Now playing: Maybe This Time by: Sarah G.
-
☁️ DISCLAIMER ☁️-
This is a work of fiction, but some event of this story is actually happen in real life. Names, Characters, places and incidents either are product of the Author's imagination.
-Ignore the grammatical errors.
-Ignore date and time-
"Couz!"
Napalingon ako sa pinsan ko na tinawag ako, Agad ko naman'g tinaas ang kaliwang kilay ko. "oh?" saad ko.
"Attituda ka na naman! tinawag lang kita." saan naman nito pabalik sa akin kaya tinarayan ko s'ya sabay tawa habang napapa-iling.
"Couz, sino first love mo?" napahinto ako sa panonood ng kdrama.
"Bakit?"
"Wala naman, curious lang ako kung sino first love mo sa dami ba naman nagkagusto sa'yo at naging ex mo." sabay taray nito saakin kaya tinaasan ko ulit s'ya ng kilay. "Hindi ka kasi jowable dzuh!" saad ko at dinilaan s'ya. "Uhm... akala ko na-kwento ko na sa'yo 'yun noon nung nag bakasyon ako sa inyo dati?" saad ko at tinignan s'ya. "Huh? na-kwento mo na ba 'yon sa'kin? hindi ko matandaan e, pwede ba kwento mo na lang ulit? HAHAHA" Bwiset 'to! tinarayan ko s'ya at plinay ulit ang pinapanood ko kaya naman nagpapadyak s'ya na parang bata at tumabi na saakin.
"Cooooouz! sige na pleaseeeee! curious talaga kasi ako e." tinitigan ko muna s'ya, nag dadalawang isip rin kasi ako magkwento.
"Hays! papansin." saad ko sabay tabi sa laptop ko at nag indian seat sa kama.
"well... hmm, saan mo ba ako gusto magsimula?"
"Uhm, kung paano kayo nagkakilala?" napatingala ako sa kisame..."Well, Nung elementary kami after ko mag transfer sa ibang school, nakikita ko na s'ya every practice nila ni Rhein kasi minsan sinasama ako ni Rhein sa practice nila, diba kilala mo si Rhein?" "Oo, iyong best friend mo d'yan sa kabilang bahay." tumango ako "Napapansin ko pa lang s'ya no'n pero 'di pa ako ganoon ka attracted sa kanya. Then nung nag highschool kami. I remember first year high school kami.. isa s'ya sa mga crush ko." yes! I have a lot of crushes when I was in my junior highschool. "Tanggala! HAHAHA ang dami mong crush ah" saad naman ng pinsan kong si Jhoedy. Tinarayan ko s'ya"Dzuh, ang lungkot ng High school life pag walang inspirasyon 'no! at tsaka the more the merrier!" saad ko at hinampas s'ya sa braso. "soooo continueee you bitch!" saad nito saakin.
"Katabing room ko s'ya, tapos classmate n'ya ulit si Rhein that time. So, pag pinupuntahan ko si Rhein sa room nila nakikita ko s'ya, minsan rin s'ya yung napagtatanungan ko kung nasa'an si Rhein hahaha" tumawa ako ng maalala ko pa 'yon. "kinikilig yarn?" tukso ni Jhoedy kasi natatawa nga ako habang nag ke-kwento. "Mas matangkad pa kasi ako sa kanya noon HAHAHA hanggang balikat ko lang s'ya that time." kaya natawa na din si Jhoedy "basta 'yung pagka gusto ko sa kanya hindi pa malalim since 'di naman s'ya gaano nalabas sa room nila at tsaka ang tutoy n'ya pa tignan no'n. At tsaka nung mag 2nd year and 3rd year kami 'di ko na s'ya madalas makita e, 'di ko na rin alam section n'ya no'n since 'di na sila classmate ni Rhein so, nawala s'ya sa isip ko. Tapos nakaka salubong ko lang s'ya minsan sa pathway ng school."
"Then nung nag 4th year high school na kami, katabing room ko ulit s'ya pero 'di n'ya na classmate si Rhein so wala ng reason para makita ko s'ya. Perooo" putol ko para mabitin si Jhoedy"Pero ano?! ang tagal naman kasi kakainis!" hinila ko ng slight yung buhok n'ya ang demanding. "Pero kasi teacher namin sa Filipino 'yung advicer nila so, nakikita ko s'ya sa room nila lalo na pag may inuutos yung advicer nila sa'min. Since, Vice President ako that time at President s'ya sa room nila kahit konti may interaction na nagaganap sa'min." " Hahaha naalala ko pa nga yung mga friends ko sa room pag nag aaya sila bumili sa Canteen, alam mo sinasuggest ko talaga na dumaan kami sa room nila Franz syempre para makita ko s'ya, baklaaa! sinasabi ko sa'yo 'yung leeg ko talaga sa t'wing nadaan kami sa room nila parang leeg ng giraffe para lang makita ko s'ya tapos 'yung mata ko naka auto-lock lang sa kanya." sabay iling ko nung naalala ko 'yon, grabe talaga ko magka crush.
BINABASA MO ANG
She Fell First But He Fell Harder (One Shot)
Teen FictionSabi nila ang First love is more likely to be experienced as unique and perfect, with an emphasis on togetherness, sharing, and communication. And paano pag 'yung akala mo lang na 'Puppy Love' ay s'ya pa lang first love mo. What if after 5 years you...