Wala lang, nagtry lag po ako magsulat ng one shots :) Sana magustuha niyo :)
----------------------x
*Boogsh*
Aww. Ang sakit ng paa ko. Shet lang?! Pauwi na nga ako eh, matatapilok pa ako. Shet lang talaga! Buti na lang nahawakan ako nung nabangga ko kasi nga natapilok ako. Inangat ko naman ang ulo ko para makita kung sino yun pero lucky me at wala na siya.
Yeah right. Wala na siya, hindi ko man lang napansin na umalis na pala. Langya nga naman oh! Err!
"Oh Jane!" nakita ko naman lumapit sakin si kuya at tinulungan akong tumayo. Buti na lang nakita pala ako ni kuya kundi nako! Ewan ko na lang kung makauwi pa ako -_-
Pano! Bwisit na yan! Nasalo niya nga akung ako pero iniwan naman din ako agad. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung okay lang ba ako. Langya nga naman!
Nako pag nakita talaga kita! Ewan ko sayo.
Nung naitayo na ako ni kuya, may napansin naman ako makintab na bronze. Pupulutin ko sana kaya lang nauna nang kunin ni kuya at iniabot sakin.
Ballpen? Tingnan ko ng mabuti kung may nakasulat. May nakasulat.
Nakalagay ay I ♥ JANE
"oh" narinig kong sabi ni kuya. "May admirer ka pala kapatid! yie! Sumbong kita kay mama niyan! Haha" pangaasar sakin ni kuya. heh! Epal ka! Inirapan ko lang siya.
I love Jane? So lalaki ag nakabangga ko. Sino naman kaya siya?
Kinabukasan ay gulong gulo pa rin ako kung sino ag may ari nitong ballpen na 'to pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin ma figure out kung sino. Ano ba naman 'to! Tss.
Habang di pa kami nagkaklase kaya wala akong ibang ginawa kundi ang tingnan at siyasatin ang ballpen na 'to. Ewan ko ba! Mukha akong shunga! Para ballpen lang.
Pero alam niyo yun? Di siya basta ballpen. Bukod sa personalized siya ay may ibang feeling din ako dito. Syempre isama mo pa dun na nakasulat ang pangalan ko sa ballpen na yun. Hindi lang basta pangalan lang, may ♥ pa sa pagitan ng I at Jane.
Sino ba kasi may ari nito?!
Nagulat na lang ako nang bigla itong hablutin sakin ni.. ni...
"Yo! Daryl!" tinawag siya ng kabarkada niyang si Ejay. Lumingon siya dito ng panandilian at ibinalik ang tingin sakin kaya nagulat naman ako at napausog.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Ano ba naman 'to! Nakakabaliw. Kaharap ko lang naman kasi ang matagal ko nang lihim na minamahal, siya ang taong kaharap ko ngayon na nakakakaba kung tumingin sakin.
"Wag mo na lang pansinin ang nakasulat dito, hindi naman 'to big deal" sabi niya sakin at pumunta na sa mga kabarkada niya.
Wag pansinin kasi di naman ito big deal. Yan ang sinabi niya sakin. Pero syempre ayoko!
Mahal ko kaya siya tapos nakalagay sa ballpen I ♥ JANE tapos di ko ibibig deal yun?! No way!
Mahal niya rin pala ako eh! Kinilig naman ako bigla at napangiti.
Tinititigan ko lang siya tapos bigla naman siyang tumingin sakin kaya nailang naman ako pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
Oo nga pala, si Daryl ay kaklase ko simula pa nung first year kami dito. Alam mo bang sa ikinaswerte swerte ko ba namang tao eh lagi ko siyang seatmate at akalain mo yun na 4 years in a row kaming seatmate?!
Sabi ko nga sa sarili ko, baka soulmate kami. Pero ewan ko ba, kahit kailan hindi pa kami nakapagusap na hindi related sa studies. Ang tahimik niya kasi tapos parang ang sungit kaya natatakot naman ako iapproach. Ewan ko nga ba bakit ko naging mahal yan siya eh! Nababaliw na ata ako.
Onga noh? Bakit nga ba? Eh kasi siguro bukod sa magiging salututorian siya ng batch namin at isa siya sa mga kinababaliwang lalaki sa batch namin kasi basketball player din siya? Baka nga pero parang hindi eh. Ang gulo ko. Basta mahal ko siya kasi mahal ko lang siya. Taga pulot ng ballpen kong nahuhulog, taga pahiram ng ballpen kapag nawala ko yung ballpen ko, at minsan pag maayos siya, siya taga kopya ng notes sakin pag busy akong ayusin ang ballpen kong nagloloko? Haha :D Basta mahal ko siya kasi mahal ko siya at yun na yun.
Ang astig nga eh kasi sa ballpen na yun na napulot ko, kinausap niya ako na hindi related sa studies.
Dahil sa kakaalala ko sa mga yan eh nakalimutan kong may teacher na pala at mukha na naman akong tangang nangingiti.
"Nababaliw ka na ba? Oh ballpen mo, nahulog na naman." Ohmaygad! Kinausap na naman niya ako. Waaah! Ohmaygad!
"S-salamat" sabi ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga, ang talino pa. Buti na lang talaga at medyo tanga ako pagdating sa ballpen kasi kinakausap niya ako at pinupulot niya yung mga ballpen kong nahuhulog. Lahat ng ballpen ko itinago ko kasi siyempre nahawakan niya yun kailangan isave!
O_O
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalika sa labi. Shet! hinalikan niya ako sa labi! Napahawak naman ako sa labi ko. Shet! Hinalika niya ako!
"Staring is rude, if you don't want me to kiss you again. Just stare at me" sabi niya at hinalikan na naman niya ako sa labi ko! Ohmaygad! Take note! may teacher pa!
Pero okay lang! Nasa likod naman kami. Hindi rin kami napapansin ng seatmates namin dahil natutulog at nagdadaldalan sila. Shet!
Hinalikan na naman niya ako at iniabot sakin ang ballpen na kinuha niya kanina.
Shet naispeechless ako sa ginagawa niya! Maygad! Sinong hindi?! Shet lang talaga!
"You know what? I don't really kiss a girl especially sa lips" sabi niya sakin at hinalikan na naman ulit ako sa labi. Wow ah! Nakakarami na 'to kaya nung hahalikan niya ulit ako ay tinakpan ko na ang bibig ko.
"If you don't really kiss a girl, why do you keep on kissing me?" pagtataray kong tanong sa kanya. Oh MY Gulay!
"Because I can't help to" sabi niya at humalik na naman. Nako naman 'to!
"Stop it. Why?" sagot ko naman sa kanya at hinarang ang kamay ko sa lips ko.
"Kasi mahal kita." sagot niya naman sakin. Oh my gulay! Totoo ba ito?!
Humarap naman siya sakin at sumeryoso ang mukha niya.
"Matagal na Jane. Natatakot lang ako na baka hindi mo ako gusto kasi hindi mo ako kinakausap." dagdag niya. Yumuko naman siya at feeling ko eh nahiya siya sakin.
"Bakit mo naman nasabi yan? Mahal rin kaya kita. Natakot lag din ako na baka iba ang gusto kasi ang sungit mo at pag kinakausap mo ako puro lang related sa studies." tuloy-tuloy kong sagot sa kanya. At umangat naman ang ulo niya at nakita kong unti-unti nagform into a smile ang kaninang nakasimangot niyang bibig.
Hinalikan na naman niya ako sa labi. Grabe! Nakakarami na 'to! Oh my gulays na talaga! Pero di bale siya naman! Ay landi lungssss?!
"So tayo na?" aba!
"Oo naman basta ba ligawan mo muna ako noh!" sabi ko sa kanya at narinig ko naman na nag "YIE " yung mga kaklase ko.
At narealize kong kaya pala tahimik eh bukod sa boring ang discussion eh nanonood pala sila samin. Tsk! Nakakahiya naman 'to!
"Maging akin ka muna at liligawan kita habang buhay" at niyakap niya ako kaya napangiti na lang ako. Shet! Kilig overload! shet talaga! At nag "Yie" na naman ang mga kaklase ko at aba! Nakisama pa ang teacher namin! Wow ah!
New loveteam na naman daw! Yie! kinikilig ako!
Akalain mo yun? Mahal din pala a ko ng mahal ko? At nang dahil sa ballpen na napulot ko eh, napaamin kaming dalawa sa isa't-isa? Well, bistado naman na talaga siya. Hihi! Kinikilig na naman po ako!
At jan nagtatapos ang kwento ng BALLPEN. *bow*