Chapter 10

2.3K 100 29
                                    

Danger

"You didn't tell me that today's your birthday. Eh di sana nakapagpa-lechon ako." Pabiro at mayabang kong bulong kay Rael pagkatapos niyang hipan ang cake na inihanda nina Tita Danna at Reena. He scowled at me but the ghost of a smile on his lips is starting to materialize. Bumuntong hininga siya at inabot ang kutsilyo.

Mabilis akong lumayo sa kanya. He murmured something to himself before he started slicing the round tiramisu cake. Nakahinga ako ng maluwag at kaagad na lumapit ulit, mas behave na ngayon.

Inabutan naman ako ni Tita Danna ng plato at tinidor. "Kumain ka ng marami, Benj, ah? Huwag kang mahiya."

I chuckled playfully. "Ah, basta po pagkain, e, wala talaga akong hiya-hiya!"

"At least you're self-aware, huh," Rael mumbled beside me.

"Oo. Isa 'yan sa positive traits ko." I answered confidently as I raised a brow. Kahit ano pa yatang sabihin niya ngayon, palalampasin ko, tutal birthday niya. Ganiyan ako kabait. Pero mas mabait ako kapag tulog. Proven and tested na.

"Give me your plate."

Lumapad ang ngisi ko at sinunod naman ang utos niya. I handed him my plate. Tahimik niya itong nilagyan ng dalawang slice ng cake bago siya nagbukas ng isang soft drink at ibinigay din sa akin.

Wow, ang bait naman ni birthday boy. Sana pala araw-araw niya nalang birthday!

"Kumain ka na, para makauwi ka kaagad." He commanded before he turned to give Reena her slice of cake. Napangiwi ako pero kaagad ko rin iyong ipinagkibit-balikat. Bahala siya. Makikikain pa nga ako ng dinner dito, e! Tita Danna invited me. So who am I to decline such a generous invitation?

I pulled a chair so I could sit comfortably. Tumabi naman sa akin si Reena na pinaghila ko rin ng upuan.

"Kain ka pa, Benj, ano pa bang gusto mo at kukuhanan kita!" Masayang sinabi ni Tita Danna ng makitang sarap na sarap ako sa cake na gawa niya. I pursed my lips when I noticed that Rael gave me a side eye. I wanted to laugh. Deadma sa bashers...

"May shanghai po kayo?" Walang-hiyang tanong ko.

"Oo, meron! Sandali at kukuha ako!"

Reena chuckled cutely. "Favorite ka na yata ni Mama, Kuya Benji."

Natawa ako. "Ganoon ba? Nasisilaw siguro si Tita sa kagwapuhan ko, e."

"Samantalang kay Kuya Greg hindi ganyan si Mama. Istrikto siya roon!"

Nagtaas ako ng kilay. Gano'n? Eh, malamang, hindi naman 'yon gwapo katulad ko.

Bumalik si Tita na may dalang isang pinggan ng shanghai at iba pang mga pagkain. Tuwang-tuwa kami ni Reena lalo na't meron din palang sushi. Busog na busog tuloy ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko kung susubukan ko pang uminom ng kahit isang baso ng tubig.

"Naku, Tita, salamat po!" Namilog ang mga mata ko nang makitang may mga padalang pagkain si Tita Danna ngayong pauwi na ako. Limang clear container iyon at mukhang iba't-ibang putahe ang laman. Nakasilid iyon sa isang malaking plastic para isang bitbitan lang.

"Walang anuman, Benj. Masaya ako na kahit papaano ay may dinalang kaibigan itong si Rael ngayong kaarawan niya..."

Nagkatinginan kami ni Rael. I wanted to laugh so bad to tease him but I stopped myself. Paano ba 'yan? Eh, mama mo na mismo ang may sabi na magkaibigan tayo? Magmumukha na akong mayabang nito?

"Sana next time, girlfriend na ang dalhin..." Hirit pa ni Tita Danna na ikinasimangot lalo ng anak niya. Napawi naman ang ngisi ko dahil naalalang hindi ko pa rin alam kung sino ang tinutukoy ni Rael na gusto niya.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon