April 5, 2013
Ito ang first time kong gumawa ng tula.
Di ko alam kung bakit ko to ginawa. Haha! Siguro na-inspire lang ako.
Di ko din alam kung tama pagkakagawa ko dito kasi wala naman akong background sa paggawa ng tula.
Well, account ko naman to kaya kahit ano naman pwede kong i-post di ba? ;)
Para ito sa isang tao na special sakin, parang siopao na special. Haha! Malapit siya sa puso ko pero malayo sa mata ko. Gusto ko siya, pero malabo...
- - - - - || SnS || - - - - -
Hindi ko inakala, ika'y makikilala.
Oras ay magkaiba, mundo ay magkabila.
Malayo ang pinanggalingan,
Sa isang lugar nagkatagpuan.
Araw araw akong napapaligaya,
Mensahe mo'y nagdulot ng saya.
Hindi maalis mga ngiti sa labi,
Di maintindihan, parang naiihi.
Kahit anong pag-usapan,
Kahit anong pagkwentuhan.
Abot langit ang tuwa,
Na aking nadarama.
Ikaw sa akin ay napalapit,
Pwede bang ikaw ay kumapit?
Parang ako'y nahuhulog,
Sasaluhin ba o matutuhog?
Sinabi mong ako'y gusto mo,
Gusto din kita, yan ang totoo.
Pinigilan ko ang nadaramang ito,
Ngunit tumibok ang puso kong bato.
Isip ko'y gulong-gulo,
Damdamin ko'y litong-lito.
Pag-ibig na ba ang tawag dito?
Umiibig na nga ba ako sa'yo?
Ngunit biglang nagpaalam,
Damdamin ko ay lumamlam.
Ngiti'y nawala na parang bula,
Ako ay naiwang nakatulala.
Di alam ang gagawin,
Maliban sa kumain.
Wala namang magagawa,
Puso ay parang nahihiwa.
Ikaw ay hindi ko pagmamay-ari,
Malabo yata itong mangyari.
Anuman ang aking isipin,
Ika'y di mapapasaakin.
Ikaw ay sobrang halaga,
Kung alam mo lang talaga.
Hanap ko'y iyong pag-alaga,
Balik nito'y aking pag-aruga.
Marami man akong sikreto,
Tago man ang aking pagkatao.
Naging totoo naman ako sa'yo,
Itaga mo man ito sa bato.
Nananatiling umaasa,
Kahit na walang pag-asa.
Makita ka balang araw,
Makasama hanggang pumanaw.
Hilaga o Silangan,
Timog o Kanluran.
Nasaang lugar ka man,
Mananatili ka sa puso't isipan.
- - - - - || SnS || - - - - -
Quotable Quotes :
"Sometimes I wish I never became close to you, that way it wouldn't be as hard saying goodbye."
"Meeting someone in the weirdest way, then he/she became a huge part of your life."
"Isn't it amazing how a person who was just a stranger, suddenly meant the world to you?"
"I don't know where I stand with him. And I don't know what I mean to him. All I know is that everytime I think of him, all I wanna do is be with him. "
- - - - - || SnS || - - - - -
Sinamahan ko ng Quotable Quotes para masaya. Yung song sa gilid, "Separated" by Usher.
So why don't you go your way, and I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
'Cause we're better off, separated...
Sana alam mong para sayo tong tula na to. Mukha namang tula di ba? Haha. Kung nasaan ka man ngayon, kung ano man ang ginagawa mo, sana masaya ka lagi. Ikaw lang ang siopao na special ko. Thank you sa lahat lahat. Mag-iingat ka lagi.