FMK Chapter 6

31 2 7
                                    

Abby's POV

Actually hindi ko ineexpect na kaya ko nang ngumiti at tumawa ng ganito after what happened and its all because of thiy person Jeon. Nakita ko yung effort niya just to make me feel better, kahit alam kong isa siya sa mga pinakabusy na taong sa buong mundo, he gave me his one day just to remind me na I'm never alone in this world.

"Tea?" sabi ni Jeon habang inaabir niya yung tsaa sakin.

"Di ka makatulog?" tanong niya skin habang tumabi siya sa akin sa upuan.

"Mukhang ganun na nga. Eh ikaw? Ba't gising ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Madami pa akong gagawing paperworks." Sagot niya pagkatapos niyang uminom.

"Sorry."

"For what?"

"For everything."

"Di ba dapat Thank you ang marinig ko instead of Sorry?" Sabi niya sakin.

"Thank you" sabi ko.

"Yan! Your welcome then." Sabi niya sakin na nakangiti.

"Cheers?" sabi niya sakin.

"For what?"

"For being single again?" sabi niya.

"Aah. Hahahha! Ok then, cheers!" Sabi ko, after nun sabay namin ininom yung tsaa namin.

"By the way, 11 na. Matulog ka na may clinic ka pa."

11? Teka, parang may naalala akong something tungkol sa 11 na yan...

Hmmmm...

"Wait! Alam mo ba yung meaning behind the time 11:11?" tanong ko sa kanya.

"Huh?" Tanong niya sakin na mukhang naweiweirduhan siya.

"Aah! Naalala ko na!! Hindi mo talaga alam mo yun??"

"Hindi kasi ako weirdo kaya hindi ko alam yun."

Pangasar talaga to kahit kelan.

"Ieexplain ko sayo, makinig ka ah."

"No, thanks, matutulog na ako. Goodnight."

Aalis na sana siya pero hinawakan ko ung braso niya at hinila ko pabalik sa upuan namin.

"Makikinig ka o makikinig ka?" tanong ko sa kanya.

Nagtitigan kaming dalawa. Oo ganito talaga kami, sa pammagitan ng pagtitig, kung sino ang unang kumurap yun ang talo.

◑▂◑◑▂◐ After 1 minute, ako ang nagwagi!

Sumakit and mata ko dun ah! Well, dahil ako naman ang nanalo, itutuloy ko na yung kwento ko.

"Sabi nila may ibig sabihin daw ang oras na 11:11 sa mga angels, alam mo naman na each of us have our own guardian angels di ba?" tanong ko sa kanya pero imbes na sumagot siya tnignan lang niya ako ng nakakamatay niyang titig na parang sinasabi niya na wag ko na siyang tanungin at dahil masakit na nga ang mata ko ayoko na makipagtalo.

"Anyway ayun nga, ang sabi nila parang yun daw ang only time na pwwde nating makausap yung angel natin at sabihin sa kanila yung pinakagusto nating wish na mangyari, then oue angel will make it come true for us."

"Tingin mo talaga maniniwala ako sa ganyan?" tanong niya.

"Alam mo wala namang mawawala sayo pag naniwala ka eh, hindi naman buhay kapalit pag naniwala ka, just try it once."

"Ikaw ba natry mo na?"

"Oo."

"Nagkatotoo naman ba yung winish mo? "

Finding Mr. KananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon