KABANATA 22
Palabas pa lang ng bahay si Sandra nang biglang bumuhos ang ulan.
Nayakap niya ang mga bulaklak. Umatras na lang siya at bumalik sa loob. Umupo siya at napatitig sa bungkos ng mga puting bulaklak na yakap.
Then, she stared outside the window—her eyes watched the raindrops falling.
Noon, kahit umulan ay hindi nagbabago ang isip ni Sandra na lumabas at tumuloy sa nakapalano niyang lakad. The rain couldn't stop her. Ngunit hindi ngayon.
Mabilis mawalan ng gana o naaantala ang lakad at plano ng ibang tao oras na biglang dumating ang marahas na buhos ng ulan.
Lalo na sa Monte Amor. Bihira ang ulan sa kanilang pook kundi tag-ulan. However, when it rains in Monte Amor, it rains hard and harshly.
Pakiwari mo'y inipon ng mga ulap ang tubig sa napakatagal na panahon, at saka ibubuhos nang walang humpay upang saluhin ng kanilang lupain.
Napabuntong-hininga siya. "Patawad, Uriah," bulong niya habang patuloy na pinapanood ang ulan habang yakap ang mga bulaklak na sana'y alay sa puntod nito.
The little Sandra would gladly go outside and no one could stop her from braving the rain. She always thought, the rain was on her side. It used to be a friend who fancies her. Hindi natatakot ang batang siya na mabasa noon kahit nakapayong pa.
Tinanggal niya ang sapatos. Hindi na siya tutuloy. Ilang araw niyang inipon ang lakas upang makalabas at hinanda ang sarili upang mabisita ang puntod ng namayapang nobyo, subalit...
"Patawad," bulong niyang muli at saka napasandal na lang sa sandalan ng malambot na sofa. She didn't let go of the flowers. Pinikit niya lang ang mga mata at pinakinggan ang patuloy na pagbuhos ng ulan.
The sound of the downpour was like taking her back from a few days ago. Doon sa lightroom at kasama niya si Estefan...
That was her first time to experience Estefan's firm persuasion. He's a politician and built with a persuasive speech. Ngunit unang beses niyang makaringgan na may diin at hindi aatras ang pagkumbinsi nito.
It was as if he'd crash if she would not give the answer he wanted from her.
The only thing that saved her from that situation was her father. Tinawag sila nito dahil tumawag sa telepono nila ang ama ni Estefan at nais itong makausap.
She wasn't able to talk to him until he immediately left after that phone call. At parang nakita niya ulit iyong Estefan na magpasensya at hinding-hindi siya ilalagay sa nakasusukol na sitwasyon.
Ilang araw na ang nakalipas mula niyon. His words repeatedly played inside her head the moment she woke up and even before she fell asleep.
It was Estefan's unrestrained emotional voice and pleading face that would be the first and last to occupy her whole mind...
"Patawad, mahal ko..." nabulong niya sa mga bulaklak. "Nahihiya akong bisitahin ka kung ganito lang ang laman ng isipan ko. Why won't you visit me in my dreams again, instead? Why wouldn't you take my mind away from Estefan?"
Patuloy ang pagbuhos ng ulan sa labas. She focused on the sound until someone gently knocked on the door.
Agad siyang napadilat, deretsong napako ang tingin sa nakabukas nang pinto.
Her eyes widened. "E-Estefan!"
Tiniklop nito ang payong at saka siya binigyan ng magaan na ngiti. "Maaayong buntag. Maaari ba 'kong tumuloy?"
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.