Chapter 5

773 30 26
                                    


Andrius

Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako pagdating ko sa bahay. Nagising na lang ako dahil sa katok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Padabog akong bumangon para pagbuksan ng pinto kung sino man ang kumakatok.

Pagbukas ko si nanay mirna pala. Kinusot ko pa ang mata ko at ngumiti sa kaniya.

“Naku andi‚ nalipasan ka na naman ng gabihan. Alam mo ba kung anong oras na? Mag a-alas nuebe na ng gabi. Bumaba ka na roon para kumain.” Panenermon niya sakin. Natawa ako. Sanay na ako sa sermon niya. Mas nagmumukha pa siyang nanay ko kaysa sa totoo kong nanay.

“Opo. Ito naman si nanay galit na agad‚ maaga pa naman po e.” Natatawang sagot ko sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin na mas lalo kong ikinatawa.

“Huwag mo akong tawanan na bata ka! Hala sige! Bumaba ka na para kumain‚ mamaya darating na sila ma’am at sir.” Doon pumait ang mukha ko. Kahit naman maabutan nila ako na kumakain sa baba ay hindi sila sasabay. Idadahilan na naman nila na pagod sila galing sa trabaho.

“Opo. Maghihilamos lang po ako ng mukha tapos bababa na ako.” Magalang na sagot ko. Tumango lang siya at pinitik ang tenga ko bago umalis.

Naghilamos ako ng mukha bago bumaba. Nakahanda na ang kakainin ko. Mainit pa ang mga iyon. Mukhang ininit ulit ni nanay.

Lampas alas nuebe na ng matapos ako kumain pero wala pa rin sila mommy. Sanay naman na ako. Ano pa ba ang aasahan ko sa magulang ko na sa sobrang hard-working nakalimutan na siguro na may anak pa sila.

Niligpit ko ang mga pinagkainan ko at umakyat na. Si nanay mirna na lang daw ang maghuhugas ng mga iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko. Nang maalala ko na may mga pictures pala kami sa mall ay agad akong pumunta sa gallery ng cellphone ko para tignan ang mga pictures namin.

Napangiti ako dahil sa nakita. Merong stolenshot na picture ni Cassian at Lucian. Ang karamihan ay kaming tatlo‚ nakangiti kaming dalawa ni Lucian sa camera habang si Cassian naman ay seryoso lang ang mukha. Kahit isang picture ay wala siya nakangiting mukha.

Pinaglihi talaga siguro ito sa sama ng loob. Natawa pa ako sa naisip ko.

Nang magsawa ako sa katitingin ng pictures namin‚ napagpasyahan ko na maligo muna bago bumalik sa pagtulog.

Lunes na naman bukas. Hell week na naman panigurado. 2 weeks na ang nakalipas nang magsimula ang klase.

Engineering kaming dalawa ni Zed habang si Reux ay Architecture. Yong tatlong babae naman ay 1st year college. Pare-pareho sila ng course—pre-med. Ayaw nilang maghiwalay. Kaya magkakamukha na sila e.

Classroom. Nasa classroom na ako ngayon at hinihintay na lang dumating ang prof. Wala pa rin si Zed‚ malapit na mag time. Panigurado naglaro na naman iyon ng COD magdamag kaya late na naman siya. Adik. Kung hindi ko lang alam na naglalaro siyang COD baka iisipin kong nag a-adik siya haha.

Bago dumating ang prof‚ dumating na si Zed. Ngingisi-ngisi pa siya ng makita ako‚ pinakyuhan ko lang.

“Aga natin ah? #mabutingmag-aaral” Pang-gagago niya na naman. Umupo siya sa tabi ko.

“Igagaya mo pa ako sayo na walang ginawa kundi maglaro nang maglaro‚ kaya lutang ka kapag may nagtuturo na sa unahan” Pang-aasar ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.

“I can multitask tol‚ wala ka bang bilib sakin?” Natatawang sambit niya. Ngumiwi ako bago nagsalita.

“Wala! Bilib ampota‚ kakasimula pa nga lang ng klase last week tapos napagalitan ka na agad dahil tulala ka” Natatawang pang-aasar ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.

Under HimWhere stories live. Discover now