"Heyyy get up."
SH*T. Pati ba sa panaginip nandyan parin ang babaeng to! Will she ever leave me alone?!
"Rafffyyyy get up!" RAFFY?! Bat--
"Ano bang ginagawa mo dito?! Diba sinabi ko na sayo na di ako ang nagligtas ng lecheng buhay mo!" Napa upo ako ng matuwid pero naka pikit parin ang mga mata ko. Puchaks ang aga-aga nambuisit ng mga tao ah!
"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" Teka bat pamilyar ang tawa na yan----Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang pinaka pangit na nilalang sa buong mundo!
"Hoy anong ginagawa mo dito?! Pinapasok ba kita? HA?!"
"Oh em! The great Rafael Colt Mariano Dominguez is having girl problems?! Bwahahahaha!"
"Bat ba ang ingay mo! Umalis ka na nga sa condo ko! Bumalik ka na kung san ka man nanggaling!"
"Hey is that a way to greet your beautiful sister? You know, I've missed you so much. Give me a hug will you?" Lumapit siya sakin at bigla akong umilag kaya nahulog siya sa sahig. Hahaha ang pangit niya pag galit!
"Why did you do that for? I'm telling mom! Hmph!"
"Edi mag sumbong ka! Tsaka bat ba parang lahat na ng tao sa Pilipinas e nag i-inggles!"
"Just cause we want to and there's nothing you can do about it!"
"Umalis ka na dito! Distorbo ka e ang ganda ganda na ng panaginip ko!"
"Che! I'm just here because I'm doing a favor for mom."
"So alalay ka na rin niya? Congrats ah! Gusto mo clubbing tayo para mag celebrate!"
"Raffy, she's still our mother. Could you atleast give respect to her?"
"Respect? Wow kailangan niya ba yun? Mukhang hindi naman ah!"
"Raffy please give THEM another chance..."
"Binigyan ko sila ng ilang taon para gawin kung ano man ang dapat nilang gawin. Eh anong napala ko? WALA. Naghintay ako sa wala!"
"Raffy naman eh..."
"Enough! This conversation is over and don't call me Raffy!"
"Okay I'll stop talking but only if you promise to see her later. Please?" Sabay puppy dog face ang kumag kong kapatid.
"Puchaks! Oo na, oo na! Basta ayaw kong makita ang mukha mo!"
'What? Then, where will I stay?"
"Sa nanay mo!"
"Geez fine! You stubborn little brother." Kinuha na niya ang mga gamit niya at papunta na sa pinto. Binuksan ko ang pintuan para sa kanya. At bigla bigla nalang akong niyakap. Puchaks ayaw kong may kayakap at alam niya yun!
"Raffy, give her a chance and do yourself a favor. Kay?" Kumawala na siya sa yakap at umalis ng tuluyan. Mukhang tumakbo pa nga eh.
"Do myself a favor? Hell no! Gusto lang nila ako maka usap para mauto at para maging alalay din nila!" Sinara ko na yung pinto at pumasok na sa loob ng condo ko para makapag isip.
Sigurado akong tiba tiba ang pangit kong kapatid dahil nagpauto eh! Mukhang pera talaga yung babaeng yun! Puchaks!
Eh sa ayaw kong makita ang mga mukha ng mga taong tumakwil sakin! DAMN HER. DAMN THEM. DAMN EVERYONE!
Pupunta ba ako? Shit. Bat ba dinadamay pa nila ako?! Nanahimik na ako o! Puchaks!
"Pumunta ka na kasi Rafael!" HUH?! Sinong nakapasok sa condo ko? Gago baka ninakawan na ako tas nakinig samin kanina! Lumingon lingon ako at wala akong nakita.
"Sinong nandyan?"
"Gago, konsensya mo to!" Gago! Nagdidiliryo na ata ako! Ngayon may naririnig na din akong boses!
"Ano ba, di ka ba talaga pupunta?" Mapikit nga ang mga mata ko. Puchaks! Para akong bata!
"Hoy! Pwede bang wag kang umarte dyan! PUPUNTA KA BA O HINDI?!"
"ABA! BAT KA SUMISIGAW, HA?! SAYO BA TONG CONDONG TO?!"
"EH PUNYETA KA PALA EH! KANINA PA AKO NAGTATANONG EH DI KA NAMAN SUMASAGOT!"
"EH SA HINDI AKO NANINIWALA SAYO! MAS PUNYETA KA! PUCHAKS BAT BA BIGLA BIGLA KANG LUMALABAS?!"
"Kasi po lumalabas lamang kami kapag may kailangan na kayo."
"Kayo?"
"Oo kayo, mga low life human being."
"Aba gago ka! Sumusobra ka na ah!"
"Eh anong gagawin mo? Bleeeeeeh!"
"Pwede bang umalis ka nalang ha? Di kita kailangan eh."
"Eh kaya nga nandito ako kasi alam kong kailangan mo ng tulong."
"Eh bat ba ang kulit mo ha? Eh di nga kita kailangan!"
"Tsss madali akong kausap. Basta kung kailangan mo na ang tulong ko, HINDING HINDI na ako magpapakita! Bahala ka sa buhay mo!"
"Wag ka ng bumalik!" Bwisit! Bad trip naman oh! Puchaks yung boses na yun!
ANG ADIK KO NA.
------
Guys, papatuloy ko pa ba to? Parang nawawalan na ako ng gana eh hahaha parang ang ganda ganda naman ng nasimulan eh hindi naman masyado. Need your help huhuhu :(
loves,
magandang author xx