Chapter 1

1.5K 15 0
                                    

"BODYGUARD?" Napahalakhak nang malakas si Leo sabay iling. "Mama, that's ridiculous. Aanhin ko naman ang bodyguard?"

"Anak, para sa kapakanan mo rin ang iniisip ko. Ang dami-daming naki-kidnap ngayon. Mabuti kung ransom lang ang hihingin. Paano kung patayin ka pa katulad ng ginawa sa anak ni Co Sui?"

"Mama, sa laki ko ba namang ito? Aba'y tiyak matatakot na ang mga iyon."

"Please, iho.. para man lang sa kapanatagan ng isip namin ng papa mo," sabi ng ina.

"No, Mama. Hindi naman ako anak ng presidente ng Pilipinas o artista man lang sana para mangailangan ng bodyguard," mariing tanggi ng binata.

"Leonardo, mamili ka, tumigil ka muna rito sa bahay hanggang mainit pa ang panahon o ikukuha kita ng bodyguard para makalabas ka."

"Ano? Mama, sa tanda ko ba namang ito, kailangan pa ninyo akong diktahan?" Inis na siya, pero malumanay pa rin ang pakikipag-usap sa ina.

Umiba ito ng taktika, palibhasa'y alam nito ang kanyang kahinaan. Pinagaralgal nito ang tinig.

"Anak, gusto mo ba akong mamatay sa pag-aalala sa iyo tuwing lalabas ka—lalo na sa gabi? Please, iho, kung gusto mo pa akong mabuhay nang matagal-tagalan, pumayag ka na."

"Pero, 'Ma.. " Tutol pa rin siya pero malambot na.

Lalo nitong pinagbuti ang pagda-drama, pumatak nang bahagya ang luha nito na sinamahan pa ng pagsinghot. "Please, Leo, anak... Alang-alang man lang sa akin."

Batid ni Leo na dinadramahan lang siya ng ina at alam niyang hindi siya titigilan nito, kaya mabilis siyang nag-isip ng ipangkokompromiso.

"Sige, payag na ako," ayon niya sa huli. "Pero gusto ko, babae ang bodyguard ko at kailangan maganda."

"Teka, teka! Saan naman ako kukuha ng babaeng bodyguard?"

Napangiti siya. "Kung wala, 'Ma, sorry na lang."

"Okay, kung kinakailangan kong kunin si Cynthia Luster, gagawin ko," pangako ng ina.

Natawa siya. "Huwag naman 'yon, Mama. Hindi mo kaya ang talent fee n'on."

---

**KUMILOS** si Ginang Sy nang araw ding iyon. Ipinatawag niya si Prospero, ang chief security officer ng pamilya.

"Gusto kong kumuha ng babaeng bodyguard. I need somebody with a pleasing personality, someone who's qualified for the job."

"Ma'am, kung guwardiyang babae lang, marami. Pero kung bodyguard? Hindi ko alam kung may makukuha tayo. Susubukan kong tumawag sa ibang agency, Ma'am."

"Do that at kailangan ko 'yon sa lalong madaling panahon."

"Yes, Ma'am," sagot ni Prospero.

Pagkaraan ng isang linggo, ipinakita nito kay Mrs. Sy ang nakalap na larawan ng mga babaeng kuwalipikado para sa maging bodyguard ng anak.

"Iyan lang pong lahat, Ma'am," alanganing sabi nito.

Inisa-isa ng ginang ang mga larawan at biodata. "Puwede na sana ito, dating policewoman, kaso.. tiyak na hindi papasa kay Leo ang mukha."

Ipinatawag niya ang anak sa katulong. Nang bumaba si Leo, iniabot niya rito ang file ng mga larawan.

"Hayan, mamili ka nga diyan kung sino ang kukunin natin."

"Mama, I need someone with a pleasing personality. Aba'y puro macho ang mga ito! Ang sabi ko... babae. One hundred percent na girl!" Itiniklop na nito ang file. "Walang qualified sa mga iyan."

My Love My Heroine - Maureen ApiladoWhere stories live. Discover now