AndriusMagkakasama kami ngayon sa isang bar‚ sumama na rin ako kasi wala naman akong gagawin sa bahay. My parents were busy‚ they don’t have time for me.
It’s Saturday. Si Zed ang nagyaya and sumama na rin ang girls. Bianca told us na may inaya rin siya‚ we don’t know kung sino.
“Te‚ ang tagal naman‚ sigurado ka ba na pupunta? Edi sana kanina pa kami tipsy,” reklamo ni Kiet.
Kanina pa talaga kami naghihintay, isang oras na rin kaming nandito and yet we aren't ordering anything because Bianca told us that she was waiting for someone.
“Yup. They are coming‚ actually otw na raw sila. Just wait a little bit‚ okay? Masyado kang atat, ate ko. Hindi ka mauubusan ng alak,” lahat kami natawa sa sagot ni Bianca.
“Baka naman boyfriend mo inaya mo, ha? Awat ka naman,” agad na binatukan ni Bianca si Zed.
"Relationship isn't my priority right now, Zeddy boy." Malditang sambit niya, "and men in this generation are stupid. Just like you," and she rolled her eyes at him.
“Grabe‚ kaibigan ba talaga kita? If ever may mag alok sakin ng 1m kapalit ng kaibigan‚ ikaw ang ipapalit ko!” Zed fired back‚ hindi matanggap na tinawag siyang bobo.
I was about to speak, three boys approached us. They were those boys na kaibigan ng kapatid ni Bianca.
“Hi kuya Zav! Thank God you're here na, this friend of mine—” she pointed her finger at Zed, "was complaining because ang tagal niyo daw. Right, Zeddy boy?" Anya nito habang nakataas ang isang kilay, maldita pa itong tumingin sa kaibigan namin.
Natawa na lang ang kausap niya, kahit siya ay sanay na sanay na sa pagiging maldita ng kaibigan namin.
“I forgot to charge my cellphone. My friends couldn't contact you because they don't have your number,” Zaven explained. "I'm sorry, bro." Baling niya naman kay Zeddy.
Zed gasped, "gago!?" Agad ko siyang binatukan, "I mean, gagi!?" Inulit niya pa ang sinabi niya, "I mean, ayos lang! Huwag ka maniwala kay Bianca, pinanganak iyan na sinungaling, bro!"
Napailing na lang ako. Ako ang nahihiya sa kanila, kahit saan dala-dala nila ang pagiging siraulo nila.
I offered them to sit down with us, magkakatabi lang din silang tatlo at kaharap naman namin. Ngayon ko lang din napansin na yung kaibigan nilang tahimik ang kaharap ko.
I really wonder why he's quiet all the time. Or maybe he is like that kapag may ibang kasama?
“Seriously dude? Wala man lang hi sa kanila?” Agad na pinuna ni Zav ang pagiging tahimik ng kaibigan niya.
Natawa kami sa kaniya, dahil tumingin lang ito sa amin at bahagyang tumango na akala mo ay iyon na ang pinaka nakakapagod na ginawa niya.
“Don't mind him, guys. Napilit lang kasi namin yan. Isang oras bago namin napilit,” Natatawang kwento ni Yuen‚ napatingin ako sa kaibigan nila.
He doesn't like party? It's my first time na makakilala ng lalaking ayaw sa night party. He is not into this. Well, no wonder, sa personality na meron siya, based on my observation, hindi na nakakapagtaka na ayaw niya sa matao at maingay na lugar.
“Inuman na! Matira matibay!” Sigaw ni Zaven na ikinatawa namin. Kumuha kaming lahat ng beer at nag cheers, maliban kay Cassian na may beer na sa kamay, mukhang nauna na siyang kumuha ng beer dahil nangangalahati na agad ang laman ng bote.
He doesn't like night party but he knows how to drink. Cool.
Nag kukwentuhan na ang lahat habang ako ay nakikinig lang. I looked at beer on my hand and it's already empty. Just as I was about to grab a beer, my hand hit Cassian's hand, who was also about to grab a beer for him.
