-31-

287 7 0
                                    

..

Daniel

"Pasok!" Sigaw ni sir Caile sa akin nang buksan niya ang pinto ng kotse niya.

Sa taranta ko ay nagsisigaw akong pumasok sa loob ng kotse, napakagago naman! Ayaw ko pang mamatay! Kaliwa't kanan ang putukan ng baril, at wala man lang tauhan ni sir Caile ang nandito!

Nakikipagpalitan ng putok ng baril si sir Caile habang patungo siya sa driver seat. Napapayuko at napapailag ako sa upuan ng kotse kahit wala namang tumatagos, mukhang bulletproof ang kotse niya.


"Ano bang nangyayari!?" Natatakot kong tanong kay sir Caile na madilim ang mukha habang ini-start ang kotse.

"Just shut the fuck up for the mean time, Daniel!" Sigaw nito at walang pasabing minaneobra niya ang kotse kaya napasigaw ako sa gulat.

Agad agad ko ring inilagay yung seatbelt dahil baka hindi nga ako mamatay sa putok ng baril, mamatay ako sa pagtalsik ko sa kotse palabas!

Pinaandar niya palabas ng parking lot ang kotse niya at doon ko nakita ang mga lalaking bumabaril sa amin, mga balot na balot sila at parang takot ma-expose.

Ang lalaki ng mga baril nila at habang nakikita ang malayang pagbaril nila sa amin ay hindi ko mapigilang manginig sa takot.


"These motherfucker! Y'all have a death wish, huh?" Anitong kasama ko at napakunot ang noo ko ng buksan niya ang salamin sa tabi niya at dumungaw siya at nagpaulan ng bala sa kalaban.

Napaawang ang labi ko ng ilan sa mga lalaki ang bumagsak sa sahig, wala ng buhay!

Umayos ng upo si sir Caile at pinaharurot palabas ng parking lot ang kotse, wala na akong oras para makapaghanda sa mga nangyayari at ang tanging nagawa ko na lang ay humawak sa pwede kong mahawakan para masabi kong maliligtas ang buhay ko!

Habang mabilis na tumatakbo ang kotse ni sir Caile ay napasigaw na naman ako dahil sa sunod sunod na putok ang pinaulanan sa amin, may mga riding in tandem pa pala! Grabe naman ang taong ito!

"Diyos ko po! Mahabaging emre, iligtas mo kami!" Pagdadasal ko habang sumisigaw at hindi ko pinansin ang pagtingin sa akin ni sir Caile na para akong nababaliw.

"Anong sinasabi mo riyan!? At pwede ba, manahimik ka! You're distracting me!" Sigaw niya at bigla niyang iniliko ang kotse na dahilan para mauntog ako sa salamin ng kotse.

"Aray ko! Napaka gago mo talaga!" Sigaw ko at hinampas siya sa braso na ikinagulat niya.

"And now you're cursing me?" Tanong nito at pinabilisan pa lalo ang kotse kaya ang nagawa ko naman ay kumapit na naman.

"Paanong hindi kita mamumura?? Eh gago, mamamatay na rin naman ako dapat ko na ring ilabas lahat ng inis ko sayo!" Singhal ko at hinampas na naman siya.

Nakita ko ang pagngiti niya kaya napakunot ang noo ko, "Wow, in the middle of the show you're acting like a mad wife." Anito at binuksan na naman ang bintana ng kotse niya para makipag palitan ng bala.

Napatingin ako sa likuran ng kotse sa salamin para makita ang ginawa niya at nagsaya ako nang nawalan ng kontrol ang isang motor at sumalpok sa isa pa.


"Sapul! Ano kayo ngayon! Mga piste!" Sigaw ko at pagtingin ko kay sir Caile ay nakangisi sa akin, "Anong nginingisi-ngisi mo riyan!? And for your information nga pala hindi mo ako asawa!" Singhal ko rito at umayos na lang ng upo.

Yung kaninang takot ko nawala dahil sa mokong na to. Imbes na mas lalong matakot ay nabwiset lang ako sa kaniya.

"Hmph! Hindi pa talaga sila natuto ha?" Aniya at mabilis na minaneobra ang kotse.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon