Chapter 4

777 29 3
                                    


Andrius

Sa tagal nang pagkakatitig ko sa kaniya hindi ko namalayan na natapos na pala siya magpunas sa bibig kong wala namang kahit na anong dumi.

"What now‚ Zamora? Are you just keep staring at me until I melt?" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ako ang boses niya.

Napakurap ako ng ilang beses. Napapunas ako sa bibig ko nang hindi sinasadya. Napalunok ng dalawang beses na sunod. Tumingin ako sa likod palad ng kamay ko bago tumingin ulit sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"What? I just did what you said. Satisfied?" Nakangising tanong niya. Nakakaloko ang ngisi niya. Para bang normal na bagay ang ginawa niya.

Napailing ako habang nakayuko-hindi malaman kung anong sasabihin. Malalim akong bumuntong hininga dahil para akong kinapos sa hininga. Tumingin ako ulit sa kaniya pero busy na siya sa pag-aasikaso kay Lucian daw.

"You are really something" ang nasambit ko na lang sa kawalan. Tumingin siya sakin na nakataas ang kilay.

"Something like what‚ Zamora?" Seryosong tanong niya habang mariing nakatingin sakin. Tumingin ako sa bata na may hawak ng cellphone bago ulit tumingin kay Cassian na hindi man lang siguro inalis ang pagkakatitig sakin.

"Wala. Ang baduy mo pala." Iyon na lang ang nasabi ko at awkward na tumawa. Ngumisi lang siya. Sumandal siya sa upuan‚ he crossed his arms. Titig na titig sakin. Napaiwas ako ng tingin dahil sa paraan niya nang pagkakatitig.

Umiling pa ako ng dalawang beses bago pinagpatuloy ang pagkain. Naging tahimik ang table namin. Maraming tao pero pakiramdam ko ay kami lang ang nandito. Mas naririnig ko ang tibok ng puso ko kaysa sa mga tao sa paligid namin.

"Why are you here anyway? Are you alone?" Makalipas ang ilang minutong pananahimik ay nagsalita siya. Umangat ang tingin ko sa kaniya. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago ako nagsalita. Ayaw ko na ulit masabihan na nakakadiri nuh.

"Ah naglaro ako sa game zone‚ at oo ako lang mag-isa. Tinawagan ko si Zed kanina‚ isasama ko sana kaso galit na galit agad. Akala mo uutangan ampota" Natawa pa ako sa huling linyang sinabi ko. Naalala ko na naman ang irita sa boses ni Zed.

"Kayo? Bakit nandito kayo? May pupuntahan ba kayo? Nag stop by lang talaga para kumain sa Jollibee ng mall?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin muna siya kay Lucian bago ulit tumingin sakin.

"No. Lucian wants to play‚ so I brought him here to the mall." Sagot niya sakin. Magsasalita na sana ako nang kinuha niya ang isang burger na hindi ko pa nabubuksan at binuksan niya iyon‚ pagkatapos niya buksan inilapag niya ulit iyon sa harapan ko. Aangal na sana ako amp‚ akala ko kakainin niya. Bubuksan lang pala.

"Kapatid mo ba 'yan? Pareho kayong tahimik‚ akala ko tuloy anak mo." Natatawang sambit ko na ikinangiwi niya.

"He's my brother. Are you going somewhere after you eat?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Matagal akong nag-isip. Tumingin pa ako sa oras. Maaga pa‚ ala una pa lang.

"Wala‚ balak ko sana hanggang hapon ako rito." Sagot ko‚ tumango siya bilang tugon. "Tsaka pwede ba? Tigilan mo kaka-english sakin? Nasa pilipinas ka boy" Dagdag ko pa‚ ako lang ang natawa.

"Shut up and just eat‚ Zamora." Pairap niyang sambit. Natawa ako dahil sa pagiging mataray niya. Kung nakakatawa ang pagtatagalog niya‚ mas nakakatawa ang pag e-english niya dahil nagmumukha siyang mataray. Sayang hindi naging babae.

"Taray mo nuh? Pinaglihi ka siguro sa sama ng loob?" Pang-aasar ko sa kaniya. Sinamaan niya agad ako ng tingin na ikinatawa ko lang.

"You talk a lot‚ you know that?" Masungit na sambit niya.

Under HimWhere stories live. Discover now