Chapter 4
Bryan's POV
Hi hello hi hi hello hello hi! Bryan Gonzales nga po pala! ^_^vUh, kilala nyo na ako eh. Basta pinsan ako ni John Alec, hehe. Cabrera ang middle name ko.
At ako ay stalker nyang si Marjorie. Oo tama ang nabasa nyo, stalker ako ni Marj. Medyo matagal na din yun nagstart. Yun yata yung time na nakita ko syang nakamasid kay John habang nagpipictorial sa may garden nun. Nahiwagaan ako kaya ayun, unti-unti ko syang napansin at unti-unti din akong nagkagusto sa kanya. Kaya nga alam ko na may gusto yan kay John.
Pero may advantage naman ako kasi classmate ko na sya ngayon. Nag-aral talaga akong mabuti para tumaas ang section ko. Kadalasan kasi eh nasa mababang section ako dahil hindi ko sineseryoso ang pag-aaral. Pero dahil gusto kong maging close si Marj eh nagpursigi ako. Oha, ang drama ko, hahaha. :P
Nakita ko nga nun sila Marjorie na nagregister sa sports club eh. Kaso nung nagpalista ako eh hindi na pwede na Table Tennis dahil nagkaubusan na ng slot. Kaya sa basketball na lang ako. At least madali akong makakalipat dahil covered ng sports club parehas yung table tennis at basketball. Hihihi.
Ganito talaga ako, makulit, masiyahin, palagi lang good vibes. Masama yung nababadtrip, nakakatanda yun. Gwapo ko pa naman ^_^
Pero iba si John, kasi minsan may pagka bugnutin yun eh, pero minsan lang naman kasi likas na mabait yung pinsan kong yun. Pero once na mabadtrip sya, eh wala na. Iniisip ko nga minsan, bipolar siguro yun? Haha, de joke lang, mabait talaga yun, kaya nga magkasundo kami eh.
Sige mga sisters, brothers, madlang people at sa neighborhood. Bye! Sa susunod na POV ko na lang! :D
Marjorie's POV
Tapos na ang klase namin kaya pupunta na kami sa tambayan hahaha! Napapadalas kasi ang meeting eh, ang sipag ni Kuya Daniel. Pero bet na bet ko yun!
Kaso ang hindi ko lang gusto eh may mga nakikita akong hindi kanais-nais. Tss, ang close kasi nila John at Lorraine eh. Hindi kaya pinsan nya din yun? Naah, hindi naman siguro.
Eh hindi naman kasi ako makagawa ng moves para mapalapit kay John kasi lalapit pa lang ako eh nang-aasar na yung dalawang bestfriends ko. Tss, sarap lang nilang pektusan.
Sabi nga, ang CRUSH madali titigan, pero mahirap lapitan.
Pero ngayon, promise, by hook or by crook, makikipag close na ko kay John. \(^_^)/
Lumabas na kami at naglakad na papunta sa tambayan nung mahagip ng paningin ko si Lorraine. Papasok sya sa CR at wala syang kasama. Aha, meron akong bright idea!
"Girls, una na kayo, CR lang ako." sabi ko at napatigil naman sila sa paglalakad.
"Eh? Sama ako! Naiihi na ako eh." -Megan
"H-ha? Eh dun ka na sa tambayan mag CR."
"Ha? Edi dun ka na lang din!"
"Eh sige na mauna na kayo."
"Ang labo mo naman eh. Tss. Sama na ko tara na."
"Eh wag na nga, dun ka na lang sa tambayan!" -panira ng moment tong si Megan, psh. Tumingin naman ako ng makahulugan kay Jade. Alam kong magegets nya yan.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Novela JuvenilMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...