parin ang mga kamay ko.
"Sinabi ko ring gusto kita. Hindi lang bilang isang kaibigan." Walang hinga-hinga niyang sinabi. Mas lumaki ang ngiti ko. Sa pagkawala ng kaba sa dibdib ay siyang pag-abot ko sa kanyang mga labi.
YOU ARE READING
me, music & these
Romansaone shots, brain rot. just writing whatever comes to my mind with the songs I listen to. (update every Sunday)