An Afternoon with Dylan Marco

693 7 9
                                    

"Oh, darn this life! Mas mabuti pang tapusin ko na lang 'to kesa naman ipagpilitan ko ang sarili ko sa taong 'di naman ako naaappreciate." Nagsimula na siyang umakyat sa railings, at dahil may kataasan iyon, nahirapan siya sa umpisa. Pero nagtagumpay din naman siya at ngayon, binabalanse ang sarili habang nakaupo sa harang ng roof top.

"Good bye, world!~" Medyo dramatic pa ang tono ng pagkakasabi niya rito bago tuluyang magmove para mahulog na talaga siya.

Nung una, feel na feel niya ang hangin pero narealize niyang parang 'di naman talaga siya nahuhulog at masakit ang braso niya. 'Yun pala, may nakahawak na rito at sinubukan siyang iakyat muli sa pinanggalingan.

"Dyma," bulong niya sa binatang nakatingin lang sa kanya. Makikita mo 'yung concern sa mga mata nito. "Hayaan mo na lang akong mamatay!"

"Ayoko," kinabig niya ito palapit at niyakap ng mahigpit. "Sabi ko naman sa'yo na andito lang ako tuwing kelangan mo ng kausap 'diba?"

"Hindi ko na kasi kaya! I feel so alone... unloved." Niyakap niya pabalik ang binata at nagsimula nang umiyak. Dyma tried to comfort her sa pamamagitan ng paghagod lang ng likod nito. Hindi muna siya umimik dahil alam niyang kelangan muna ng katahimikan ng dalaga.

"Walang nagmamahal sa akin. 'Yung attention nina mom and dad nasa kapatid ko lang. Puro na lang 'yung kapatid ko. Paano na ako? Walang nagmamahal sa akin!" Hinampas niya ng mahina ang dibdib ni Dyma habang umiiyak while Dyma remained silent hanggang sa kumalma na siya ng tuluyan.

"Dyma, hindi ko na kaya."

"Nakakainsultong isipin na feeling mo walang nagmamahal sa'yo, DM." Panimula ng binata. Kumalas si DM sa pagkakayakap at tinignan ng mabuti ang mga mata ni Dyma. "Andito ako, mahal kita. Hindi mo ramdam?"

Napayuko na lang si DM habang nagpipigil na naman ng luha.

"Okay. Mahal ka ng mga magulang mo, DM. Busy ka lang siguro sa paghahanap ng pagmamahal pero ang hindi mo alam, pinaparamdam naman nila 'yun sa'yo. 'Di mo lang napapansin kasi 'di mo binubuksan ang puso mo."

Napaisip si DM sa sinasabi ni Dyma. Tapos bumalik ang lahat ng alaala niya kasama ang mga magulang at kapatid.

Tatlo silang magkakapatid na puro babae. Nung mga panahong siya pa lang ang bunso, she loved the attention that they're giving. Until one day, nalaman niyang magkakaroon na ng bagong baby ang pamilya. Naisip niyang 'di na siya mahal ng parents niya dahil hindi naman sila magkakaroon ng panibagong kapamilya kung kuntento na sila sa kanilang dalawa ng ate niya. Tapos nagsimula na siyang lumayo sa parents at ate niya. Hindi na siya sumasabay sa pagkain at pagsisimba. Bihira na niyang nakakausap ang mga magulang niya. At kung nakakausap man niya, puro sermon lang dahil nagpabaya sa pagaaral si DM.

Tapos nakilala niya si Dyma. Actually, si Dyma ang unang naging kaibigan niya nang maghigh school sila. Pero perpekto si Dyma eh. Mabait, mayaman, matalino, gwapo. Kung hindi pa obvious, maraming nagkakagusto sa kanya to the point na hinuhusgahan nila si DM dahil halos palagi na silang magkasama ni Dyma.

Nagsimula na siyang iwasan si Dyma, at nagsimula nang lumala ang kalungkutan na nararamdaman niya. For DM, si Dyma na ang kumbaga only hope niya. Si Dyma na lang ang nagbibigay ng light sa buhay niya yet kelangan niyang lumayo para hindi siya kainisan ng mga nagkakagusto kay Dyma.

Tapos dumating ang araw na 'di na niya nakayanan. She tried to commit suicide yet niligtas na naman siya ni Dyma. Siya talaga ang pagasa sa buhay ng dalaga.

"Feeling mo mahal talaga nila ako?" Nagkaroon na siya ng lakas ng loob at tumingala. Tinignan niya ulit si Dyma sa mga matang puno ng sinseridad. Pinunasan muna ni Dyma ang pisngi niyang nabasa ng luha bago ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Afternoon with Dylan MarcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon