Patapos na ako sa pagsuklay ng buhok ko nang may narinig akong katok mula sa pinto ng kwarto. Binaba ko ang suklay, pero pinasok ko muna ito sa drawer para hindi kunin ni Skim o di kaya ay pumasok yung iba ko pang mga kapatid at mangialam sa mga gamit ko. Knowing my sisters, hindi pa naman umaamin agad.
Inilang hakbang ko lang ang distansya sa may pinto at binuksan ko yun. Pero binigyan ko lang ng kunting siwang ang pagbukas ng pinto.
"Ano?"
"Nasa baba si Farren. Hinahanap ka." bungad sa'kin ni Safara nang mabuksan ko ang pinto.
"O sige, sabihin mo sa kanya bababa na ako."
Hindi na ako sinagot ni Safara dahil tumalikod siya agad.
Tinikom ko ang bibig ko at sinara ulit ang pinto sabay buntong-hininga. Tinapos ko nalang ang ginagawa ko saka ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay naabutan ko si Farren na nakaupo sa lumang sofa, may nakasabit sa kanyang balikat na cream color na tote bag. Kausap niya si Skim na abala din sa pagtatahi ng bistida ni Aling Mani.
"Far." I called my best friend.
Lumingon naman siya sa'kin at nginitian ako. "Oy, nandito pala yung ipapatahi sayo ni lola. Blouse 'to at hindi naman mahirap matahi."
Kinuha ko yung blouse ni lola Aneng nang iabot ni Farren. Tapos may pinapatahi pa siya sa'kin na skirt niya, yung uniform niya na palaging sinusuot. May butas yung bulsa niya at kailangan din irepair yung zipper sa likod.
"Kailan mo ba ito kukunin? Gagamitin mo ba yung uniform mo sa Lunes?"
"Oo. Baka bukas makuha ko ha. At bukas narin ako magbabayad dahil kukunin ko pa yung sweldo ko sa Natasha."
"Walang problema. Balikan mo nalang ito bukas."
She nodded.
"Oo. Siya nga pala, hindi ba kayo magtitinda mamayang hapon? Nagpasabi yung kapitbahay namin na oorder daw sila ng muffins. Mga three hundred pieces daw."
Kumunot ang noo ko at bumuntong-hininga ulit. Marahan ko siyang hinila para maupo sa sofa. Tumabi ako kay Sack na nagtatahi ng pants niya. Mano-manong tahi lang.
Kaming tatlo nina Skim at Sack ay kahit pumikit lang kami ay talagang magaling na kami sa pagtatahi. Hindi sa pagmamayabang pero ganun talaga. Simula noong maliliit pa kami ay tinuruan na kami ni lola, saka yun din ang pangunahing kabuhayan niya, napapausad naman niya kami dahil sa pagtatahi niya noon kaya may alam kami sa pagtatahi. Yung dalawa, sina Safara at Skandar ay hindi gaanong maalam sa pagtatahi. Wala naman silang interes sa pagtatahi.
Si Safara ay palaging sa eskwelahan siya lalo na ngayon dahil isa siyang athlete. Yun talaga ang pinagkakaabalahan niya palagi. Si Skan naman ay sa pagluluto kaya sa tingin ko ay kapag nasa college na siya ay culinary yung kukunin niya kasi hilig niya talaga ang pagluluto.
"Pag-uusapan namin yan mamaya. Ikaw na yung bahala na kausapin yung kapitbahay niyo. Game naman kami." Tumingin ako kay Skan. "Skan, may nagpapagawa daw ng muffins para bukas. Three hundred pieces daw." sabi ko nang makita ko si Skan na dumaan paakyat na sa taas.
Napahinto siya at kunot-noo kaming sinuklian ng tingin. "Three hundred pieces? Ang dami naman." Panghimutok niya.
"Mabuti na yun kaysa ang walang order." sagot ko.
"Oo naman beh. Bukas idadaan ko ang bayad, ako narin ang magdadala papunta doon. Invited kasi ako." Farren seconded.
I looked at Farren with aversion. Same as what Safara and Skan threw at her. Skim snorted and Sack smirked.
"O naman mga tingin niyo sa'kin. Alam kong mahilig ako sa party pero duh, invited kaya ako kasi kapitbahay lang namin. Invited din sina Billie no." Depensa niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Leighton
Roman d'amourBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...