Chapter 7

1K 39 18
                                    


Andrius

It’s tuesday. Hindi na ako nagising kagabi. Dere-deretso tulog ko. Nakaligo at bihis na ako. Kakain na lang and ready to go na.

Pagkatapos ko kumain ay dumeretso na agad ako sa parking lot ng school. Naghihintay kay Zed dahil sasabay raw siya sakin papasok sa school. Almost 15 mins na akong naghihintay‚ wala pa rin siya. May 1 hour pa naman bago magsimula ang klase namin.

Napataas ang kilay ko dahil hindi nag-iisa si Zed. Kasama niya si Zaven. Sabay silang lumabas ng kotse.

Ngumiti at kumaway si Zaven sakin‚ ganon din ang ginawa ko.

“Good morning‚ Andi!” Nakangiting bati niya.

“Good morning din,” Nakangiting ganti ko. “Why are you with him anyway?” baling ko sa kaibigan ko nang makalapit ito sa akin.

“Nadaanan niya ako sa highway‚ nasira kotse ko kaya nakisabay na ako,”

"Sabay na ako sa inyo,” Sambit ni Zaven, sabay kaming tumango ni Zed.

Naglalakad kami papasok ng school nang may tumawag sakin—si coach.

“Zamora‚ sasali ka ba ngayon sa team? Kulang pa kami,” sambit ni coach nang tumigil siya sa harapan namin. Tinignan niya muna ang dalawang kasama ko bago tumingin ulit sakin.

Magsasalita na sana ako ng may nauna na sakin. It’s Yuen‚ and he’s with Cassian.

“Si Zaven coach! Kapag sinali niyo si Zaven for sure panalo,” Yuen said. Binatukan siya ni Zaven dahil doon, “For sure panalo ang kalaban!” At talagang tinuloy niya pa.

“Hindi na kayo pwede‚ next year ay wala na rin naman kayo sa school na ‘to,” natatawang usal ni coach. Bumaling ulit siya sakin at nagsalita. “Ano na Zamora? Aba tumatakbo ang oras,” Napasimangot ako sa sinabi niya.

“Saan po ba pupunta ang oras? At bakit tumatakbo?” Pang-gagago ko kay coach. Sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko lang.

“Pag-iisipan ko po‚ coach. Kailangan ko pa po magpaalam sa parents ko‚ baka kasi nakalista na pangalan ko tapos ayaw pala nila edi nalintikan na,” Natawa pa ako sa huling sinabi. Totoo naman na malilintikan ako kapag nagkataon. Ayaw na ayaw nila na sumasali ako sa basketball dahil sayang lang daw sa oras.

“Oh siya sige‚ punta ka na lang sa office ko kapag pinayagan ka. Mauna na ako sa inyo,” nakangiting paalam niya at tinapik ang balikat ko. Tumango ako at ngumiti rin sa kaniya.

Napatingin ako kay Zed dahil nakatitig siya sakin—no‚ nakatitig sila sakin.

“Maaga pa naman, tol‚ tara coffee muna sa may harap ng school?” Alam ko na ang balak nito. Hindi niya na ako hinayaan sumagot at basta na lang inakbayan palabas. Nakasunod samin yong tatlong ulupong.

Nang makarating kami sa coffee shop‚ si Yuen at Zaven na raw ang o-order.

“Andi‚ sila tita‚ kumusta?” Nagsisimula na siya. Kabisado ko takbo ng bituka nito.

“Ayos naman,” Sagot ko habang nag s-scroll sa cellphone.

“Busy pa rin?” Napabuntong hininga ako sa tanong niya. Tinusok ko ang pisngi sa loob gamit ang aking dila. Nagtitimpi. Kapag ganitong usapan ay mabilis ako mawalan ng gana.

“They are always busy‚ Zedrick. They are working that’s why they are busy,” hindi ko na agad matagalan ang usapan na ganito. Bumuntong hininga siya. Napatingin ako kay Cassian na mariing nakatingin sakin. Umiling ako at umiwas ng tingin.

Bago pa makapagsalita si Zed ay dumating na ang dalawa.

“Nga pala andi‚ ayaw ba ng parents mo na sumasali ka sa mga ganon?” Basketball ang tinutukoy niya. Napatingin ako sa kaniya. Hindi alam ang isasagot.

Under Of HimWhere stories live. Discover now